Your comments motivate me! Please comment more. How is it so far?

- - -

Annika Jiao's point of view

"Annika, kamusta first day sa Dance Club?"

Inakbayan ako ni Bridgit habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker.

Hindi pa din makapaniwala si Bridgit na sa Dance Club ako sumali dahil dati ay palaging Math major na club ang sinasalihan ko noong highschool. Pero dahil gusto kong magtry ng bago ngayong college, why not? At isa pa, matagal ko nang passion ang pagsasayaw. Kauni lamang ang nakakaalam na marunong ako noon dahil hindi ko naman ito pinapakita nuong highschool ako dahil mga quiz bee ang sinasalihan ko.

Naisip ko na since Accountancy ang course ko, mananawa ako sa Math duon so, bakit Math Club din ang kukunin ko? Chance ko na din to para maenhance pa lalo yung talent ko sa pagsayaw.

"Ayos lang naman. Kinabahan lang ako nang pagsayawin kami ng solo sa harap, isa isa."


"Hi, everyone. I'm Annika Jiao. I hope we can be friends."

Nginitian ko silang lahat. Tumango tango naman sila at ngumiti din.


Nahagip ng mata ko yung lalaki sa likod na nakangiti sa akin at nang mapansin nya na nakatingin ako sa kanya ay kumaway pa sya.


Wow, ang friendly naman nila.


Mukhang tama nga ang desisyon kong sumali dito.


Nagpakilala din ang iba pang mga freshman na katulad ko.

"Annika, right?"

May tumawag sa pangalan ko mula sa likod at nang tumingala ako ay nakita ko yung babaeng katabi ko kanina. Tumango ako sa kanya at ngumiti naman sya pabalik habang umuupo sa tabi ko.


"Ako nga pala si Meredith. Freshman din ako katulad mo."


Inabot nya ang kamay nya na agad ko din naming tinanggap.


"Hi Meredith." Tipid kong sabi sabay ngiti. Medyo kinakabahan pa din kase ako dahil magsasayaw kami ng solo sa harap mamaya after 15 minutes. May naprepare naman ako for audition pero hindi ko pa din maiwasan kabahan dahil first time kong sasayaw sa harap ng maraming tao.

"Kinakabahan ka din ba?" Nag-aalangan nyang tanong habang pinagsisiklop ang dalawa nyang kamay. "Kinakabahan kase ako e."

Ngumisi naman ako habang tumatango. "Hindi ka nag-iisa."


Tumawa naman kami pareho at ng lilingon na dapat ako sa stage ay nahagip nanaman ng mata ko ang lalaki kanina. Kumunot ng bahagya ang noo ko.


Nang magtama ang tingin naming ay ngumiti muli sya at umiwas ng tingin. Bumaling muli sya sa kausap nya.


Napanguso na lamang ako dahil duon.


Nagpakilala sya kanina at sa dinami dami nang nagpakilala ay hindi ko na matandaan ang kanya pero parang ang naalala ko ay nagsisimula iyon sa R- -

tame that man-hater ♣ liskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon