May isang pintor na sobrang galing. Iyong tipo na kahit anong bagay ay napipinta niya. Masaya man o malungkot ang kanyang mga gawa ay laging may buhay ang mga ito kaya't hindi maiwasan ng ibang tao na mamangha sa kanyang mga gawa. Isang araw ay may ipininta siya at pinangalanan niya itong Salamin. Sa lahat ng naipinta niya ay ito ang pinakamaganda at naging tanyag na pinta. Masayang-masaya si Salamin lalo na't maraming tao ang natutuwa at nagmamahal sa kanya. Nagpasya ang pintor na gumawa ng panibagong pinta at pinangalanan niya itong Kulay. Magkatugma sina Salamin at Kulay kaya't naging malapit ang dalawa. Lagi silang magkasama at hindi mapaghiwalay.
Makalipas ang ilang buwan ay nanghina ang pintor. Nalungkot ang lahat lalo na sina Salamin at Kulay. Di kalaunan ay namatay na ang pintor na naging dahilan ng pagkasira ng lahat.
°°°°°
May bagong pumalit na pintor at di katulad ng una ay hindi ito mapagmahal sa kanyang mga gawa. Lagi na lang siyang nanunumbat kaya ang ibang mga pinta ay nasira at marami ang nawasak. Isang araw, napag-initan niya ng ulo si Salamin kaya itinapon niya ito, binasag at sinira. Nalaman ito ni Kulay kaya't pinuntahan niya si Salamin ngunit huli na ang lahat. Sira-sira na si Salamin at wasak na ito. Ngunit nang kausapin niya ni Salamin ay hindi na siya ito maalala.
Halos pigain ang puso ni Kulay dahil doon. Hindi siya nakapagsalita at nakita niyang unti-unti nang umaalis si Salamin. Sa pagtalikod ni Salamin ay nakita ni Kulay na maraming parte ni Salamin ang naiwan kaya pinulot niya ito at pinagtagpi-tagpi. Pinaganda niya ito at kumuha siya ng parte sa kanya at inilagay nito.
Matagal na panahon niyang hinanap si Salamin at nakita niyang masaya na ito, kasama ang ibang pinta. Hindi maiwasang malungkot ni Kulay ngunit hindi niya ito pinahalata. Muli siyang lumapit kay Salamin at ibinigay ang kanyang pinagdugtong-dugtong na mga piraso. Nang dahil doon, lumapit si Salamin kay Kulay at tinanggap niya ito.
"Ano pong nangyari sa kanila? Lola nakakabitin naman po kasi eh."
"Hindi ko masasabi, apo. Pero ang mahalaga ay kung paano naging masaya si Salamin nang mga panahong magkasama pa sila ni Kulay."
-FM-
BINABASA MO ANG
Faded Memories
Ficção AdolescenteChildhood Memories. First Crush. First Heartbreak. Lahat ng iyan ay parte ng ating alaala. Bawat isa ay nakatatak na sa ating isipan, masalimuot man ito o maganda. Ang mga ito ang nagpapatatag sa ating sarili at nagsilbing lakas upang magpatuloy sa...