BBMFR #3 - The Bestfriend

3.5K 38 0
                                    



"Hi hi!!!!" sigaw ng isang babae mula sa malayo. Oh jusko

"Kyle ko!" sabay yakap ng isang babae sakin

"Kenny bakit ka nandito?" siya ang bestfriend ko

"Tinanong ko si Maestro kung nasaan ka Kyle ko kaya sumunod ako. Namimiss na kita ah!" ang cute talaga ng bestfriend ko hahahaha!

"I miss you too Kenny" hinalikan ko siya sa noo sabay hawak sa kamay niya

"Tara kain tayo" alok ko sakanya na ikinasigla pa lalo niya

"A date?! OMG kaya mahal na mahal kita Kyle ko" sabay hagikgik ni Kenny

Kenny's POV

Hi hi! Ako ang one and only bestfriend ni Kyle ko. Love ko siya ng sobra! Sabi niya siya magiging asawa ko and I have high hopes for that hihihi...

"Saan mo gusto kumain?" tanong sakin ni Kyle

Nasa mall na pala kami. Holding hands while walking! Hearteu!

"Kahit saan basta may pasta Kyle ko" nagcling ako sakanya kasi pakiramdam ko safe ako sakanya

Bigla siyang tumigil at tumuro sa malayo. Ang cute side niya lumalabas na...

"Magluluto tayo! Yosh!" bigla siyang tumakbo na hila hila ako. Naeexcite ako!

(Kyle's Pad)

"Kenny ko? Matagal pa ba yan?" naramdaman kong niyakap niya ako habang nagluluto ako

"Konti nalang Kyle ko" at hinalikan niya naman ako sa cheeks

Kinikilig ako... Kumalas siya bigla sa kanyang yakap at pumunta sa may living room. Manunuod na siguro ng anime.

"Sugoi! Sugoi! Sugoi!" rinig kong pagcheer niya

Binilisan ko ang pagluto at naghain na para makakain na kami.

"Kyle kai-" tulog na siya

Napagod siguro sa trabaho. Hinalikan ko siya sa labi at kumuha ng kumot para hindi siya malamigan. Tumabi ako sakanya sa sahig at niyakap siya.

"I love you Kyle" bulong ko sakanya

-flashback-

"Hahahahaha! Ang taba taba mo kaya walang nagkakagusto sayo!" sigaw sakin ng isang lalaki

Tulong. Natatakot na ako. Biglang hinawakan ng isa niyang kasamahan ang buhok ko at hinila hila habang siya ay naglalakad.

"T-tama na..." bulong ko habang pinipigilan ang iyak ko

"Ano--"

"Hoy! Bitawan mo siya!" biglang dumating ang isang lalaki

My savior?

"Aray! Tama na pre!" nakita kong nagsitakbuhan yung dalawang lalaki matapos masuntok nung humila sa buhok ko

"Okay ka lang?" niyakap ako ng lalaking tumulong sakin

Hindi na ako nakapagpigil at niyakap ko siya ng mahigpit sabay ng pagbuhos ng aking mga luha.

"S-salamat" sabi ko

"Tara kain tayo!" nginitian niya ako sabay hila sakin papunta sa isang kainan

Yun yung unang araw na nakilala ko siya at minahal ng lubusan.

-end of flashback-

"Alexis..." biglang sabi ni Kyle habang natutulog

Si Alexis nanaman ba? Kyle ko nandito pa ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at ipinikit ang mga mata ko. Sana ganito nalang tayo palagi  

Baby Maker For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon