CHAPTER 23: PROGRESS AND PREPARATION

7.1K 131 6
                                    

Sorry for the super late update, ito na lang po muna sa ngayon. Thank you everyone for still and will read my story. Enjoy reading. Hindi pa po ito tapos, marami pa to for sure po yun. 

VINCE POV

“Ano may nahanap na kayo?” tanong ko kina Drake habang kausap ko siya sa phone.

“Pre naman syempre wala! Saan ka ba kasi makakahanap ng mangga na hugis puso?!” sarcastic niyang sagot.

“Sige basta maghanap kayo, hindi tayo makakapasok sa bahay pag wala tayong naibigay kay Cha nun” nag-aalala na may halong yamot kong sabi sabay end ng call.

“Pare naman kasi impossible naman kasi yun saka ikaw lang hindi makakapasok sa bahay niyo dahil may sarili kaming mga bahay” sabi ni Adam

Naghati kasi kaming maghanap dahil itong si Jake may pinakita na picture na manggang hugis puso kay
Cha yan tuloy

“Eh si Jake kasi may kasalanan nito!” reklamo ko

After 100 years na wala kaming nakita, napagkasunduan naming bumili na lang ng mangga na hindi hugis puso at umuwi na.

Nagtutulukan pa kami kung sino unang papasok sa gate kasi panigurado nag-aabang si Cha dyan.

“You first, bahay mo kaya ito” sabi ni Jake

“Eh kung ikaw kaya since it’s your fault” sagot ko naman

“What? Pinakita ko lang naman ah? Malay ko ba ganoon kasensitive si Cha noh” naka-pout pa si Jake nyan kaya nakatikim tuloy siya batok sa aming lahat

“Are you a gay?” nakangunot na noong tanong ni Adam

Nagtawanan kami kasi yung face ni Jake epic eh hahaha

Nagulat pa kami ng biglang bumukas ang gate

“Oh nandito na kayo, nasaan na ang magga kong hugis puso?” bungad ni Cha

Nakatanga lang kami sa kanya, walang sumasagot nainis na siguro kaya biglang

“ANO NA?! NASAAN YUNG MANGGA KO? SAAN NA?!”  napalapit tuloy ako sa kanya pero tinulak ako at inirapan

“Eh hon, ahmm may sasabihin si Jake” bigla kong sabi

“Ano?!” gulat na gulat si Jake

Kaya tumingin sa kanya si Cha with hoping eyes pa

Patay ka dyan Jake

“Ah, hon pasok lang naming to ah, pakinggan mo muna si Jake ok?” sabi ko sabay tulak sa guys sa loob

Pero bago kami pumasok ng tulayan sabay-sabay pa kaming nag-sign kay Jake ng

“Goodluck bro!” lahat kami

JAKE POV

Damn!

What now?

“Jake? Where is it? Gusto ko nang kumain nun” sabi pa nya.

Napangiwi tuloy ako ng walang sa oras.

Why have I done? Hindi naman ako yung asawa pero feeling ko ako dahil sa sitwasyon ngayon.

“Ahmm, Cha what if wala nun?” kinakabahang tanong ko

Tumaas ang kilay nya nun at lalo akong pinagpawisan dahil bilin sa amin ni Vince na hindi pwedeng ma-upset si Charliz to prevent any complication for her and the baby.

“So you mean walang manga?” serious nyang sabi

“Ahmm, ganoon na nga. I’m sorry kasi nakita ko lang naman yun sa net so I thought meron nun dito” paliwanag ko sa kanya

Tumalikod sabay pasok sa bahay kaya sumunod ako agad.

“All of you,

I

HATE

YOU!

Sabay walk –out!

Lahat kami nagkatinginan at hinabol ni Vince ang asawa nya pero bago tumalikod nakatikim pa ako ng masamang tingin.

“It’s all you fault” sisi nila sa akin.

“I’m sorry guys” sabi ko.

VINCE POV

 

Masasakal ko talaga si Jake!

Damn!

“Honey, I’m really sorry. We really tried to see that mango but…” paliwanag ko

Sabay niyang harap na nakangiti, nagtaka pa ako sa reaction nya kasi dapat nagtatampo siya or galit pero nakangiti syang humarap sa akin

“Ok bah on acting ko?” bungisngis nyang bulong

Now I get it, she made us all worried for nothing at natutuwa sya sa nangyayari ngayon.

“You little scheming lady” nakangiti kong bulong sabay hug sa kanya.

Tumawa sya sabay sabi “Epic face kasi kayo specially nung nagtatanong na ako kung nasaan yung pusong manga, masyado nyong akong pinapamper” nakangiti nyang paliwanag.

“Let’s go, masyado mo na silang na-stress” natatawa kong sabi

But she refused, “Maghintay pa tayo ng konti before natin sabihin” nakangiti nyang sabi.

Oh well, why not they deserve these.

We are really perfect for each other.

Mr. Hot ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon