HINDI ko alam kong anong mararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko nandito pa rin ako sa may pinto. Akala ko pagdating namin dito sa mansyon ay magiging maayos na ang lahat pero hindi pala. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang Hendrix Reutotar? E noon pa man ay kay Zena lang siya naging masaya at sweet. Bahala na, basta ako? Sisiguraduhin kong magiging mabuti akong asawa at ipaparamdam ko sa kanya araw-araw kong gaano ko siya kamahal.
Nang medyo mahimasmasan ako ay umakyat na ako sa taas ng makapag-shower at makapagpahinga na rin. Nang matapos kong maligo at magbihis ay ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama at dahan-dahang hinimas ang kama kung saan dapat ay katabi ko siya sa unang gabi namin bilang mag-asawa at dito bubuo ng pamilya pero mukha ‘atang malabong mangyari ‘yon.
Tiningnan ko ang orasan at alas-dose na pala ng madaling araw, hindi ko namalayan ang oras, gano’n na ba katagal ang pag-iisip ko sa mga nangyari sa akin ngayong araw na ito? Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako sa mga iniisip ko.
‘Think positive Avery, alam mong uuwi ang asawa mo, hindi ka niya iiwan’ mga salitang pilit kong isinisiksik sa isipan ko. Pero paano kong hindi na siya bumalik? Paano kong tuluyan na niya akong iwan? Kakayanin ko ba?
Papikit na sana ako nang makarinig ako ng pagbukas ng gate at tunog ng isang sasakyan. Automatic kasi ang gate ng bahay namin, pipindutin mo lang ‘yong password sa remote na kami lang mag-aswa ang mayroon. Wala rin naman kaming maid sa ngayon dahil bagong lipat pa nga lang kami dito sa bahay namin.
Nang makababa na ako ay sakto namang pagbukas ng main door at iniluwa nito si Drix na tila ‘ata nakainom dahil wala na sa tamang direksyon ang lakad nito. Napatakbo pa nga ako no’ng makita kong tutumba na siya. Buti na lang at maagap ako at naalalayan ko siya sa braso kaya ‘di siya tuluyang bumagsak dahil kung nagkataon baka naglips to lips na sila ng floor. Nakumpirma ko ngang uminom siya dahil sa amoy na amoy ko iyon sa buong katawan niya.Mga ilang segundong pag-aalalay ko sa kanya ay bigla na lang siyang bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso niya, pero inalalayan ko lang siya ulit at pinaupo sa couch sa sala namin para ipagtimpla siya ng kape. Nang matapos akong magtimpla ay agad na akong bumalik sa kanya at nakita kong nakapikit na siya, mukhang pagod na pagod na siya.Samahan pa ng pagkalasing niya, pero kahit gano’n gwapo pa rin siyang tignan.
“Drix, heto oh! Inumin mo muna ito para mahimasmasan ka” nakaupo na ako ngayon sa tabi niya ng sabihin ko iyon habang pilit kong pinapainom sa kanya yo’ng kape, pero nakapikit pa rin siya kaya ginising ko siya ulit.
“Drix inu—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang niyang tabigin ang kape na naging dahilan para mahulogat mabasag sa sahig ang tasa kaya nakagawa ito ng ingay na naging dahilan ng pagkagising ng diwa niya. Nagulat pa nga ako ng makita ko na natapunan pala siya ng kape sa damit niya, buti na lang at maligamgam lang yo’ng tubig na ginamit ko, dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon pa nga lang ganito na ang reaksyon niya ng makita niya ang mantsa ng kape sa damit niya paano pa kaya kong hot water na? Baka mapatay niya pa ako ng wala sa oras, syempre joke lang, ‘di naman niya siguro magagawa sa akin yo’n kahit na ayaw niya sa akin. Tsaka gano’n ba siya kagalit sa akin para gawin ang bagay na yo’n? Sayang naman yo’ng Maxwell Coffee, natapon lang. Hanggang sa nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at sumigaw.
“Ano ba!? Letse namang buhay ‘to oh! Bakit ba ang daming istorbo at pasakit sa mundong ‘to? Bwisit!” tumayo siya at bigla na lang kinuha ang vase sa may table sa harap namin at binasag iyon sa harapan ko kaya napatakip na lang ako sa both ears ko. Pero hinabol ko siya ng makita kong paalis na siya.
“Let’s go, Drix. Alam kong pagod ka na, kaya kailangan mo ng magpahinga” akmang iaakyat ko na siya sa itaas ng magsalita siyang muli.
“Sa guest room ako matutulog” matapos yo’n ay bumitaw na siya sa akin. Pero sinundan ko pa rin siya sa guest room at nakita kong nakahiga na siya ngayon sa kama.
BINABASA MO ANG
GROW OLD WITH YOU [R-18]
General FictionGrow old with a tedious woman (formerly ARRANGED MARRIAGE TO A TEDIOUS WOMAN) COMPLETED Masakit para kay Avery na itakwil ng mga taong mahalaga sa kanya lalo na't inakusahan siya sa bagay na wala naman siyang kinalaman. Na pati asawa't magulang niy...