Red room
Ali's POV
Gusto Kong kausapin si Jin kaso nahihiya ako.
"Walang kaibigan? Pareho pala tayo, inagawan ng kaibigan." Dinig kong bulong ni Ema habang nakatingin sa grupo ni Arci.
Huh?
Agad ko syang nilingon. Tinanong ko kung sino ang kanyang kaibigan.
"Bakit? Sino bang kaibigan mo?" Mahinhin ko syang tinanong para hindi kami marinig ni ma'am Margaret.
"Si Hanna." Wala gana nitong sagot.
Hanna? Kilala ko si Hanna, isa sya sa sa grupo ni Arci. Mataray sya, kasing ugali nya lang din si Arci, pero mas malala ang ugali ni Arci kaysa kay Hanna.
Natulala nalang ako ng marinig ko ang sinabi nya na kaibigan nya si Hanna. Ramdam ko din na tumingin sakin si Ema.
"Nakakapagtaka no? Hindi mo inaasahan na naing kaibigan nya ako. Hindi naman kasi talaga masama ugali nya eh, ang bait bait nya kaya dati. Kaso naimpluwensyahan sya nila Arci, kaya ayun sumama ang ugali nya." Sambit nito habang nagsusulat sa kanyang kuwaderno. "Kaya ngayon palang, dapat ka ng masanay. Nasa kanila na si Jin oh." Dugtong pa nito na ikinakaba ko.
Hindi, kilala ko si Jin. Alam kong may dahilan ang lahat ng nangyayari sa kanya. Pero kung ano man 'yon, alam kong malalaman at malalaman ko din yon.
Hindi ko nalang pinansin si Ema dahil ayaw kong pahabain pa ang pag-uusap namin. Pinagpatuloy ko nalang ang aking pagsusulat ng lecture at nanahimik nanatili nalang akong tahimik.
Hindi ako makapag-concentrate sa itinuturo ni ma'am Margaret. Gulong-gulo na ang isipan ko.
Hindi ko namanlayan na nakatulog na pala ako habang kami ay nagkaklase
Angelo's POV
"Sleeping beauty" wala sa sariling wika ko, habang tinitiganan na tulog si Ali.
Ang ganda nya talaga, wala syang kasing ganda. Kung tutuusin mas maganda pa sya kay Arci. Kaya lang naman mas nagmumukang maganda si Arci ay dahil mas maayos sya kay Ali.
Dinig ko din ang mahina nyang hilik habang tumutulo pa ang laway, dahilan ng ikinatawa ko ng mahina.
Habang nagtuturo si Ms. Trinidad ay napansin nya ang magandang natutulog na si Ali. Tumigil muna ito sa pagtuturo at itinuon ang tingin nya kay Ali.
"Look who's dreaming." Dinig kong sambit nito nang dahilan na din ng ikinatawa namin.
Agad nyang tinawag si Ali para gisingin ito.
"Ms. Alliah Morgan" Paggising nito kay Ali habang nakataas ang kilay.
Pansin naming lahat ang pagkahimbing ng tulog ni Ali. Kaya isinigaw ni ma'am Margaret ang pangalan nito.
"Ms. Alliah!" Sigaw nito kay Alliah para magising. Hindi sya nabigo at naging ito.
Kitang-kita ko ang pagkagulat nito, nahulog nya ang kanyang salamin at agad din itong pinulot at isinuot sa kanyang magagandang mata.
Kitang kita ko na nahiya sya sa nangyari, hindi ko pinakita na nag-aalala ako kaya tinawanan ko nalang sya. Ang cute din nya kasing tignan eh. HAHAHAH
Ali's POV
Shit!
Nakakahiya talaga yung nangyari kanina.
Lalong dumagdag ang inis ko kay Angelo lalo na't nakita ko syang pinagtatawanan ako.
Nang-aasar ba talaga sya?
Agad ako na humingi ng paumanhin kay Ma'am Margaret dahil sa pagtulog ko sa klase nya.
"I-i'm sorry ma'am." Pagpapaumanhin ko na medyo nahihiya pa.
Hindi na nagsalita si ma'am Margaret at tumingin nalang sya sakin.
"Anong panaginip mo kanina Ali?" Pang-aasar sakin ni Anthony na ikinatawa ng lahat.
Pfft!
Ang ayaw ko ay yung pinagtatawanan ako!
Hindi ko nalang sila pinansin at umirap nalang ako.
"This isn't room for sleeping. This is room for studying." Dinig kong bulong ni Angelo.
Agad nalang na napayuko ang ulo. Shet! Di ko naman siguro kasalanan kung bakit andami kong iniisip eh, ang may kasalanan talaga ay sina Arci.
"I know." Walang ganang sagot ko kay Angelo.
Alam ko naman talaga yun eh, kaso mabigat lang talaga ang iniisip ko. Pft.
*****
Buti nalang at nag dismiss na. Pagkatapos kong ayusin ang aking gamit ay dumiretso muna ako sa banyo.15 ang pintuan dito, madalas kong ginagamit ay ang pang walo. Kaso mukang may tao ata don, pumasok nalang ako sa pang apat na pintuan. Hindi pa man ako nakakatagal sa loob non ay may napansin akong butas, sinubukan kong silipin kung anong meron don sa may butas, pagkasilip ko ay pula ang nakita ko. Malawak ito tignan.
Hindi ako nagkakamali, ang nakita ko ay pulang kwarto. Nakakatakot ang itsura nito. Dahil sa takot ko ay hindi na ako nagtagal sa loob non, pagkabukas ko ng pinto ay agad na sinalubong ako ni Krisha. Tinignan nya ako sa aking mga mata habang sya ay nakangit
Weird....
"Red room..." Dinig kong bulong nya.
Anong meron don? Bakit may alam si Krisha tungkol don?
BINABASA MO ANG
Room 19
Mystery / ThrillerSa isang silid may tawanan, eh dito? ................. Patayan.