NAKATULALA LANG SA kawalan si Lisette. Laging bumabalik sa kanyang alaala ang nangyare sa kanila ni Ryker limang araw na ang nakakalipas. Kinikilig parin siya kapag naiisip ang tagpong iyon. Hindi nga siya tinigilan ng lalake hanggang ito mismo ang mapagod.
Dahil sa malalim ang iniisip hindi niya tuloy namamalayan ang pagpasok ng sekretarya niya. Ang paglapag ng mga dokumento sa lamesa at ang pagsasalita nito.
"Miss?"
Nakasandal at kagat-kagat ang dulo ng pen. Malalim ang iniisip. Lumilipad kung saan. Ngumingiti na parang baliw si Lisette.
"Miss?"
Dahil sa nangyari ay nagiging sweet na ito sa kanya.
"Miss!!?!"
"Aypoke!" Napabalikwas siya sa gulat. At masamang tinitigan ang lapastangan. "Bakit ba?!" Bakas sa tuno nito ag inis.
He cleared his throat. "Kanina pa kita tinatawag sadyang napakalayo ng iniisip mo." He paused. "May nangyare ba?" Usisa nito.
Napaiwas siya ng tingin sa Bernardo. Bakit naman niya sasabihin. It's confidential. Duh. "So, ano yung sinasabi mo kanina?" Tanong niya habang kinukuha ang mga documentong inilagay sa mesa niya at inalisa.
"Uhm, pinapaalala ko lang na may business meeting ka mamayang lunch kay Mr. Villacorte sa Lore's Restaurant," sabi nito habang tumitingin sa tabloid. "and you are invited for a convention in Baguio for three days next week. At pinapaalala ko lang na-reserve na kita ng flight."
Tumango-tango siya. Muntik na niyang makalimutan na may business meeting pala siya ngayong araw buti na lang at pinaalala ng sekretarya.
Napasulyap naman siya sa relo niya at may kahalating oras na lang bago mag-lunch.
"Okay, thank you, Bernard." Tumango ang sekretaryo at lumabas sa office.Siya naman ay tumayo na kinuha ag bag nito. Inayos muna niya ang kanyang sarili bago lumabas ng office.
Naabotan pa nito ang sekretaryo na may kausap sa telepono. Lumapit siya dito at tumayo naman ang huli.
"Tawagan mo lang ako kung may nangyare."
"Yes, Miss."
Naalala niya na hindi pa nito nakikita ang binata simula kaninang umaga. Yes, nang makauwi sila galing Davao ay magkasama na sila sa iisang bubong pero magkahiwalay ng silid dahil yun ang gusto niya at baka maulit na naman ang nangyare.
Sa hindi naman niya gusto ang nangyre sa kanila pero may kasi sa loob niya na naiilang parin siya. Kasi nga doon din niya nalaman na naatract siya sa binata.Kailangan ba sa lahat ng pagkakataon na kapag nagchu-chu ay doon malalaman ang nararamdaman ng isang tao? Napaka-imposible pero sa nangyare sa kanya ngayon ay walang imposible. Napailing na lang siya sa kanyang naiisip.
Nasa labas na siya ng opisina at tinatahak ang lobby. Nasabi na ba niyang alam na ng lahat ng empleyado niya na siya ang may-ari ng hotel. Kung ganoon, oo, kung hindi dahil sa mga malalanding magjowang iyon wala sanang makakaalam. Kung nandito lang sana ang bruha niyang kaibigan hindi sana siya mai-stress ng ganito.
Bumukas ang elevator at hinatid siya nito sa ground floor. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nagmamadali niyang pinuntahan ang sasakyan at pinaharurot ito sa sinasabing restaurant.
Nang makarating ay pinark nito ang sasakyan at lumabas. Pumasok siya sa restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan. Hinanap ng kanyang mata ang ka-meeting ng lumapit sa kanya si Seb ang Head waiter ng restaurant. Kilala siya ng mga empleyado rito dahil na rin sa kaibigan niya ang may-ari nito at regular customer.
BINABASA MO ANG
SWEET 1: LISETTE ABIGAIL (on-hold)
Ficción GeneralLisette Abigail is a General Manager of one prestigious hotel in the world and with that dignity and proud is her surname. She is known to be strict and strong woman. Her life is at peace as an icing top of a cupcake, but, that ignorant Mr. Ryker Ma...