CHAPTER 3

807 22 0
                                    

Nahintakutan ako sa pagkakatitig sa akin ni Cindy.

Alam kong ibang-iba na nga siya.

at wala nang makakahadlang upang sunggaban ako ng mga sandaling ito.

Nasa ganoon lagay ako.

Nang 'di ko mamalayan ang malakas na pagdamba sa akin ng isa pang kasapi ng kanilang lahi.

Liniparan niya ako't binunggo sa katawan.

kaya't napaigtad ako't natumba.

Humakbang na si Cindy patungo sa akin.

at dali-dali naman akong tumayo at kumaripas ng takbo.

'di ko alam kung saan ako patutungo, basta't ang nais ko'y maiwasan ang mga nilalang na ito.

Mabilis kong tinahak ang pakiwari'y ko'y daanan palabas.

hingal na hingal na ako't naliligo sa sariling pawis.

malapit na si Cindy sa akin, habang nakasunod sa kanya ang tatlo pang kababaihan na may mahahabang pakpak at nakakatakot ang kanilang mga hitsura.

palingon-lingon ako sa kanya, habang mabilis ang lipad niya patungo sa akin.

Nang 'di sinasadya'y natapilok ako't napasubsub sa damuhan.

Tumigil si Cindy kasama ng tatlong pang kababaihang aswang, na ngayo'y nasa likuran niya.

tumayu ako't humarap sa kanya.

nakatayo na nga siya sa harapan ko, nanlilisik ang kanyang mga mata, tumutulo ang laway at nagpipigil lamang sa tuluyang pagsunggab sa akin.

unti-unti siyang lumalapit.

nang magsalita ako.

"babe! Ako to! Si Rain! Natatandaan mo pa ba ako!" taranta kong wika sa kanya.

pero patuloy siya sa paglapit sa akin.

"Babe! Si Rain ito! Please! Kilalanin mo ako!,..

Ako ang nag-iisa mong boyfriend!.. Ang lalaking pinakamamahal mo!"..

Pero tila isa siyang bingi sa ngayon.

unti-unti na lang akong nanginginig habang nasa dalawang lakad ko na lang siya.

Nang bigla kong ilabas sa kanya at iharang ang aking wallet kung saan magkasama kameng dalawa sa litratong naroroon.

kaakbay ko siya roon.

at natigil naman si Cindy at tumitig ng malalim sa aming litrato.

Pagdakay inilabas niya ang pangil tungo sa akin, wari mas mabagsik siya ngayun.

nakilala ba niya ako?, nagalit ba siya sa pagsuway ko sa kanya? At alamin ang pagkatao niya?

Nagtaka ako sa inasal niya.

hinawakan niya ako sa magkabilang braso at inilipad sa ere.

Habang nakasunod sa kanya ang tatlong babaeng Empakta.

Mabilis ang paglipad niya't wari inililigaw ang mga kasamahan.

Hanggang sa makalabas kame sa gubat na iyon.

dinala niya ako sa may kalapitang baryo.

At hinulog roon, kung saan may mga tanod namang nagroronda ng mga oras na ito.

ilang oras rin akong wala sa sarili.

kanina pa pala ako nakatitig at 'di kumikobo't nagsasalita.

ANG LIHIM NG AKING NOBYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon