BBMFR #11 - Pag-alis

1.7K 22 0
                                    


  Alexis's POV

"Ano Alexis? Ngayon ka pa aalis?!" sigaw sakin ni Josh

"Can't you see?! Ang laking gulo ng ginawa ng tatay mo! Ayokong madawit pa dito!" sagot ko naman

"This is all your fault! Kung hindi mo ikinwento si Kyle kay Pops edi sana hindi to nangyayari ngayon?!" hinawakan niya ang braso ko pero inalis ko din agad

"No Josh. It's your father fault dahil sa pagkaadik niya sa pera!" kinuha ko ang maleta ko at dumerecho sa sasakyan ko

If only naglakas ako ng loob na umalis agad dito siguro hindi pa ito nangyari. Pumunta ako sa hospital kung saan isinugod si Kyle.

(Crest Medical Hospital)

"Alexis? Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Vince matapos niya akong makita

"Gusto ko lang siya makita. Okay na ba siya?" tanong ko naman

"Unstable siya Alexis..." bigla siyang napayuko pagkasabi niya

Tumulo nalang bigla ang luha ko at agad niyakap si Vince

"Pasabi kay Kyle sorry h-ha?"

"Si--"

"Alexis?!" biglang sabi ng babae mula sa likod ko

"K-Kenny?"

*pak!*

Hinawakan ko ang pisngi ko at tinignan si Kenny na galit na galit.

"Nang dahil sayo nagkandaleche leche ngayon ang dalawa kong mahal sa buhay! Sana hindi ka nalang bumalik! Umalis ka na!" sigaw niya sakin habang dinuro duro ako

Wala akong masabi kasi totoo naman lahat ng sinasabi niya. Naglakad ako paalis sa lugar na iyon at nagmukmok sa aking kotse. Ang tanga tanga ko!

Kenny's POV

Umiyak ako sa isang tabi matapos kong makita si Alexis. Si Kyle nasa ICU ng dahil sakanya.

"Kenny tahan na. Magiging okay din si Kyle" pilit na pinapatahan ako ni Luke

Paano kung hindi na siya magiging okay?

"DOC! DOC! EMERGENCY!" sigaw ng isang nurse na pumasok sa may room kung nasaan naroroon si Kyle

"L-LUKE SI KYLE!" sigaw ko at tumakbo papunta kay Kyle kaso sinara muna ng nurse ang room

Flat line na si Kyle... Nabibingi ako sa mga naririnig ko. Nakatingin lang ako kay Kyle at kung paano siya pilit binubuhay ng doctor. Kyle iiwan mo na ba kami?  

Baby Maker For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon