Ashia's POV
Ang dilim ng dinadaanan ko at tila walang katapusan ito. Takbo ako ng takbo at hindi ko alam ang aking patutunguhan. Gusto ko nang maiyak dahil natatakot ako. Bigla akong may narinig na boses ng isang lalaki.
"Ashia..."
Hinabol ko ang tinig niya pero hindi ko ito naabutan. Sino siya? Bakit naluluha ako nang tawagin niya ang aking pangalan?
Bigla akong nagising dahil sa alarm clock na nasa gilid ko. Hindi ko naman ito ginalaw kahapon. Siguro ay araw-araw na itong naka-set kaya tumunog.
Naramdaman ko na basa ang aking pisngi. Nakakapagtakang umiyak ako sa kadahilanang wala.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at napansin ko na namumula ang aking mata. Ganoon ba katagal ang pag-iyak ko? Nakakainis naman kasi hindi ko talaga alam kung bakit! Parang binibiyak lamang ang ulo ko kapag pilit kong inaalam ang dahilan.
Tumayo na ako at nag-inat nang kaunti saka lumabas ng kwarto. Magkatabi ang kwarto namin ni Jane at sa dulo ang kwarto nina mama. Napansin ko naman kahapon na nasa baba ang kwarto ni lola.
Binuksan ko ang kurtina at sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag galing sa araw. Binuksan ko din ang bintana at ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin.
Bumaba na ako at nakita kong abala si lola sa telepono. Ang mga katulong ay abala din sa paglilinis ng bahay. Ano kayang meron?
"Lola, nasaan po si Jane?"
Binaba muna ni lola ang telepono at humarap sa akin. Nagmano naman ako sa kanya bilang tanda ng paggalang.
"Magandang umaga Ashia! Nandoon sila sa kusina. Pumunta ka na doon at kumain."
Tumango ako kay lola at pumunta na sa kusina. Maraming pagkain ang nasa mahabang lamesa.
"Good morning!" bati ko sa kanila at pumunta ako kina mama at papa para magmano din.
"Mukhang masaya ka ngayon, anak."
"Maganda lang po ang gising ko, papa." nakangiti kong tugon
Umupo na ako sa kaliwang bahagi ni papa para kumain. Pinagsandok ako ni mama at tatanggi na sana ako pero sabi niya ay namiss niyang maghain sa akin.
"Ate Ash, magkakaroon ng party sa isang linggo dito sa bahay." masiglang sabi ni Jane.
"Huh? Para saan?"
"Para daw sa'yo. Actually, si lola ang nag-aayos kaya ayun busy siya ngayon. It's a party to welcome you back!"
Tiningnan ko si mama para makumpirma kung totoo ito at nginitian niya lamang ako.
"Ashia, ginawa 'yun ng lola mo to introduce you again sa ating angkan."
Oo nga pala, nagkaroon daw ako ng amnesia kaya blangko ang aking alaala. Weird mang pakinggan pero nakaramdam naman ako ng excitement na masilayan ang mga taong ipapakilala nila sa akin.
Natapos na kaming kumain at bigla akong hinila ni Jane at pumunta kami sa salas. May nilabas siyang mga mukhang aklat na may mga litrato at iba't ibang kulay. Magazine pala ito. Nagtingin-tingin siya ng mga damit at ipinakita niya sa akin.
"What do you think?" tanong niya sa akin.
"Maganda naman ang design at catchy siya but the details are too much. Parang OA kumbaga."
Napatingin siya sa akin at tumawa nang malakas. Nagsabi lang naman ako ng totoo eh. Seriously, kahapon pa siya tawa nang tawa.
"Tinatawanan mo na naman ako." pabiro kong sabi

BINABASA MO ANG
Faded Memories
Roman pour AdolescentsChildhood Memories. First Crush. First Heartbreak. Lahat ng iyan ay parte ng ating alaala. Bawat isa ay nakatatak na sa ating isipan, masalimuot man ito o maganda. Ang mga ito ang nagpapatatag sa ating sarili at nagsilbing lakas upang magpatuloy sa...