Chapter 2

277 2 0
                                    

"Tope, sana makapag-aral pa tayo sa kolehiyo no?"

"Nako Amandang, saakin kong tatanungin mo ako, mukhang Malabo na makapag-aral ako, gusto ko pa man din na mag doctor, kaso hindi kaya ni Amang, pagkatapos natin sa hayskul, pinapahinto na ako ni Amang at tulungan na lamang siya, mahirap lamang kami at si bunso, pasumpong sumpong ang sakit"

"pero sana, mabigyan pa rin ako ng pagkakataon makapag-aral sa Maynila" sabi ko nang may dedekasyon.

Nakahiga kami sa isang kubo. Nasa bundok ulit kami at hinihintay ulit si Haring Araw na mawala. Parang naging panata na namin yon ni Tope, simula noong kami na lang ang natira sa mga kababata namin. Ang iba kasi nagsawa na daw. Ang iba naman busy sa kani-kanilang mga pamilya.

Sa mga oras na yon nakahiga kami at lingid sa aking kaalaman na unti unti siyang lumapit saakin. Hindi ko maintindihan sa mga oras na yon ang aking nararamdaman, na para bang may kong ano sa aking tiyan na ano mang oras ay kumawala.

Mga ilang Segundo pa ay nararamdaman ko na ang kanyang katawan ang kanyang mga labi na unti-unting lumalapit saakin. Pumikit siya, at dahil sa pagpikit niyang iyon ay napapikit na rin ako.

Hanggang sa maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking beywang na animoy hinihila ako papunta sakanya.

At unti-unti kong nararamdaman ang bawat halik niya saaking labi. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito.

Masarap sa pakiramdam.

Dahil sa nangyayare, hindi ko na napigilan ang aking sarili at nagpadala na ko sa aking emosyon, na hindi ko maintindihan, ang tanging gusto ko lamang ay ang kanyang masasarap na labi na dumadampi saaking mga labi.

Sa bawat paghalik niya saakin, ay unti unti na itong pumapatong saakin at ang kanyang mga kamay ay... ay para bang naglalakbay sa aking katawan. Nabibigla ako sa mga nangyayare kaya doon ko na lamang siya tinulak. Tinulak ko siya at umalis na ako.

Iniwan ko siya sa kubo.

Bago pa man ako makalayo ay lumingon ako sa kinaroroonan niya at saktong papalubog na ang Haring Araw. Nakatalikod siya at kahit hindi ko nakikita nag kanyang maamong mukha ay tiyak paniguradong nakatingin siya sa papalubog na Araw nang malungkot.

Sa mga oras na 'yon, hindi ako makaalis sa aking kinaroroonan. Animo'y hindi ako makapag desisyon ng maaga, kong aalis ba ako o pupuntahan siya at samahan.

Pero nanaig parin saakin, ang karapatan ko bilang babae, ang aking dignidad. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad. At nakakapag-isip isip ng kong anu-ano. At kong sa mga oras na yon ay nagpadala ako sa aking emosyon ay baka magaya la mang ako sa aking mga kababata.

Ayukong mangyare 'yon, dahil may pangarap saakin ang aking mga magulang. May pangarap rin ako para sa aking sarili.

Sa hindi ko namamalayan ay, nakasunod na pala si Tope saakin. Malapit na kami sa aming mga bahay.

Bigla siyang nagsalita.

"Amanda, pasensiya kana pala kanina, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko, hayaan mo at ako na ang lalayo sayo"

"hi...hindi" nauutal ko pang sabi sakanya.

"hindi mo na kelangan gawin, sa totoo tope" tumigil ako sa paglalakad, hinarap ko siya at lumapit ako sakanya. Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay at nilagay ito sa aking beywang.

Tinignan niya ako sa mata, na animoy naguguluhan.

"anong ibig mong sabihin at ano itong ginagawa mo Amanda?" nagtataka nitong sabi.

"halikan mo ulit ako Tope, ang iyong mga labi, ang iyong pagnanais gusto ko ito pero may limitasyon Tope" sabi ko sakanya ng nakangiti.

"talaga?" masaya niyang tanong.

"Oo Tope, saiyo ko lang ito naramdaman, Mahal kita tope"

*dugs*

*dugs*

*dugs*

Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayare. Ako rin mismo ayy nabibigla pero gusto ko na talaga siya. Mahal ko na siya. Mahal na Mahal.

"Maaari ba kitang mahalikan? Kong saganun eh, tayo na ba?" Tumatawa ito na para bang nagtataka sa mga sinasabi ko sakanya.

"oo Tope, pero halik lang."

Tuwang tuwa ito, at sinimulan na niya ulit akong halikan.

Sa batok. Sa pisnge. Sa ilong. Sa Noo. At sa Aking mga Labi.

Noong mga oras na din 'yon ay sumisigaw na ang kanyang Amang, hindi man nila kami nakikita ay sumisigaw pa rin ito.

Pagkatapos niya akong halikan. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at nilagay ito sa kanyang dibdib kong nasaan banda ang kanyang puso.

"Amanda, masaya ako. Mahal na Mahal kita. Hindi ko akalain na tayo na"

Mabilis ang mga pangyayare. Kami na agad ni Tope. Oo, pero wala akong pagsisisi. Ginugusto ko to. Gusto ko siya. At gusto niya ako.

Binuhat niya ko na para ba akong bata. Natatawa ito, muntik na nga kaming madapa pareho buti na lang at nakakapit ako sa kawayan malapit sa aming kinatatayuan.

Nakarating na kami sa baba, malapit na saming mga bahay.

"Amanda, sige bukas na lang tayo magkita, mag-ingat ka Iniirog kita mandang!"

"oo na Tope, umuwi na tayo at hinahanap na tayo ng ating mga magulang"

Ang bundok na lagi namin pinupuntahan ay malapit la mang sa aming mga bahay. Kaya kahit magabihan kami ay okay lang. At panatag naman ang aking mga magulang kay Tope. Mabait ito. Masipag. Mapagmahal sa magulang.

Sa gabi.

Sa pagtulog ko, iniisip ko siya. Hindi ako mapakali, parang gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siya laging nakikita. Nayayakap.

Si Tope ang aking Unang Pag-ibig.

Tope. Ang Aking Unang Pag-ibig (1970)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon