CHAPTER 1

1.7K 36 0
                                    

Hello...

Bago ang lahat, nais ko mo nang magpakilala.

Ako nga pala si Rain... (Michael Rain Navarro)

All time hearthrob ng school, mula high school hanggang kolehiyo.

Isa ring singer ng school namin at may ka-bandmate. Ang dalawa kong bestfriend forever na si Erwin at Hail.

Anak mayaman, spoiled brat at isang masungit na binata. 'Yan ang bansag nila sa akin.

Pero nang dahil sa pag-ibig, lahat ng negative sa sarili ko, nagawa kong baguhin...

Ito naman ang girlfriend ko. Itong kaakbay ko sa litrato..

Si Cindy...

Cindy Magsanay...

Ang Cinderilla ng buhay ko...

Ang nagpabago sa pag-uugaling meroon ako...

Ang tanging babaeng inasam ko sa buong buhay ko.

Walang humpay na ligaya ang nadarama ko tuwing kasama ko siya.

Kung p'wedi lang sana itigil ang pag-ikot ng wall clock.

Kung maaari lang sana, maging anino niya.

Gagawin ko, para lamang makasama siya lagi sa lahat ng panahon.

Humigit dalawang taon na kameng magkasintahan, ngunit magpasahanggang ngayon, indi ko pa din alam ang tunay niyang pagkatao.

Ang Pamilya niya, ang probinsya niya, O sino mang malalapit sa buhay niya.

Bakit nga ba?

Hindi ko din alam sa kaniya e. Kesyo ganito or ganiri?

Baka raw ikahiya ko ang lahing meroon siya o baka 'di raw ako magustuhan ng mga magulang niya?

Alam niyo.

I can sacrifice everything for the sake of this Love! Toink!

But this is trueth! Totoo ang sinasabi ko. Kaya kung ipusta ang lahat para sa kanya!

Nagpapatunay na nga ang mahabang panahong pinagsamahan namin.

Nandiyan 'yung time na inaapi siya, pero ako ang nagiging tagapagtanggol niya. Sa mga sandaling problemado siya, ay tanging ako ang nagiging karamay at sandalan niya.

Kakaiba kasi ang pinipintig ng damdamin ko para sa kanya, at kaya kong tanggapin ano mang meroon sa lahing pinagmulan niya.

Mahal na mahal ko si Cindy. 'Yung mahal na hihigit sa pagmamahal mo sa sarili mo. At mas nanaisin mo pa siya kumpara sa mundong ito.

'Yung kaya mong saluin lahat ng hinanakit at sakit o parusa ng mundo, para lamang sa kanya.

Para sa ikakatatag ng pondasyong pinagsamahan niyo.

Hinding-hindi ko hahayaang mawalay sa kaniya o lumayo.

Susundan ko siya kahit saang lupalok pa ng mundo siya pumunta, at paulit-ulit kong ipapabated sa kanya ang tunay na pag-ibig na tanging sa kanya ko lamang iaalay.

Malapit na rin ang birthday niya.

Last day of this Month, debut na niya, kaya dapat... Hindi ako mawawala sa okasyong iyon..

Sana magawa na niya akong ipakilala sa kanyang pamilya.

(and Goodluck Rain, aasahan ko ang tagumpay mo) sabay kindat ko sa repleksyon ko sa salamin...

Tsk Tsk Tsk!

-
"Babe, last of this month debut muna?" panimula ko sa kanya habang naka-unan ako sa kanyang legs. Nasa Park kasi kame, sa mahabang upuan. At ang sarap pagmasdan ang bughaw na kalangitan kung saan ako nakatanaw na tinatabihan ng maamong mukha ng nag-iisang anghel ng buhay ko.

"Oo, kaya't dapat bongga ang matatanggap kong gift mula sa love one ko," sabay kurot sa ilong ko.

Kaagad akong umupo and say...

"Gusto mo bang bilhin ko ang another planet for us?" nagbibiro kong tugon sa kanya.

Tinapik niya ang mukha ko ng may kahinaan, paglalambing mula sa kanya.

Sempre, 'Di ako paaagrabyado...

Dalawang malutong na pagpiga ang tinamo niya mula sa akin, kaya't namula ang maputi niyang pisngi.

Nasa kalagitnaan kame ng biruan.

"Ahm..." tumikhim ako, upang maiba ang usapan.

O 'di kaya'y sabihin sa kanya ang tanging gumugulo sa isipan ko.

"Babe..." masuyo ang pagbigkas ko. Huminto naman siya sa ginagawa't tinitigan ako.

"Maaari mo na ba akong ipakilala sa parents mo?" Kita ko ang pag-asim ng aura ng mukha niya. Lumongkot ito't nais iwasan.

Magsasalita sana siya pero idinikit ko ang hintuturo sa lips niya.

"Please? Hindi ako dapat mawala sa Pinakamahalagang araw ng life mo."

"Hindi mo naiintindihan e. Hindi nga kita p'weding isama roon, at p'wedi bang 'wag na nating pag-usapan 'yan?"derikta niyang sagot.

Umayos ako ng pagkakaupo at iniiwas ko ang mukha ko sa kanya.

'An'dito na naman kame sa puntong ito. Magtatampo na naman ako't lalambingin n'ya.

"Babe, 'di ba sabi ko naman sa 'yo..
magseselebrasyon ulit ako rito, at lalabas tayong magkasama." Sabay hawak niya ng mahigpit sa palad ko.

lumingon ako sa kanya't ngumiti kahit masama na naman ang loob ko sa kanya.

"Sige, it's okay! As you wish... tulad ng sinasabi ko lagi, ayaw kong magdamdam ang babe ko sa akin... pero advance, kung makilala ko man ang buong angkan mo...

I swear! 'Di 'yon magiging hadlang upang makasama ka habang buhay..." nakangiti kong wika sa kanya. Habang siya'y naluha naman sa kasiyahan.

Bakit kasi ganito?

Parang may malaking balakid sa pagmamahalan naming dalawa?

Pagkatapos ng dalawang taon bilang magkasinthan ay patuloy pa rin ang mysteryo na bumabalot sa buong pagkatao niya.

'Buti na lang, nananaig pa din ang labis na pagmamahal sa kanya, upang 'di ako bumitaw sa samahan namin.

Umaasam akong balang araw ay magiging katuwang ko siya hanggang sa pagtanda.

At kung anong hadlang man meroon sa pag-iibigan namin ay pipilitin kong ipaglaban.

Ika nga nila, kung may isang milyon na dahilan upang iwan siya...

Maghahanap ako ng isang milyon na paraan upang ipaglaban siya...

Tama ba?

ITUTULOY

ANG LIHIM NG AKING NOBYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon