CHAPTER 8

680 23 3
                                    

Basag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, wala kaming imik sa isa't-isa.

habang nakasakay siya sa loob ng kotse ko at inihahated sa Probinsya niya..

sa Bicol.

Alam niyang nangingibabaw ang pagtatampo't pighati sa kaibuturan ng aking Puso.

kaya't nanahimik na lang din siya, upang wala nang mamuong sigalot sa pagitan namin.

"Bumaba ka na!" pagsusuplado kong wika sa kanya.

habang doon ko siya inihinto sa daan papasok sa kakahuyan.

lumingon siya sa akin, ngunit akoy hindi!

alam kong nais niyang magsalita.

ngunit pinipigilan lang niya ang magsalita, hinihintay niya ang pagsasalita ko.

tila nais niyang magpaalam ng maayos.

Pero galit ako! Galit ako sa kanya! Galit ako sa kanya dahil mahal ko siya ng sobra! Galit ako sa kanya dahil basta na lamang niyang isinusuko ang pagmamahalan namin.

Bumuka ang labi niya, nais nang kumawala ng mga katagang magmumula roon.

bagamat 'di ako nakatingin sa kanya. bagamat diritso ang mga mata ko tungo sa kalsada, ngunit ang isip at puso ko! Ay sa kanya lamang nakatingin!.

"Rrrrr--" magsasalita sana siya,
nang bigla kong putulin.

"I dont want to hear anything from you! Basta't bumaba ka lang! Ay tapos na ang lahat!"

alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, ngunit nagpakatatag siya, hindi niya pinakita sa akin ang kahinaan niya.

Lumabas siya ng Car, at naglakad na papasok ng kakahuyan.

hindi na ako lumingon pa! Dahil hindi ko kayang pagmasdan ang unti-unti niyang paglayo.

Hanggang sa matigil siya.

kita ko ang paghinto niya mula sa damdamin kong pilit nagmamasid sa kanya.

umiiyak siya! Humahagugul siya.

kaagad kong pinasibad ang Kotse ko.

mabilis na mabilis! Wari nasa karerahan ako..

sa kalsada lamang nakatuon ang mga mata ko..

nang bigla akong mapabreak!

napasuntok ako sa manobela ko!.

"Lintek! Bakit ikaw pa!!"

Hating gabi na ng mga sandaling ito!

Nais kong maging matapang.

nais kong puntahan sila sa oras ng pagpupulong nila.

hinding-hindi ako matatakot!.

Patutunayan ko kay Cindy, na ipaglalaban ko siya hanggang kamatayan!.

Kung puwedi lang! Kung maaari lang, hihilingin ko sa kanila, ang pananatili sa piling nila, sa angkan nila, makasama ko lamang si Cindy.

"Cindy Mahal kita!"

sigaw ko ng mapatapat ako sa Bahay nila.

Sakto ang hinala ko, andami nilang naririto,
nabulabog silang lahat, at pinaligiran nila ako.

nakaktakot! Nakakakilabot ang mga itsura nila, tumutulo ang laway, wariy nais na nila akong lapain.

"Hangal na lalaki! Antibay naman ng loob mo'ng pasukin ang lugar namin!" wika ng matandang babae.

ANG LIHIM NG AKING NOBYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon