Napansin ng mag asawang Hilda at Diego ang labis na kalungkutan ng kanilang unica iha.
palagi na lamang itong umiiyak, walang pakundakan itong nakatitig lagi sa may bintana na wariy may hinihintay.
Kaya't 'di nakapagpigil ang mag-asawa upang payuhan ang sarili nilang anak.
"Anak.. Tanggapin muna ang katotohanan.. Kasi nanjan na 'yan ehh.."
masuyung wika ng kanyang ina at ikinalingon naman niya.
"Nagsisisi ka bang kame ang naging mga magulang mo,.." maluha luhang wika ng kanyang ina.
"'Nay?, 'Tay?, 'wag po kayong magsalita ng ganyan, dahil kailanma'y 'di sumagi sa isip ko ang pagsisising iyan.. Dahil alam niyo kung gaano ko kayo kamahal, sapat na ang pagmamahal at supurtang pinamalas niyo sa akin upang 'di ako mag alanganin na mahalin kayo..
Ngunit 'Nay?, alam niyo namang may pangarap ako ehh.. May ambition akong tao.. Pangarap kong mamuhay ng normal at 'wag manakit ng mga tao.. Pero kahit gaano ko man takasan ang katotohanan at talikuran ang lahing pinanggalingan ko.. Heto pa din at 'di lumulubay sa akin.. At alam kong Babaonin ko habang buhay, ang pasaning ito..
Ang pagiging aswang.."
mahabang salaysay ni Cindy sanhi upang mahabag at maawa ng lubusan ang kanyang mga magulang.
*-*
Tsek!
"Ooppsss mga Pardz?, nananaginip ba ako? Totoo ba ang nakikita ko?" wika ni Paul, ang Mortal na kaaway ni Rain sa kanilang school.
Ang lalaking laging nambubuwisit noon kay Cindy at nagpapahirap.
dahil may gusto si Paul kay Lani, at lagi namang ginagamet ng babaeng si Lani, si Paul upang paglaruan si Cindy.
Patay na patay naman kasi si Lani kay Rain pero invissible lagi siya sa Binata.
ngunit noon pa may takot ang grupo ni Paul kina Rain kaya't nakapag adjust sila.
Nakikita kasi nilang papasok ng Campus si Rain na wala sa normal nitong pananamet.
magulo ang buhok
tila labis na kalungkutan ang mababanaag sa mukha nito.
wala ang laging kasabay nitong babae..
Walang iba kundi si Cindy,
*-*
Kasalukuyan akong naglalakad sa campus..
Nang madinig ko ang segunda ng grupo ng kalalakihan.
"Oooyy! Yabang! Asan na ang buntot mu?, diba wala? Hahaha, sa wakas iniwan ka na rin niya.."
Lumingon ako sa kanila..
si Paul kasama ng kanyang grupo..
Nagpasya akong 'wag na lang sila patulan, pero 'di pa ako nakakailang hakbang ay humarang siya sa harapan ko.
"Rain! Tama naman kasi ang hinala namin ehh! Aswang nga ang siyota mo hahaha"
nagpantig ang tainga ko sa narinig,
nanigas ang kamao ko, at malakas na kumawala ang malakas kong suntok patungo sa mukha ni Paul, at binugbug ko ng todo.dumating naman si Erwin at Hail, sa halip na awatin ako, ay nakibugbug pa sila sa taong ito. may nahablot naman akong mahabang pamalo, na ginamet ko sa tarantadung ito.
"P'we!" at dinala na nila kame sa principal Office.
nasuspended ako ng 3days sa school dahil sa mga sugat na tinamo sa akin ni Paul.
Okey lang... Mas mabuti pa nga ehhh,
upang makapag-isip ako ng maayus.ngunit sa halip! Inilaan ko ang mga oras ko sa kalokohan.
gabi-gabi akong naglalasing, lumalabas,at pumupunta sa mga bar. umabot din ng ilang week ang absent ko sa school.
wala na kasi akong gana, sa pag-aaral ko at sa life ko..
I need her... Siya lamang 'yung taong naghahated saya sa akin, nagpapangiti sa akin, at nag dudulot ng walang katapusang ligaya.
siya lamang ang makakapagbalik ng dati kong katinuan.
Paano ko ba haharapin ang buhay ko ng wala siya?
Kailngan ko na ba siyang puntahan at kumbinsihing sumama sa akin?.
Ganoon ko na lamang bang isusuko ang lahat?
Rain.. 'wag mo ng pairalin ang Pride..
*-*
"Sa palagay ko'y umiibig ang ating anak..." wika ni Hilda sa kaniyang asawa.
habang magkasama ang dalawa sa loob ng kanilang silid.
"Sa isang Mortal ka mo? Hindi kaya 'yung lalaking imbes na hulihin ay tinulungan pa niyang makatakas?" hula naman ni Diego..
"Siguro?, Pero natatakot ako Diego, ganap ng Aswang si Cindy?, kaya't bawal na siyang makihalubilo sa lugar ng mga mortal, paano kung umalis siya't bumalik sa maynila,"
"Hindi! Hindi mangyayari 'yun, alam kong 'di tayo iiwan ng anak natin," wika ni Diego.
"Paano kong 'di niya matiis ang pinipintig ng kanyang damdamin?, mahahadlangan ba natin siya sa ikakaligaya niya?.
naihilamos ni Diego ang kamay sa kanyang mukha, ayaw niyang ipagpatuloy ni Cindy ang buhay sa maynila, ngunit ano ang magagawa niya kung nanaisin ng kanyang anak?
Bated nilang may Boyfriend ito roon, dahil t'wing nagbabakasyun si Cindy ay may laging tumatawag sa dalaga.
*-*
Inihanda ko na ang sarili ko.
buo na ulit ang pasya ko!
Kung 'di ko mapapapayag si Cindy na sumama sa akin!
Ay mamamalagi ako sa kanila,
at wala na akong pakialam sa gagawin nila sa akin.
na'kay Cindy pa din iyon! Kung magagawa niya akong ipagtanggol mula sa kanyang lahi.
Finally! Nandito ako ulit sa masukal na kakahuyan.
hapon palang ng mga time na ito.
at haharapin ko na ang mga magulang ng Babe ko.
an'tahimik ng paligid, walang tao sa labas ng bahay nila.
siguro nasa loob sila. pikit mata akong pumanhik sa mahaba nilang hagdan.
at kumatok sa nakasarang pintuan,"Tao po!" nakatatlong ulit ako sa pagtawag.
nang may magbukas sa akin.
kaba at galak ang nadarama ko, nang bumungad sa akin ang isang lalaki."sino ka?"
"Ako po si Rain, ang Nobyo ni Cindy, maari ko po ba siyang makausap?" sunod-sunod kong sabi sa kanya.
tinitigan lang niya ako ng malalim.
wari galit siya?.
"Walang Cindy rito," derekta niyang wika sa akin, sabay sara sa pintuan.
Pero hinarang ko ang isa sa mga kamay ko.
"Hindi ka ba nakakaintindi! Sabi nang wala rito ang hinahanap mo! Baka nagkamali ka lang ng address," bulyaw niya sa akin.
"Please po! Pakiusap po, gusto ko lang siyang makausap?" naiiyak na naman ako habang kaharap ang matandang ito.
"Rain..." tawag na nanggaling sa likuran ng ama ni Cindy.
dahilan upang pareho kaming matigilan sa ginagawa.
ITUTULOY . . . . . .
BINABASA MO ANG
ANG LIHIM NG AKING NOBYA
HororKung magkakaroon ka ng isang tunay na pag-ibig sa nakakatakot na nilalang. Mamahalin mo ba siya ng tunay? Ipaglalaban mo ba siya? Hanggang saan ang kaya mong gawin alang-alang sa kanya? Tunghayan ang kuwento ni Rain at ni Cindy. Kung gaano n'ya ipi...