BBMFR #10 - Ransom

1.8K 23 0
                                    

  Kenny's POV

Nandito kami ngayon sa Fun Park kasama si Kyle. Sila Vince nakakalat sa buong place. Kanina pa kami naghihintay dito sa tapat ng Carousel pero wala parin si Kyfer.

"Kenny umupo ka muna doon sa bench. Ako nalang muna maghihintay dito" suhestyon naman ni Kyle

Halatang kabado siya. Kanina pa siya palakad lakad.

"S-Sige" sinunod ko naman siya

Nakatingin lang ako kay Kyle hanggang sa may lumapit sakanyang isang lalaki. Teka aalis sila? Susunod sana ako kaso pinigilan ako ni Vince.

"Kami na bahala Kenny" sabi naman ni Vince at inabot sakin ang isang maliit na baril

"Mag-iingat kayo" sabi ko at sinundan ng tingin si Vince at ang mga iba pa niyang kasama

Hindi ako mapakali dito sa inuupuan ko. Oh God kayo na bahala kay Kyle at Kyfer.

Kyle's POV

"Sumama ka sakin. Dadalhin kita sa anak mo" sabi naman ng isang estrangherong lumapit sakin

"Sige" sumunod ako sakanya habang siya ay nakaakbay sakin

Naglakad kami hanggang sa makapunta kami sa gitna ng Fun Park kung saan napakaraming tao.

"Papa!" sigaw ni Kyfer na kasalukuyang kasama ng isang babae na nakasuot ng uniform ng isang yaya

"Kyfer!" akmang kukunin ko si Kyfer ng pinigilan ako ng lalaking nakaakbay sa akin

"Nasaan muna ang pera?" sabi neto at agad kong ibinigay ang briefcase kung nasaan nandun ang lahat ng pera

Sinilip niya ito at natuwa naman ng makita ang laman neto.

"Masaya ka na ba? Kukunin ko na ang anak ko" sabi ko

"Teka lang muna Kyle. Sa tingin mo ganun lang kadali yun?" napansin kong may binunot siya kumikinang na bagay sa likod niya at itatarak na sa tyan ko

Hinawakan ko ang mga kamay niya para hindi niya masaksak. Malakas siya.

"Pare parang hindi ka nasunod sa usapan ah?" biglang sinuntok ni Luke ang lalaki na dahilan ng pagkatumba neto

Pinalibutan nila Cedi, Luke, Vince at Michael ang lalaki. Agad akong kumilos at hinanap si Kyfer. Nawawala na siya.

"Papa Kyle!!!" sigaw ni Kyfer at nakita ko itong hila hila ng babae papalabas ng Fun Park

Hinabol ko sila at nahawakan ko ang kamay ni Kyfer kaso may naramdaman akong tumama sa tyan ko. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong pagkasunod sunod na putok.

"P-Papa?" nabitawan ko ang kamay ni Kyfer at pinagmasdan silang lumayo sa akin

"A-Anak ko..." tinignan ko ang mga tama ko at napuno na ang kamay ko ng mga dugo

Hanggang dito nalang ba ako? Unti-unting nanlalabo na ang paningin ko.

Kenny's POV

"Kyfer!" nakita ko sa may exit si Kyfer kaya hinabol ko ito

Agad kong ipinutok ang baril ng makalapit ako sa babaeng kasama neto kaso mali pala ang ginawa ko. Nakita kong may isinaksak siya kay Kyfer.

Kinuha ko si Kyfer at siya namang pagdating nila Maestro.

"H-Hey Kyfer? M-Makinig ka kay Mimi h-ha? M-Magiging okay ang lahat" dali-dali akong inalayan ni Maestro patungo sa sasakyan niya para maidala sa hospital

"O-Opo Mimi..." bakas sa mukha ang sakit na nararamdaman ni Kyfer

"Maestro nasaan na ba si Kyle?!" nagtataka ako at bakit wala pa sila Kyle

"Pasunod na sila. Nagkaroon ng tama si Kyle" sabi naman ni Maestro

Shit hindi to pwede.

(Crest Medical Hospital)

"D-Doc kamusta na si Kyfer?" tanong ko sa Doctor na kakalabas lang sa emergency room

"Medyo malalim ang pagkakasaksak sakanya pero conscious naman siya that's why magiging okay din siya. Itatransfer na namin siya sa private room" sabi naman ni Doc

"Dito ka muna Kenny. Aasikasuhin ko muna ang pag-aayos sa kwarto ni Kyfer" usal ni Maestro saka sumunod kay Doc

Pumunta naman ako sa operating room kung nasaan si Kyle. Nakita ko naman sa waiting area lahat ng katrabaho niya. Kamusta na kaya siya?

"Vince wala pa bang balita?" tanong ko kay Vince na naghihintay sa tapat ng pintuan

"Wala pa eh. Maghintay nalang tayo" sabi naman nito

Biglang dumating ang parents ni Kyle.

"Naayos na namin sa pulis ang nangyari kanina. Kamusta ang apo ko pati si Kyle?" pagtatanong ni Tita na halatang kagagaling lang sa iyak

"Tita okay na po si Kyfer kaso si Kyle wala pa pong balita" pag-eexplain ko naman

"Sige Kenny. Pupuntahan na muna namin si Kyfer sa kwarto niya" sabi ni Tito at pinuntahan nila si Kyfer

Kyle okay na si Kyfer. Ikaw nalang ang kulang. Laban Kyle.  

Baby Maker For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon