CHAPTER 6: ZENACHKA FELONE

13.3K 168 2
                                    

Avery’s POV

            Nang makauwi ako sa bahay ay dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at doon ay umiyak ulit. Bakit ba ganito ang kapalaran ko? Hindi ko naman hiniling ang mga bagay na iyon, pero bakit ‘yon ang natatamasa ko ngayon? Hindi na ba ako magkakaroon ng kasiyahan? Mag-isa ko na lang ba haharapin ang bukas?

Wala na ba talaga akong karapatan na lumigaya sa piling ng taong mahal ko na akala ko makakaramay ko sa lahat ng problema ko? Ang aakay sa akin sa tuwing madarapa ako, ang mag-aalaga’t mag-aaruga sa akin sa tuwing magkakasakit ako at higit sa lahat ang magmamahal sa akin ng buong puso na higit pa sakaniyang buhay.

Kailan ko mararanasan ang buhay na kung ingatan ka ay para kang isang babasaging bagay na napakahalaga para lang masira o mabasag. Hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtitiis at mamamalimos ng pagmamahal? At hanggang kailan ako aasa at hanggang saan nga ba ang kaya ko?

Ayokong mamulat isang araw na wala man lang akong natatamong kaligayahan. Ayokong mag-isa habang buhay. Minsan nga iniisip ko na sana may karamdaman na lang ako dahil baka sa sitwasyon kong gano’n ay baka mapansin pa ako ng asawa ko para palagi siyang nandyan sa tabi ko upang alagaan at alalayan ako. Na makakasama ko siya sa aking pagtulog at paggising sa umaga.

            Pero mukhang maramot sa akin ang kapalaran at sadyang mapaglaro. Dapat na ba akong sumuko? Pero alam kong hindi pa huli ang lahat para sumuko na lang ako basta-basta dahil alam kong may magagawa pa ako. Ipaglalaban ko ang nararapat para sa akin. Sabi nga nila, habang may buhay may pag-asa.   

Kinabukasan ay nagbalik trabaho na ako. Nang makarating ako sa cubicle ko ay napansin agad ni Mira ang pamumugto ng aking mga mata.

            “Good morning bakla! Oh nagda-drugs ka ba?” tanong niya sa akin pagkaupo na pagkaupo ko sa aking upuan.

            “Baliw!” ‘yon na lang ang nasabi ko sa kanya

“Eh bakit maga ‘yang mata mo? Huwag mong sabihing umiyak ka na naman dahil sa asawa mo?”

            “Pwede ba, Mira huwag na muna nating pag-usapan ang asawa  ko. Nandito ako para magtrabaho hindi ang makipagtsismisan sa 'yo, okay!” pumasok nga ako para hindi isipin ‘yong mga negative thoughts na naiisip ko, magtatanong naman siya, asar lang 'di ba?

“Whatever!” aba! Nagtataray ba siya? Tsk, hayaan na nga. ‘Buti na lang at ‘di na siya nagtanong ng nagtanong pa dahil kong hindi makakatikim na talaga siya sa akin.

            Nagtampo pa ang bruha ng inaya kong maglunch. Humingi naman ako ng tawad sa kanya dahil kasalanan ko rin naman. Hindi ko dapat sa kanya ibinubuhos ang init ng ulo ko. At ang bruha blinock-mail pa ako, na papatawarin lang niya ako kapag sinabi ko sa kanya ang problema ko. Syempre hindi ko naman siya matitiis kaya pumayag na rin ako.

            Huminga ako ng advice sa kanya kong paano ko ba mapapaibig ang asawa ko sa akin at sukat ba namang sabihin na akitin ko raw? Eh kahit naman ‘ata maghubad ba ako sa harap niya hindi eepekto sa asawa ko.

Drix’s POV

            Tumawag sa akin si Nix noong isang araw upang ibalita na parating na ng bansa si Zena, kaya naman wala na akong sinayang pang oras dahil ang alam ko lang sa mga oras na ‘yon ay napakahalaga’t napakaimportante ng bawat segundo minuto at oras na ‘yon.

            Mga ilang oras rin akong naghintay sa airport no’n pero hindi rin nagtagal ay dumating na nga siya. Muntikan pa nga kaming hindi makaalis sa Airport dahil marami ang gustong magpa-autograph at magpa-picture.

Hindi ko akalain na gano’n na pala siya kasikat sa buong bansa. Gano’n na ba ako ka-busy sa work ko para ngayon lang mabalitaan ang mga pangyayari sa buhay niya.

Kumain lang kami sa favorite Restaurant niya noon at doon na rin kami nagkalinawan. Naiintindihan ko naman na kaya lang niya nagawang umalis dahil sa pangarap niya.Sinabi rin niya ang tungkol sa interview niya noon na napanood ko na kailangan niyang tumanggi dahil iyon ang sinabi ng manager niya. At least masaya akong makita na isa na rin siyang Professional Model. Magkakasama na rin kami dahil she’s staying here in the Philippines for good.

At ngayong okay na ulit kami ni Zena, isa na lang ang problema ko, si Avery. Sa ngayon hindi ko pa alam kong ano ang dapat kong gawin para siya na mismo ang sumuko. At kong itatanong niyo sa akin kong may alam ba si Zena sa pagpapakasal ko? Oo alam niya, at alam din niyang hindi ko mahal si Avery. Na kasunduan lang talaga ang naganap sa pagitan namin ni Avery na kung saan ang kompanya lang talaga ang tunay na dahilan ng pagpapakasal namin. Alam rin niya ang balak ko na makipaghiwalay kay Avery, at willing pa siyang tumulong para kusa ng bitawan ni Avery ang taling nakapalibot sa aking katawan.

GROW OLD WITH YOU [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon