BBMFR #7 - The Castrovo

2.1K 27 0
                                    

  Kyle's POV

"Oh my God! You look just like him Kyle!" bungad samin ni Mom matapos kaming pumasok sa bahay

"Good evening po Lola" bati naman ni Kyfer

"Good evening din baby" sabay buhat ni Mom sa anak ko

"So where's Dad?" tanong ko naman pagkatapos kong bumeso sakanya

"Nasa dining area na at inihanda na ang mga niluto namin. You don't know how excited he was when I told him that you have a son already! Let's go then?" pumunta kami sa dining area at napansin kong humikab si Kyfer

Chineck ko ang relo at past 8:00 PM na pala. Dapat matutulog na siya ng gantong oras eh.

"Darling! Look!" biglang sigaw ni Mom kay Dad na busy sa pag-aasikaso

"Wow! Our little Kyle!" galak na galak na pagkasabi ni Dad

Alam kong kamukha ko siya since anak ko siya pero masyado ng paulit ulit na sasabihin nila na kamukha ko siya.

"Hello po Lolo!" kiniss naman ni Kyfer si Dad sa cheeks

"Hello there. What's your name?" pagtatanong ni Dad

"I'm Kyfer Castronovo po" sagot naman ni Kyfer

"What a bright child!" umakbay sakin si Dad at inaya na akong umupo sa may hapag kainan

Minsan nalang ako makapunta dito at ngayon para bang sobrang saya nila. Masaya din sila na may maliit na ako na dumating sa buhay nila. Napuno ang hapag kainan ng masayang aura kasama na dito ang madaming tanong kay Kyfer na lagi naman sinasagot nito.

"Kyle where is her mother?" biglang dating ni Dad dito sa may veranda

"Car accident Dad" tipid kong sagot at sinabayan kong uminom ng wine

"Sorry to hear that. Kyle about sa business natin, nakapag-isip isip ka na ba?" ano nga ba ang balak ko?

"Yes Dad. I'm taking your offer. Iniisip ko kung ano nalang mangyayari kay Kyfer is maghihirap kami. But I can't leave my current job since nandoon ang mga kaibigan ko" para sa ikabubuti ni Kyfer

"I understand. Buti naman at naisipan mong tanggapin. Ikaw lang ang taga-pagmana namin ng Mom mo. You know what son? I am so proud of you" pagkatapos niya itong sabihin ay tinapik niya ang balikat ko saka umalis

Hindi pa ako nakakapagdesisyon ng ganitong kalaki sa buong buhay ko. Siguro nga ganito talaga pag naging tatay ka na. You will think what is best when it comes to your child.

"Bye bye po Lolo and Lola" pagpapaalam ni Kyfer matapos mayakap at mahalikan sila Dad

"Bye Dad. Bye Mom" sabi ko naman at niyakap silang dalawa

"Are you sure na hindi na kayo dito matutulog?" huling tanong ni Mom

I want to spend more time with him alone.

"No we are good sa pad ko. Bibisita naman kami pag hindi na ako busy" pag-aassure ko

"Oh sige na mauna na kayo at kailangan ng magpahinga ng apo ko" paalala naman ni Dad

Nginitian ko sila at dumerecho na sa kotse ko. Pinaupo ko si Kyfer sa backseat in case na makatulog siya ay makakahiga siya ng ayos. It's been a long day.

Unknown's POV

"Are you fucking serious sa sinasabi mo?!" bulyaw ko sa babaeng kaharap ko ngayon

"Y-yes" mahina niyang tugon

"Ano pa nga bang magagawa natin diba?! What an idiot! Hindi na sakin mapupunta ang lahat ng pera! Get out of my sight!" hinintay kong makaalis siya at tumingin sa may bintana

Napahilot ako sa sentido ko ng dahil sa galit. Kung sinuswerte ka naman Kyle, pumapanig sayo ang tadhana. Pero papaano kung yang anak mo ay bigla nalang mawawala? Napangiti ako sa iniisip ko. Mapapasakin din ang pera mo.  

Baby Maker For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon