Alonely
Ali's POVHindi maganda ang gising ko lalo na't pansin ko ay wala si Jin sa kwarto. Ang ibig sabihin lang naman non eh hindi nya na ako hinantay pa, pero kilala ko sya kahit gaano pa ako kabagal, aantayin at aantayin pa din nya ako.
Natahimik nalang ng bigla kong maalala ang bulong sa akin ni Marco.
Si Marco ay isang nerd, girl bestfriend nya dati si Maica. Tanggap sya ni Maica kahit baduy si Marco. Nagbago nalang si Maica nung pakisamahan nya sina Arci.
Nangangamba ako na baka masira ang pagkakaibigan namin ni Jin nang dahil lang kina Arci. Kailangan kong makausap si Jin pero alam kong malabo dahil umiiwas sya sakin.
Ewan ko ba pero dati lang ay nagkakaayos agad kami ni Jin, pero ngayon hindi. Siguro nga naimpluwensyahan na talaga nila Arci lalo na't alam kong may galit sya sakin.
Mag-isa akong lumabas ng kwarto habang dala dala ang uniporme at kagamitan sa panligo. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang grupo ni Arci kasama si Jin, Riza, Angela at Maica. Tama.... sila nga ang magkakasama kagabi, sila din yung nagtatawanan. Sigurado akong naimpluwensyahan na nga nila ang apat.
"So, mag-isa ka lang ngayon? Asan na yung bestfriend mo? Nasa amin, bakit ayaw nya sayo?" Pataray na tanong sa akin ni Hanna.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magalit pero andon si Jin.
"Kasi nga masamang kaibigan yan si Ali." Si Jin na mismo ang sumagot sa tanong ni Hanna habang si Jin ay nakatingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Nagulat nalang ako ng hablutin sa akin ni Jin ng hawak kong shampoo. Binuksan nya ito at itinapon ang laman sa sahig, ng maubos ang laman nito ay binato nya ang shampoo sa basurahan na sakto namang nashoot.
"Ay sayang, wala ka ng shampoo. Kawawa ka naman wala ka ng shampoo" Pang-aasar sakin ni Jin.
Nagbago na talaga sya, hindi na sya yung Jin na kaibigan ko mula nung elementary pa.
Pero hindi, hindi ko kailangan mamroblema. Kailangan kong masanay.
Sinubukan kong maging matapang at sinagot ko si Jin.
Shhhhh bestfriend ko sasagutin ko?
"Okay lang, madami pa namang paraan eh. Basta may utak, kaya mo. Eh ikaw Jin meron ka ba non?" Pagtataray ko sa walong babae na nasa harapan ko.
Bigla nalang naming narinig na nagsigawan ang mga kaklase lalaki.
"Woahhh"
"Basag!"
"That's what you get when you're being mean."
Kitang-kita ko ang pagkapahiya ng walong babae na nasa harapan ko. Lalo na si Jin. Para hindi na lalong humaba ang away ay nilagpasan ko sila Jin.
Medyo nakokonsensya naman ako sa ginawa ko, pero hindi kailangan. That's what she wants, Ok.
BINABASA MO ANG
Room 19
Mystery / ThrillerSa isang silid may tawanan, eh dito? ................. Patayan.