Kwarto
Ali's POVUwian na, naglalabasan na ang lahat. Pero hindi padin kami pinapalabas.
Bakit kaya?
15 minutes na ang nakalipas pero mukang wala atang balak kaming palabasin ng teacher namin.
Ewan ko, ba pero bakit hindi pa kami pinapauwi, wala naman na kaming ginagawa.
Nakakapgtaka lang.
Kinakabahan ang bestfriend ko na si Jin na nasa tabi ko.
"Ali, natatakot ako."
Agad ko syang hinawakan at kinausap.
"Shhhh wala kang dapat ikatakot"
Bigla nalang nagsalita ang teacher kong bruha.
"Okay class nakahanda na ang kwarto nyo"
Kwarto?
"What do you mean?" Tanong ng kaklase ko na tila bang nawiwirdohan na sa nangyayari.
"Matutulog kayo dito sa silid"
What the fuck.
"Wait, what?"
"Cool"
"Pero?"
"Pano yung magulang namin, alam ba nila?"
Agad na napatingin si ma'am sa kaklase ko na si Angela, bago pa sya sumagot ay nginitian nya muna ito.
"Oo"
Oo?
Hahayaan nalang na ng mga magulang namin na Hindi kami umuwi?
Tangina. Gusto ko ng lumipat ng section.
Agad na nagtanong naman ang kaklase ko na si Daniel.
"Ma'am, pauuwiin nyo ba kami kapag weekend?"
Hindi ito sinagot ng teacher namin.
"Wala ng tanong?"
Tanong? Ni Hindi mo nga sinagot yung tanong ni Daniel eh.
Wala ng nagtangka pang mag tanong, dahil baka hindi kami sagutin nito.
"Good, so gusto nyo ng makita ang kwarto nyo?"
Naglakad ang guro namin na sinundan naman naming magkakaklase. Binuksan nya ang pinto na kanina ko pa tinititigan.
May mga kama dito, may double deck din.
"Pre oh, may aircon pa." Turo ng kaklase ko na si Vincemt na parang manghang-mangha.
Ignorante?
"Taray ah, may aircon pa, sa bahay nga namin wala eh." Dinig ko na bulong ni Jin na ginagala ang mata sa kwarto.
Teka....
Ba't isa lang ang kwarto?
"Ma'am magkakasama po ba ang babae at lalaki? " pagtatakang tanong ko sa aking guro.
"Ilan bang kwarto ang nakikita mo?"
Natigilan ako sa sinabi nya.
Seriously?
This is so damn crazy!
Ilang sandali pa, ay lumabas na sya sa kwarto.
Agad ako na tinawag ng kaibigan ko na si Jin na tila ba'y tuwang tuwa.
"Ali!!!"
Agad ako na lumapit kung saan sya naka pwesto. Nasa tapat sya ng cabinet kung saan nakalagay ang mga pangalan namin.
Pinoy big brother?
Agad namin binuksan ni Ali ang cabinet kung saan nakalagay ang aming pangalan.
Wow
Kumpleto lahat ng kagamitan. May pulbo, may pabango, may suklay, may salamin, may Cologne, may shampoo, may sabon, madaming shorts, padama, T-shirt, duster, andon nadin ang p.e namin at may tatlo pang extra na uniforms.
"Naafford lahat 'to ni ma'am?" Pagtataka na tanong ni Jin.
Oo nga naman...
Iniwanan ko muna si Jin, at inilibot ang sarili ko sa kwarto. Biglang may tumabi sa akin at bumulong.
"Takot ka no? Don't worry i'm here to protect you"
Pang-aasar nito sakin.Masyado syang feeling close, in short fc. Ugh I hate that kind of people!
Agad kong hinarap ang muka ko sa muka nyang halatang pinipigil ang ang tawa.
"Ako takot? Sa multo hindi,pero sayo? I think I should be scared" Pataray na sagot ko sabay inirapan ko sya.
Hindi ko naramdaman, naglalakad na pala ako papalayo sa kanya.
Hindi pa ako nakalayo, narinig ko na naman ang boses nya.
"You know? I'm just trying to be friendly, but you seems like masungit. Bakit ba? Eh pogi naman ako."
Pagmamayabang pa nito. "But if you don't want me to be your friend, I'm sorry pero hindi ako titigil hanggat hindi tayo nagiging magkaibigan."Aaminin ko, kinilig ako ng oras na yon, pano ba naman kasi? Ang pogi kaya nya. Kaso mayabang eh. Pero pogi kasi eh. Kaso baka paasa.
Bumalik ako kung saan ko iniwanan si Jin. Pang-aasar ang inibutan ko Kay Jin.
"Ikaw ah, kay Angelo ka pala hindi mo man lang sinabi sa'kin." Pang-aasar nito sakin na tila bang kinikilig.
Hindi ko na sya pinansin at inirapan ko nalang sya. Pagkalingon ko ay nahuli kong nakatingin na pala sakin si Angelo habang naka lip bite.
Nang-aasar ba talaga sya? Arggggh.
Ilang minuto ang nakalipas, bigla nalang pumatay ang ilaw sa kwarto.
Agad na akong humiga sa kama kung saan ako lang ang mag-isa habang si Jin ay nasa taas ng double deck.
This school year will be challenging, lalo na't may kwarto pala sa aming silid.
BINABASA MO ANG
Room 19
Детектив / ТриллерSa isang silid may tawanan, eh dito? ................. Patayan.