Chapter 8 and 9

160 1 0
                                    

Chapter 8.

Mahal kong Tope,

Sa oras na to siguro ay nababasa mo na ang sulat kong ito sa'yo. Gusto kong sabihin sayo, Salamat.

Salamat sa lahat. Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo, yong unang pagtibok nang puso ko. Ikaw yon Tope. Ikaw ang Una kong pag-ibig. Noong naging tayo, masaya naman tayo dati diba, pero ano nang nangyayare satin ngayon? Hindi na ako natutuwa alam mo ba yon? na nagkakatampohan tayo, dati naman hindi diba? Hindi ko alam kong sasabihin ko na ba sayo to. Nahihirapan na kasi ko Tope. Masakit para sakin. Oo, sa mga oras na to ay umiiyak ako sa sakit, kasi hindi ko kayang sabihin Tope. Nasasaktan ako. Mahal na Mahal kita. Sabi ko naman sayo diba hintayin mo ako. Babalik ako. Pasensiya kana kong sa Loob nang tatlong taon ay, hindi pa kita nadadalaw. Pasensiya kana at wala akong magawa. Magagalit sila Inang at Amang. Pero Tope, tandaan mo, hindi kita makakalimutan. Andito ka sa puso't isipan ko. Maghiwalay na muna tayo. Alam ko magagalit ka sa gagawin kong ito. Paalam aking Mahal.

Biglang bumuhos ang mga luha ko na kanina pa gustong gusto makawala.

"Patawarin mo ko Tope, nahihirapan na din kasi ako"

Biglang pumasok si Inang, nakita niya ako, hindi ko napigilan at napaiyak na ako sa mga bisig niya. Parang kailan lang nangyayare tong mga to, na umiiyak ako sa aking Inang dahil sa inaasar ako nang mga kalaro ko, pero ngayon iba na, ibang-iba na talaga. Habang tumatagal, nagiging komplekado ang buhay.

"Tama na anak, sana naman ay napag-isipan mo yan nang maraming maraming beses"

Lunes.

"Tao po, kukunin ko na po mga sulat"

"sige po ku..kunin ko lang po sa taas"

Paakyat ako nang kwarto ko, pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Para bang may pumipigil. Sa huling pagkakataon ay nasabi kong "sana pag nabasa mo to maunawaan mo ko Mahal Kita Tope"

Bumaba na ko at Binigay ko na ang sulat sa kartero. Tinitignan ko ang kartero papalabas nang gate.

Parang gusto ko siyang habulin at kunin ang sulat.

Pero hindi ako makagalaw sa pwesto ko ngayon. Gusto kong habulin pero nanaig pa rin saakin ang huli ko nang desisyon. Iyon ay ang palayain si Tope. Pangalawang desisyon ko na to sa buhay ko.

Yung una, iniwan ko siya.

Pangalawa, iiwanan ko na talaga siya at pinapalaya.

Mabigat sa damdamin pero kailangan ko na talagang gawin to. Ang kalimutan muna siya at ituon ang atensyon ko sa pag-aaral.

Napapikit na lang ako. At huminga nang malalim.

"Tiyang alis na po ako"

"sige anak, mag-ingat ka"

"Sige po"

.

.

.

Sa library.

"wag ka nang malungkot, ito oh.... Tadaaaa! Hahaha chocolate"

"ikaw talaga, salamat ha, andiyan ka."

"mamahalin kita Amanda"

"sige sabi mo eh, aral muna tayo"

"hahaha oo na, aantayin kita Amanda"

Si Christian, napapasaya niya ako. Kong ikukumpara si Tope sakanya, hamak na may hitsura si Chris kay Tope, may-kaya si Chris, pero si Tope kahit mahirap siya, minahal ko siya at sa mga araw na lumilipas siya pa rin nasa puso ko.

Tope. Ang Aking Unang Pag-ibig (1970)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon