Chapter 4

2 0 0
                                    

Bad influence

Ali's POV

Aminin kong kinilig ako kanina sa sinabi ni Angelo. Syempre sino bang hindi kikiligin don diba?

Kailangan ko munang alisin ang kilig dahil kailangan ko pang mag review para sa quiz namin bukas. Bakit ba naman kasi may pa quiz pa eh, hindi naman masyadong nagtuturo si Ms. Margaret.

Buti nalang at hindi pa pinapatay ang ilaw, alam siguro ni ma'am na nagrereview kami kaya hindi nya muna ito pinatay. Habang nagrereview kami ay naiisip ko padin ang eksena na nangyari sa'min nina Arci at Angelo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din yon makalimutan, pero kailangan, kaya kakayanin ko.

Medyo mahirap mag review dahil hindi ako gaanong nagsusulat ng lecture.

Tahimik dito ngayon sa kwarto, dahilan na din ng pag rereview namin. Masikap kaming magreview dahil alam namin na kapag hindi namin naipasa ang quiz ay ibabagsak kami ni ma'am Margaret. Wala na ding nagtangkang magsalita pa dahil alam nilang makakabulabog sila.

Nakita ko naman ang grupo ni Arci na hindi nagrereview.
May binabasa sila, pero hindi ang notebook o libro man lang sa pag-aaral. Meron silang kanya-kanyang hawak na libro.

Bahala nalang sila kung bumagsak silang apat. Deserve din naman nila yon eh. Psst.

Habang inaaral ko ang formula sa math ay nakita kong seryosong nakatingin sakin si Angelo. Nakita ko ang mga mata nito, iniwasan ko nalang sya ng tingin dahil ayaw ko na syang titigan. Ewan ko ba pero naguguluhan ako. Ngayon ko lang sya nakilala sa buong buhay ko.

Agad na hinampas ako ni Jin ng mahina sa likod dahil nadin sa nakita na na tulala ako.

"Anong iniisp mo dyan ha?" Bulong nito sakin, habang nakatingin kay Angelo.

"Wala, wag mo nalang akong pansinin. Magreview ka na nga lang dyan." Pagsuway ko sa kanya habang bumubulong. Ni hindi ko man lang sya nakuhang lingunin.

"Sungit" Dinig kong bulong nito.

Hindi ko nalang pinansin si Jin at inirapan ko nalang sya..

Madami na nga akong iniisip dadagdag pa sya.

Naramdaman ko ang pagkaalis ni Jin sa tabi ko. Nakita ko na lumapit sya sa pwesto nila Angela at Riza.

Mukang nagtampo sa akin si Jin.

Hindi ko din naman sya masisi kung nagtampo sya sakin at lalong hindi nya ako masisi kung nasungitan ko sya.

Ilang saglit ay naramdaman ko ang pagkasakit ng tiyan ko, ewan ko ba, pero kagabi pa 'to eh. Siguro nalipasan lang ako ng gutom. Medyo hindi ko kasi nagugustuhan ang lasa na inihahanda saamin ni ma'am Margaret eh.

Lumabas ako ng kwarto at agad na akong dumiretso sa banyo.

Napansin ko ang pagkakaroon ng tigyawat sa aking muka. Sabi daw nila kapag daw nagkatigyawat, ang ibig sabihin daw non ay in love ka.

Ayaw ko munang isipin yon. Lalo na't kay Angelo pa? Hahaha no way!

Oo gwapo sya, pero hindi sya yung tipo ng lalaki na gusto ko. Gusto ko yung gentleman at sweet. Oo may pagka gentleman at sweet nga si Angelo pero... Ahh basta hindi sya yung tipo ko.

Habang naghihilamos ako ay may narinig akong nag bukas ng pinto. Dahil may sabon sa muka ko ay hindi ko magawang imulat ito.

"Pimple huh? Bakit? In love ka ba sakin? Well hindi kita masisi." Boses ng isang lalaki. Dinig ko ang yapak ng paa nito papunta sa pinto. Dinig ko din ang pagsara ng pi to habang sya ay sumisipol.

Pamilyar yung boses...

Angelo...

Kahit kailan talaga yung lalaking yon.

Agad ko na binasa ang muka ko at iminulat ang aking mga mata. Nagsipilyo na din ako para fresh ang bibig ko.

Natapos ko ng gawin ang lahat sa banyo kaya dumiretso ako sa kwarto. Tahimik na mga estudyante pa din ang nadatnan ko. Ang sarap din pala sa feeling na natihimik no?

Habang naglalakad ako ay napansin ko ang pag-irap sa akin ni Jin, bilang ganti ay inirapan ko na din sya.

Pero syempre nalulungkot ako dahil nagkakatampuhan kami ng bestfriend ko. Kahit ganyan naman yan ay mahal na mahal ko pa din sya. Okay lang din kahit magkatampuhan kami ngayon, alam ko namang magkakabati kami bukas eh.

Napansin ko nalang din pala na wala sila Arci sa pwesto nila. Sinubukan kong hanapin sila sa pamamagitan ng paglibot ko ng paningin. Nakita ko na andon sya sa pwesto nila Riza kung saan kasama nila si Jin.

Paingay ng paingay sa kwarto. Nagtatawanan lahat ng babae, habang ako ay mag-isa na nasa kama.... nakatingin sa kanila.

Naramdaman ko na bigla nalang may tumabi sa akin at bumulong.

"Kabahan ka ng hindi mo magiging kaibigan si Jin lalo na't masama mang impluwensya sila Arci."

Room 19 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon