Chapter 1.

846 4 0
                                    



Gabbi Garcia as Amanda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gabbi Garcia as Amanda

Ruru Madrid as Kristoffer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ruru Madrid as Kristoffer

Ruru Madrid as Kristoffer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ken Alfonso as Chris


****************

"Binuksan mo ang aking puso sa mga ala-alang  akala ko ay hindi ko na mababalikan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Binuksan mo ang aking puso sa mga ala-alang akala ko ay hindi ko na mababalikan. Napagtanto ko, na minsan sa buhay ko pala ay naranasan kong magmahal nang lubos sa taong hindi ko kadugo"

*dugs*

*dugs*

*dugs*

Marahil sa panahon ngayon, uunti na lamang ang mga taong tunay na nagmamahalan.

Kaka-unti na lamang ang nakakaintindi at nagpapahalaga sa salitang Pag-ibig. Kaka-unti na lamang ang nakakaranas mahalin ng taong Mahal na Mahal nila.

Sabi nga nila swerte mo na lang kong Mahal ka din nang taong Mahal mo. Wala nang mas sasaya pag nangyare yon.

Ang aking Unang Pag-Ibig.

Ang ala-ala ay ala-ala na lang nang nakalipas na pwedeng mong balikan pero hindi na nang iyong puso.

Naalala ko pa . . .

Noong una, hindi ko maintindihan kong ano nga ba ang aking nararamdaman. Bata pa ako noong makaranas ako ng may parang kong anong halimaw ang nasa aking tiyan. Hindi ako makatulog, mapakali sa tuwing magkikita kami nang aking kababata na si Kristoffer.

Childhood sweetheart ko siya. Siya ang aking Unang Pag-ibig.

.

.

.

.

.

Lumaki kami pareho sa lugar, kong saan malayo sa sibilisasyon. Sa lugar kong saan, uunti lamang ang nabibigyan ng pagkakataon para makapag-aral sa Maynila.

Noong bata pa kami ni Tope mahilig kaming umakyat ng bundok. Natural lang naman sa mga bata yon. Kaya nga pag-uwe ng bahay palo sa pwet ang kapalit. Nasa bundok kami noong mangyare ang hindi ko inaasahan.

"Amanda, mandaaaaaaang! Tara dito" sabi niya saakin. Naglalakad kami papunta sa taas nang bundok kasama nang mga kalaro namin.

"sandali tope, paakyat na ko, yong mga kalaro natin, nasa baba pa, may kinukuhang bayabas" sabi ko na hingal na hingal. Nakatingin siya saakin na nakangiti.

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang may maramdaman ako.

*dugs*

*dugs*

*dugs*

"oh, anong nangyayare sayo, bat namumula ka? Siguro sa init yan nang araw, bilisan mo na jan at aakyat nako sa taas, sunod ka na lang, mag-ingat ka" sigaw niya saakin.

Hindi ko na lamang pinansin kong ano man yong naramdaman ko, basta ba bumilis na lamang ang pagtibok nang puso ko, kakaiba. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

Mga bata pa kami noon na ang laging nasa isip ay puro Laro. Laro lang nang laro.

Nasa taas na kami ng bundok sa mga oras na iyon at papalubog na si haring araw. Hingal na hingal akong umabot sa kubo, paano ba naman dahil sa kakalaro namin muntikan na naming malimutan na dapat paglubog nang araw eh nasa taas na kami para masaksihan namin ang paglubog neto.

"Mabuti naman Tope at nakaabot pa tayo dito, mga kasama Dalian niyo na jan" pasigaw kong sabi sa mga kalaro ko.

Tuwang tuwa ako kapag nagpupunta dito. Ibang iba kasi sa pakiramdam. Lagi kami dito ng aking mga kalaro para masaksihan ang maganda at kakaibang pagpapalit palit ng kulay ni Haring Araw sa tuwing lulubog na ito.

Hanggang sa lumaki na kami at naging mga dalaga at binata na. 16 anyos pa lang kami nun.

Ang iba nakapag-asawa na nang maaga. Dahil na rin sa hirap ng buhay sa aming lugar.

Tope. Ang Aking Unang Pag-ibig (1970)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon