FINALLE: CHAPTER 9

860 42 2
                                    

Muli!!!

Dumating ako ng Maynila. sa Beerhouse ang tuloy ko.

uminom ako ng uminom. naglasing hanggang saan ang kaya ko. hanggang nakatulogan ko na lamang ang paglalasing at sama ng loob.

Hindi na rin ako pumapasok pa, kahit Graduating na ako nitong taon.

Nagtataka talaga ang buong Campus,
kasi sa loob ng mahigit isang buwan ay tumigil na ako sa pagpasok. hindi nila maintindhan ang life ko, kung nasaan na ba si Cindy, kung tuluyan na siyang tumigil...

and what her reason?...

At kung bakit sinisira ko life ko.

Nawalan na rin ng control sa akin si Dad at Mom. minsan na lamang akong umuwi.

kung kani-kanino sumasama, kung kani-kaninong barkad nakikitulog.

naging masalimuot masyado ang life ko.

kaya nga, panay ang iyak ni Bea, dahil sa ginagawa ko.

hindi nila matanggap ang ginagawa ko.

tapos, dumating ang isang umaga.

Umagang 'di ko inaasahan na mangyayari.

Nakaupo ako, isang umaga sa bench.
sa may harden namin. sa house kung saan ko itinuloy si Cindy.

nakatulalang nakatitig sa ibaba. nang aking marinig ang batang naglalako ng dyaryo.

Nakaangkas siya sa bisikleta,
at inihagis sa compound ang isang dyaryo.

Dumaan pa iyon sa paningin ko habang nakatanaw sa kawalan.

Prkk!
huni ng dyaryo ng bumagsak sa paanan ko.

Ibinaba ko ang mga mata.

At tiningnan ang news paper na iyon.

Nagulat ako sa tumambad sa akin...

sa Front line...

Isang Babaeng Aswang ang napatay ng mga Pulisya sa Bicol.

At sa cover ng news paper, ay litrato ni Cindy ang nakaprint.

Agad bumuhos ang aking mga luha, nanikip ang dibdib ko.

wala na siya? Wala na ang babaeng minamahal ko?

Hindi na ako pumunta pa sa Bicol.

alam kong 'di ko rin s'ya madadatnan doon.

Ayon sa ulat ng Reporter.

Pinasok raw ng madaming Pulisya ang Kakahuyan.

dahil marami raw nababalitaang namamatay sa lugar nitong buwan pa lang.

wakwak ang dibdib at walang lamang loob ang bangkay na sunod-sunod na natatagpuan.

"sino ang may kagagawan nito? kasali ba si Cindy sa kanila?"

Nang biglang dumaan sa pangitain ko ang isang pangyayari.

"Anim na kabataan ang naligaw sa liblib na pook nating ito mula sa Maynila! kaya't maghanda kayo't 'wag silang sayanging makatakas," pahayag ng isang matanda.

habang nakapaligid sa kanya ang mga taong aswang, at nagsunod-sunod sa paglipad sa ere.

si Cindy! Kasama nila.

"Ito na talaga ang buhay ko! Kaya't pananagutan ko na ito!" ito ang nababasa kong kataga mula sa kanyang isipan.

Bakit?

Dulot ba ito ng bigong pag-iibigan namin?

Napamulagat ako! at huminga ng malalim.
isa lamang pangitain. ngunit bakit lumitaw sa isipan ko?

ANG LIHIM NG AKING NOBYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon