Chapter 4.
Pagkatapos nang pangyayareng yon ay lagi ulit kaming magkasama, lalo kaming tumitibay sa pagdaan nang mga araw.
Lumipas pa ang ilang buwan ay Nakapagtapos na rin kami ng pag-aaral ni Tope.
Masayang masaya ako, dahil nakamit ko na rin ang aking inaasam asam na pagtatapos sa hayskul. Nakatulong si Tope saakin para mas lalo pa akong ganahan mag-aral. Siya ang nagiging inspirasyon ko sa pag-aaral.
Kaya ganoon na lamang kagalak ang aking mga magulang dahil na rin sa pagtaas nang aking mga grado, ganoon rin si Tope. Masaya ako sa relasyon namin.
"Anong balak mo?"
Tanung niya saakin.
"Hindi ko pa alam eh, hindi ko alam kong makakapag-aral ba ako o hndi sa kolehiyo." Malungkot kong sagot sakanya.
Nasa bundok ulit kami at inaantay ang paglubog ni Haring Araw.
"TOPEEEEEE!.
Sigaw ng kanyang Amang. Alam ko na kapag sumisigaw ang kanyang Amang, sinusumpong nanaman ang kanilang bunso.
Tumingin siya saakin, at tumango naman ako.
"Sige na ako na maiiwan dito, titignan ko muna si Haring Araw" nakangiti kong sabi sakanya.
Bago siya umalis, hinalikan na muna niya ako sa noo. Tumayo na ito at naglakad pauwe na sa kanilang bahay. Naiwan akong mag-isa sa kubo.
Ang daming tumatakbo sa aking isipan. Pagkatapos kong masaksihan ang paglubog ni Haring Araw nagpasya na akong umalis.
Sa paglalakaad ko ay para bang may nakamasid saakin.
Nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. Habang pabilis ako ng pabilis sa aking paglalakad. Nararamdaman kong unti unting lumalapit ang kong anuman ang aking naririnig na mga yapak sa aking paligid.
Kinabahan ako at pagtingin ko sa aking likodan.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakita ko ang maamong mukha ni Tope na may hawak na maraming bulaklak. Inabot niya saakin ang mga bugkos na mga bulalak.
Ang kaba ko ay napalitan ng ngiti at unti unti ng lumalabas ang aking mga luha. Napaluha ako dahil sa tuwa. Kahit paano kasi ay natakot ako. Akala ko ay may masamang tao nang nagmamasid saakin.
"wag ka nang umiyak, pasensiya na aking irog at parang natakot ata kita" nakangiti nitong sabi saakin.
Noong gabing iyon ay binigyan ko ng mainit na yakap at maraming maraming halik si Tope. Na kanya namang ikinatuwa.
Umuwe kami ng may malawak na ngiti sa aming mga labi.
.
.
.
.
.
"oh abat ngiting ngiti kayo jan anong mayron?" yon ang aking Amang.
"Amang, mano po, gabi na nasa labas pa po kayo?"
"May bisita kasi ang iyong Inang, kaya lumabas na muna ako" sabi ni Amang habang naninigarilyo.
BINABASA MO ANG
Tope. Ang Aking Unang Pag-ibig (1970)
Romance"Binuksan mo ang aking puso sa mga ala-alang akala ko ay hindi ko na mababalikan. Napagtanto ko, na minsan sa buhay ko pala ay naranasan kong magmahal nang lubos sa taong hindi ko kadugo" - Amanda. 1966 noong makaramdam ako nang kakaiba sa ak...