4.3

1K 47 26
                                    

WARNING: UNEDITED

Annika Jiao's point of view

   

"What the- - i-ikaw si 'swaegggdancer97'?"

Umiwas naman ako ng tingin habang unti unting tumatango. Maidedeny ko pa ba? E nainvade nya ng sagad itong laptop ko. Sinara ko na lamang iyon at dumeretso sa sala. Naramdaman ko naman na sinundan nya ako. Kasalukuyan kaming nakaupo sa may sofa, walang imik pareho.

"Annika, hindi ko alam na sumasayaw ka pala." Huminga sya nang malalim at sumandal ng bahagya sa balikat ko. "Bakit di mo sinabi sakin kung di ko pa nakita?"

Umayos sya ng upo at ako naman ay nanatiling katingin sa bintana.

"Akala ko kase hindi naman na mahalaga kung malaman mo- -


"Lahat ng tungkol sayo, mahalaga sa akin."  Seryoso nyang sabat kaya napatikom na lamang ako ng bibig. Si Shane talaga, biglang gumaganun.

"Hindi naman din kase ako ganun kagaling. Trip ko lang nung elementary ako kaya tinuloy tuloy ko na hang- -

"Hanggang sa naka 10k subscribers ka. Annika naman, hindi sila magsusubscribe sayo kung di ka magaling." Inakbayan nya pa ako kaya lalo akong napalapit sa kanya. Namula naman ako dahil sa lapit at... bango nya. TSK! UMAYOS KA, ANNIKA!

"At isa pa, napanuod ko na yung iba mong videos dati. Bakit ba hindi ko man lang napansin na ikaw yun?"

Ngumuso na lamang ako at sumandal sa dibdib nya.

"Maraming mas magaling sa akin."

"Sa ngayon. Mag-iimprove ka pa lalo hanggang sa mas marami pang makakadiscover sayo. Wag mo kong kakalimutan pag feym ka na ha." Tumawa naman sya. Siraulo talaga.\

"Sabi ng matagal ng famous." Umismid na lamang ako at niyakap nya ko ng mas mahigpit.

"Sikat ka din naman, 'ha?" Kumunot naman ang noo ko.

"Kilala ka bilang isa sa pinaka-matalino sa Math. Walking calculator- -

"Nerd. I get it. Sikat naman talaga ko kase matalino ako what I mean is yung maraming fans. Ikaw marami kang fans."

"Si swaegggdancer97 din naman ha?" Ngumisi pa sya kaya lalo akong sumimangot.


"Not as Annika." Huminga ako ng malalim bago sya tiningala ng tuluyan.

"Shane, bakit ako ang nagustuhan mo? Hindi naman ako kasing sikat mo. Alam mo kung sino yung bagay sayo- -

"LAKOMPAK- -

"Si Ayu. Sya yung campus queen. Suki sya ng pageants. Nilalaban sya lagi sa mga contests. Marami syang fans. Hindi mo pa sya ex at bagay talaga kayo."

Dahil nakatulala lamang ako habang iniisa isa ang mga dahilan kung bakit hindi dapat ako ang pinili nya ay di ko namamalayan na papalapit na pala ang mukha nya sa akin at hinalikan ang labi ko. Mabilis lamang ito. Nanlaki naman ang mata ko pagkatapos noon. Ngumisi naman sya at sunod na hinalikan ang noo ko.

"Wala akong pakielam kahit sya pa ang miss universe. Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko. Wag ka ngang insecure, pwede ba? Dati naman wala kang pakielam sa kanila ha?"

Huminga ako ng malalim.

"Dati yun, Shane. Sa pag-aaral lang umiikot mundo ko noon, ngayon, sayo na."

tame that man-hater ♣ liskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon