Note: Dinededicate ko nga pala sa isa sa pinakapaborito kong author na liskook shipper din like me. Hi Desiree! ;)
Love,
Queen Jeon (TheLostAngelle)- - -
Annika Jiao's point of view
"Yung ang saya mo kase nakagraduate ka na tapos kinabukasan kuhanan ng card."
Napangisi na lamang ako habang pinapanuod si Bridgit na yamot na yamot. Ksalukuyan kaming naglalakad papasok ng school gate. Kailangan namin bumalik para sa report card. Kahit na tamad na tamad kami ay kinailangan dahil requirement ito para sa admission fro college freshmen.
"Okay lang naman ha?" Kumunot lamang ang noo nya at tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako at nilingon sya. "Bakit?"
Umiling naman sya at nagkibit balikat. "Ikaw? Okay?" Umiling lamang sya lalo at nilagpasan na ko sa paglalakad. "Di shing."
Napairap na lamang ako sa kawalan at naglakad na muli para maabutan sya.
"Alam mo, Bridj, last na balik naman na natin 'to ha?" Ngumiwi sya kaya inakbayan ko na lamang din sya.
"Cheer up! At isa pa, di ka ba nakucurious sa grades mo ng fourth quarter?"
Siniko naman nya ko kaya natawa ako duon.
"Ikaw lang naman ang matutuwa sa grades mo kase palagi at sure na mataas. E ako, kahit nageexcel ako sa iba, hirap na hirap ako sa calculus natin!" Pumadyak padyak pa sya habang nakaharap sa akin. "Baka last na lang, nagkaline of seven pa ko."
Ako naman ang ngumiwi sa kanya. "Alam mo, napaka-nega mong bruha ka. Tara na nga!" Hinila ko na sya papaakyat sa room namin which is nasa 4th floor.
- - -
"Bakit nakalock tong room natin- - Ohhh." Lumapit ako sa nakapaskil sa pintuan ng room namin. May nakasulat duon.
'Go and meet me here at Room 410 to get your Form 138. -Ma'am Torres'
Tumango tango naman ako. Narinig ko na ang 'tsk' ni Bridj kaya nauna na ko maglakad dahil magrereklamo lamang yun.
"Bakit sa dulo pa? Katapat yun ng hagdan paakyat sa rooftop di 'ba? Naman o!"
Hindi ko alam pero bigla na lamang ako napatigil sa biglang pagmention ng lugar na iyon. Napatulala na lamang ako bigla habang wala sa sarili kong pinanuod si Bridgit na naglalakad na pauna sa akin at parang dumadaldal pa din dahil akala nya nasa likod nya lamang ako.
Rooftop...
Nakaupo ako sa bench dito sa may rooftop kung saan madalas kaming tumambay. Punong puno ng alaala ang lugar na ito kaya para na rin naming inangkin ito.
Napatingin ako sa relo ko dahil alas singko na ng hapon pero wala pa din sya.
3:40pm ang uwian ng Seniors tuwing Friday ha? Nasaan na sya?
"Nasaan na kaya si Shane?" Bulong ko sa sarili ko.
Dahil sa inip ay tumayo ako at pumunta sa may dulo ng rooftop para silipin ang grounds.
Napangiwi ako dahil halos pauwi na ang ibang mga estudyante. Makulimlim na din.
Kinakapa ko na ang cellphone ko mula sa bulsa habang nagmamasid pa din sa mga estudyante sa baba pero ng mahawakan ko na ang telepono ko ay sabay naman na nahagip ang atensyon ko ng dalawang tao sa ilalim ng puno ng narra malapit sa basketball court.
Natulala na lamang ako dahil parang kusang tumigil ang sistema ko.
Hindi. Hindi malabo ang mata ko kaya sigurado ako.
Sigurado akong si Shane yun at ang cheerleader ng campus.
Si Desiree.
Nagtatawanan.
Nagtatawanan lang naman hindi ba? Pwedeng magkaibigan lang sila? Friendly naman si- - No he's not that friendly unless kaibigan ko.
Hindi kami close ni Desiree pero paanong...
Bakit parang close na close sila?
Napakagat ako sa labi ko habang umiiling.
"Hindi. Magkaibigan lang sila." Umiwas ako ng tingin sa kanila habang bumabalik sa bench.
Mahal ako ni Shane.
Nanatili akong nakapikit at nakatingala habang nakaupo sa bench na iyon at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.
"Nandito ka lang pala. Bakit di mo sinabi na aakyat ka? Muntanga kong nagsasalita mag-isa duon."
Dumilat ako agad at nilingon si Bridgit na nakahalukipkip habang pokerface na papalapit sa akin pero nang tuluyan nya nang maaninag ang mukha ko ay unti unting bumilis ang paglapit nya.
"You're crying again, Annika. Come here."
Niyakap nya ako ng mahigpit kaya binaon ko ang mukha ko sa balikat ni Bridgit. Hindi ko na napigilan pang umiyak.
"You'll be fine, bestfriend." Bulong nya habang hinahagod ang likod ko. "Makakalimutan mo din sya." Kumalas sa yakap si Bridgit at bumungad agad sa akin ang ngiti nya.
"Since hindi na tayo babalik dito sa lugar na to kung saan marami kayong alaala."
Unti unti akong ngumiti at dahan dahang tumango sa kanya kaya pinisil nya ng marahan ang balikat ko bago ako inayang tumayo.
"Okay ka na?" Tanong ni Bridgit. Tumango muli ako at nagthumbs up sa kanya. Inakbayan nya naman ako at hinila na ko palabas ng rooftop.
I am okay.
I really am... I really am trying...
BINABASA MO ANG
tame that man-hater ♣ liskook
Romance°nothing much has really changed, harper. it's just that, i hate you even more now.° ▶book2 of The Nerd and The Heartbreaker◀ •cover made by• @JOUNGCOOK