Shane Harper's point of view
We are now heading to their studio. She's walking ahead of me.
Why does it have to be this awkward? It's been years, right?
Hindi ko alam bakit pinag-iisipan kong mabuti ang lahat ng sinasagot at sinasabi ko sa kanya. Pakiramdam ko, may masabi lang ako, mababasag sya. Masasaktan sya.
Alam ko, kahit hindi nya sabihin at hindi ko sya nakita sa mga nakaraang taon na yun,
Alam kong sobra ko syang nasaktan.
Tinitigan ko sya habang naglalakad sa harap ko.
Tumangkad sya pero ganuon pa din ang trip nyang buhok. Blonde.
Ang payat pa din nya. Wala naman ding masyadong nabago sa kanya.
Lalo syang gumanda. Natuto na sya mag-ayos.
Bakit kaya nag-aayos na sya?
Napahinto ako dahil huminto sya sa isang pinto. Nilingon nya ako at tipid na ngumiti sa akin.
"Harper, wait lang, 'ha? Orient ko lang sila."
Tumango lamang ako.
Harper.
She started calling me by my surname again.
Tulad noon, noong... wala pa syang pakielam sa akin.
Those days when she hated me so much.
Does she hate me now? Bumalik ba kami sa dati?
Pumasok sya sa room na iyon at bahagya kong narinig ang ingay ng mga tao sa loob.
Napahawak ako sa ulo ko at sumandal sa tabing pader.
Napakaliit naman ng mundo. Dito sila nag-aaral lahat kung saan nagtatrabaho si Tita at grupo pa talaga ni Annika ang makaka-collab namin.
Napangiti ako ng bahagya dahil pinursue nya itong passion nya, ang pagsasayaw.
"Dance cover? Seryoso ka?"
Kasalukuyan kaming nasa terrace nila at nagpapatugtog ng mga upbeat na sayaw at naisip ko na alukin sya nag mag-upload muli sya ng dance cover sa youtube channel nya at this time ay kasama nya ako.
"Seryoso ka ba- - SUMASAYAW KA DIN?!" Ngumuso naman ako para pigilan ang pagtawa ko. ANg cute nya talaga kapag nagugulat.
"Yeah, pero mas ineenhance ko yung singing skills ko kaya hindi halata." Sumimangot naman sya at pinatay ang speaker. Umupo sa sa malayong silya at humalukipkip duon.
BINABASA MO ANG
tame that man-hater ♣ liskook
Romance°nothing much has really changed, harper. it's just that, i hate you even more now.° ▶book2 of The Nerd and The Heartbreaker◀ •cover made by• @JOUNGCOOK