Lumipas ang ilang buwan ay masaya pa rin kami ni Tope. Nalaman na rin nang aking mga magulang ang aming pagmamahalan. Sabi pa nga nila saamin eh. Hindi daw sila tututol kasi napagdaanan naman daw nila yong nangyayare saamin. Ang aming matamis na pagmamahalan ni tope.
Sa paaralan.
Minsan saamin napupunta ang atensyon nang buong klase. Masaya din daw sila at mas masaya naman kami ni Tope. Kahit minsan yong mga guro namin, pinaghihiwalay kami nang upuan, para naman daw makapag aral kami pareho. Natatawa na lang kami, at kapag may tiyempo magtatabi ulit.
"klasmeyt, palit tayo, gusto ko kasi katabi si Amanda, heheheh" sabi nito sa katabi ko.
Natatawa na lang din ako, na kinikilig sa mga ginagawa niya.
Kapag recess naman, ang sweet niya, may santan pang kasama yong tinapay na dala niya. Nahihiya ako na pinagtitinginan kami nang iba naming mag-aaral eh nawawala na yon kapag nag-uumpisa nang magpatawa si Tope.
Sa exam, kapag malapit naman na eh pareho kaming subsob sa pagrereview. Nagtataka na lang ung iba kasi magkahiwalay kami akala nila eh lovers quarrel daw kaming dalawa. Pero pagkatapos nang exam, magkasama ulit kami, walang nakakapaghiwalay saamin sa buong araw na nasa eskwelahan kami.
Kapag malungkot siya, gumagawa ako nang paraan para magpapansin sakanya. Katulad na lang nang pagwawacky sa mukha.
"Huwag kana malungkot Tope, ayiee, tatawa na yaaaaaaan"
At tatawa din naman siya.
Minsan isang gabi, napagalitan ako ni Amang kasi gabing-gabi na ako umuwi nun at nakalimutan kong magpaalam sakanila, may pinuntahan kasi kaming handaan. Kaarawan nang aming guro.
"Kayong mga bata kayo, gabi na at ngayon lang kayo nauwi! Ikaw Amanda, parusa ko sayo, dahil bukas ay sabado, hindi ka lalabas nang bahay! At ikaw Tope, maari ka nang umalis"
"hindi po, hindi po ako agad aalis, gusto ko lang po kasi humingi nang patawad sa hindi ko agad pagbabalik sainyo nang maaga si Amanda" tumingin siya sa saakin at ngumiti nang palihim, pero alam ko na kunware niya lang iyon para naman palabasin ako ni Amang bukas at nang makapagkita kami ulit.
"bahala ka jan, uulan na. Gusto mo bang magkasakit?? kong oo, sigee at matutulog na kami iiwanan kana namin diyan" Sabi ni Amang.
"hindi po! Hindi po ako aalis hanggat hndi niyo po napapatawad si Amanda at Ako" pagmamatigas ni Tope.
"ikaw bahala osiya at isasara ko na ang pinto!"
Napatingin ako kay Tope, nag-aalala na ako kasi hindi nakinig si Amang sakanya, at galit din si Inang saakin.
Kumulog at Kumidlat. Hudyat na yun nang malakas na ulan. Pero hindi pa siya nauwi. Kinakabahan ako, hindi ako mapakali sa kwarto ko. Kaya Lumabas ako at kinausap si Amang na nasa sala at sinisilip na pala si Tope.
"abay matinde rin yang si Tope ano, at hindi pa nauwi, gusto ata talaga magkasakit niyan!"
"A....amang! Papasukin niyo na po siya saglit at malakas ang ulan sige na po, pangako ko po na hindi na ako magagabihan nang uwi" sabi ko kay Amang.
Pagmamakaawa ko kay Amang, at dahil doon ay pinapasok siya. Pinapunta ko agad siya sa kwarto ko at binigyan siya nang damit ni Amang na isusuot niya pansamantala.
Sa kwarto.
"Amanda.."
Hinawakan niya kamay ko.
"To..tope, anong ginagawa mo?" nagtataka kog tanong sakanya.
"Pagbigyan mo na ako"
"anong sabi mo? Paki-ulit?"
Lumapit ito saakin at, yong mukha niya ay malapit na malapit sa mukha ko na para na niya akong hahalikan. Bumibilis ang tibok nang puso ko at feeling ko ay namumula na mga pisngi ko sa ginagawa niya.
Nagsalita siya.
"ku.... Hinawakan niya ang kamay ko.
.
.
.
.
.
.
...... kumot, bigyan mo ko, nilalamig na ako, hindi ko na kaya"
Huminga ako nang malalim, akala ko kong ano na.
"ay hahahaha yon lang pala, si..sigee, heto oh, jan kanalang muna sa higaan ko at doon na muna ako sa kwarto nila Inang at Amang."
Pero lumapit ito at...... Walang sabi-sabi ay hinalikan na niya ako sa labi, hindi na ako tumanggi at sinabayan ko na rin siya, napahiga na kaming dalawa at........
"Amanda, tara at matulog na tayo, iwanan mo muna jan si Tope, hindi naman yan aakyatin nang manananggal" sabi ni Amang habang sinisigaw niya iyon.
Natawa kaming dalawa.
Napatayo na lang ulit ako pero hinila ulit ako ni Tope at napahiga ulit, sabay halik nang matagal. Pagkatapos noon ay umalis na ako nang may ngiti sa labi.
Masaya ako noong gabing 'yon. Hinding hindi ko malilimutan.
BINABASA MO ANG
Tope. Ang Aking Unang Pag-ibig (1970)
Romance"Binuksan mo ang aking puso sa mga ala-alang akala ko ay hindi ko na mababalikan. Napagtanto ko, na minsan sa buhay ko pala ay naranasan kong magmahal nang lubos sa taong hindi ko kadugo" - Amanda. 1966 noong makaramdam ako nang kakaiba sa ak...