BBMFR #9 - Kidnap

2K 26 0
                                    


  Alexis's POV

Tinawagan ko si Kyle pero walang nasagot kaya nagmessage nalang ako sakanya.

To: Kyle Castronovo

Let's meet to a nearest coffee shop near your pad. I need to tell you something. This is something about your child.

At sinend ko na ito. Umalis na ako ng bahay gamit ang sasakyan ko. Malaking gulo to pag nagkataon.

*ting*

From: Kyle Castronovo

Okay. Lindst Coffee Shop sa tapat ng pad ko. I will be there.

Napangiti ako sa kanyang reply. Sana may pagkakataon pang maayos ang lahat.

(Lindst Coffee Shop)

"Ano yung sinasabi mo sa text mo?" agad niyang sabi sakin matapos kong umupo

"Yung anak mo, papatayin siya ni Mr. Lao" sabi ko naman

"Hahahahahaha! Are you insane? Bakit naman papatayin ang anak ko? Kanino ba kami may atraso?" sabi niya naman na halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko

"I-I'm telling you the tru--"

*ring ring ring*

"Hello? Ano?! Diba sabi ko naman sainyo na bantayan niyo siya?! Sige sige pupunta na ako" tatayo na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya

"Anong nangyari?" tanong ko sakanya

"May dumukot sa anak ko. Alexis hinding hindi kita mapapatawad once na may mangyaring malala sa anak ko" marahas niyang inalis ang pagkakahawak ko sakanya at dali dali siyang umalis

Napaiyak nalang ako sa lahat ng nangyayari. Kasalanan ko lahat ng to. Pasensya na Kyle.
Kyle's POV

*ring ring ring*

"Hello? Sino to?" sagot ko sa tawag mula sa unknown number

"Hello Kyle. Malamang nag-aalala ka ngayon kung nasaan ang anak mo. Hayaan mo inaalagaan ko siya ngayon dito" sabi naman ng isang lalaki mula sa kabilang linga

"Anong kailangan mo?! Wag na wag mong sasaktan ang anak ko!" pagbabanta ko sa lalaking kausap ko

"Hahahahahaha! Simple lang Kyle. Ten million pesos kapalit ng buhay ng anak mo" biglang naputol ang linya

Nahampas ko ang manibela sa galit ko. Saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga?! Dumerecho ako sa agency para humingi ng tulong.

(Baby Maker Rental Corp.)

"K-Kyle I'm s-sorry..." bungad sakin ni Kenny at niyakao ako na niyakap ko naman pabalik

"Shh wala kang kasalanan dito Kenny" pag-aalo ko sakanya

"Maestro tumawag sakin ang kumuha kay Kyfer" agad ko namang sinabi sakanila

Nagpulong kami sa meeting room at inexplain ko lahat ng sinabi sakin nung kumuha sa anak ko.

"Tutulong kami para mabuo ang ransom Kyle" sabi ni Maestro

"Oo nga! Para pa saan ang pagiging ninong namin?" pag sasang-ayon naman ni Cedi

"Maraming salamat guys. Tatanawin kong utang na loob sainyo to" sabi ko naman

*ring ring ring*

"H-Hello?" sagot ko sa unknown number na tumawag

"P-Papa? Natatakot na po ako dito. Pumunta ka na dito Papa..." si Kyfer

"Baby pupunta na dyan si Papa okay?! Hello?! Kyfer?!"

"Hello Kyle. Itetext ko ang address kung saan mo makukuha si Kyfer. Time is ticking" at naputol na ang linya

"Anong sabi?! Kamusta si Kyfer?!" tanong naman ni Kenny sakin

"Itetext daw sa akin ang lugar kung saan makikita si Kyfer" kinuyom ko ang kamay ko ng dahil sa matinding galit

Kasalanan ko to. Hindi ako naging maingat sa anak ko.

*ting*

From: 09*********

Fun Park. Sa may tapat ng carousel. Kapag may pulis akong nakita papasabugin ko ang ulo ng anak mo.

Pinakita ko sakanilang lahat ang text at agad agad na kaming nag-ayos at nagplano kung ano ang gagawin.

Kapit lang Kyfer. Ililigtas ka ni Papa.  

Baby Maker For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon