Pakiramdam
Ali's point of view
Pasukan na, may bagong building at classroom na naman akong mapapasukan. Ang masama pa napunta ako sa Room 19.Sa pinakataas at pinakadulo....
Pinapasok na kami sa kanya-kanya naming classroom. Konti lang kaming magkakaklase dito.
Sabi nila, dati daw itong budega. Dito daw pinatay ang babae. Sabi pa nga ng iba, may Nilsson daw dito.
Ano ba talaga?
Pagkapasok ko, ay takot na ang naramdaman ko.
Madilim dito, hindi masyadong nasisikatan ng araw. May sariling banyo at lababo pa. Sa may dulo, may makikita kang locker dito.
Matagal na itong hindi nagagamit. Mga 10 years na ata?
Agad akong napatingin sa may harang sa silid at agad ko itong tinignan.
Nakita ko ang dalawang sofa doon. May makikita ka ding telebisyon na mukang gumagana pa naman.
Pagkatapos ko ilibot ang sarili ko sa silid, ay agad na akong umupo sa upuan ko.
May naramdaman ako....
"Bahhh" pangugulat sa'kin ng kaibigan ko na si Jin.
Agad ko syang binatukan dahil sa ginawa nya.
"Ano ba! Ginulat mo ko don ah"
Ewan ko ba para syang baliw, bigla nya 'kong tinawanan.
"'To naman di mabiro" paglalambing nya sa'kin sabay niyakap ako.
Malambing talaga yan si Jin. Kapag hindi mo sya pinatawad, Hindi nya mapapatawad sarili nya. Naalala ko tuloy nung nag-away kami halos mapatay nya na sarili nya non eh hahaha
Hindi nagtagal, pumasok na ang unang teacher namin. Pagkapasok nya ay nilibot nya ang silid, nanlalaki ang mga mata nya.
She's weird af
Ewan ko kung ako lang, pero narinig ko syang bumulong.
"Shaina"
Shaina?
Sino sya?
Bakit binulong ng teacher namin yung pangalan nya?
Pagkatapos nyang libutin ang silid, ay pumunta sya sa harapan para magpakilala sa amin.
"Good afternoon everyone, I'm ms. Margaret Trinidad. And I will be your adviser. I'm also your math, English, science, Tle, mapeh, Araling Panlipunan and Filipino teacher" nakangiti nitong tingin samin.
Seriously? Lahat na ng subject na sa kanya?
Wtf.
Lahat kami nagulat sa narinig namin, lahat ng section ay iba-iba ang teacher pero kami iisa lang.
Nag-umpisa na magturo ang adviser namin ng Araling Panlipunan.
I really hate that subject! Wag na kasing balikan ang nakaraan masasaktan ka lang. :(
Habang nagtuturo sya ay nagtitinginan kami ng bestfriend ko na si Jin. Anlayo kasi ng pagitan ng upuan namin eh.
"Hi i'm Angelo"
May narinig aking nagsalita, pagkalingon ko ay nakatapat ang kamay nya sa'kin na tila ba makikipagkawayan.
Tinignan ko ang palad nya na nakatapat sa'kin at sinagot ko sya.
"Sorry, but i'm not interested" nakangisi na sagot ko.
Agad lumukot ang noo nito pero wala me pake.
"Sungit" bulong nito.
Masanay ka na sa kasungitan ko kasi wala talaga akong pake kahit kanino. Kaya madaming may ayaw sa'kin eh.
Recess na, pero hindi kami pinalabas ng classroom para bumili sa canteen.
Nako nako.
Nagreklamo kaming magkakaklase pero ayaw padin kaming palabasin ng teacher.
Hayst.
Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang mga estudyante na bumibili sa canteen.
Kainggit namern!
Bigla na lumabas ang teacher ko sa may banyo at may dala-dalang pagkain para sa'min.
May kusina sa banyo?
Agad na nagsilapitan kami para kumain.
Habang kumakain ang iba, ay nilapitan ko ang guro namin at ako'y nagtanong.
"Mawalang nalang na po, pero bakit ayaw nyo po kaming palabasin?" Nakangising tanong ko sa kanya.
Agad nya akong tinignan sa muka at mukang tatawa pa.
"Bakit? Gusto mo bang makipagsiksikan sa canteen?
Oo nga naman, concern lang siguro ang teacher namin. Pero may iba talaga akong pakiramdam eh.
BINABASA MO ANG
Room 19
Mystery / ThrillerSa isang silid may tawanan, eh dito? ................. Patayan.