Chapter 5 <Shopping>

27 2 0
                                    

Kakatapos ko lang mag shower. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin si Chase. Niloloko niya ba ako? Si Sir Elias? 2nd section? Hindi ba 3rd section siya? Ano ba Elrie! Baka naman iba lang nasabi niya o baka iba lang yung alam ko.

Kakatapos ko lang magpalit ng damit ng biglang tumunog ang cell phone ko. Himalang may magtext sa akin dahil wala naman akong katext. 15 na tao lang naman kasi ang nasa phone book ko, puro relatives lang. Baka si papa?

Binasa ko yung text: “Samahan mo ako sa mall bukas, ok lang? J”

Si Julia lang pala. Magre reply sana ako kaso lang wala pala akong load. Kaya bumaba pa ako upang maki text kay mama.

“Ma, pwede pa text?”

Tinignan naman ako ni mama na parang nagtataka.

“Bakit po ma? Wala ka ding load?”

“First time mo magtext ha, alam mo pa ba gamitin cell phone mo?”

“Mama naman eh, sige na po, pa text.”

“Oh, heto,” at inabot naman ni mama yung iPhone niya. Buti pa si mama naka iPhone eh. Ako, naka key pad lang. Di man lang maki uso sa touch screen. Anun talaga, ni hindi ko nga nagagamit yung phone ko eh.

Magta type na sana ako ng message pero di pa naman ako sure kung anong desisyon ko.

“Ma, pwede ba akong lumabas bukas?”

“Bakit, may project kayong gagawin? Or practice? Saan?”

“Wait lang po,” sabi ko kay mama. Tumango naman siya.

Nagtype na ako ng message ko kay Julia: “Hi Julia. L i2, anong ggawin ntin bukas? Naki text lng ako kay mama, wala akong load eh.”

Habang naghihintay ako ng reply, tumunog yung cell phone ko ng dalawang beses, hindi yung kay mama.

Una kong binasa yung message ni Julia: “Magsha shopping, madami kasi akong naiwang damit sa Bicol eh. Wala na akong maisuot. Nga pala, ni load na din kita. :D”

Tinignan ko yung pangalawang message, at dumating na sa akin yung load.

“Ma,” sinabi ko kay mama na naghuhugas ng mga prutas. “Magshashopping po si Julia, nagpapasama lang siya. Madami daw kasi siyang naiwang damit sa Bicol eh.”

“Ahh, sige lang. Bumili ka na din ng mga damit mo, wala ka ng damit eh. Si Julia ba eh yung pumunta dito na kasama ang kapatid niya?”

“Opo.”

“Ah, Bicolana ba siya?”

Umiling iling ako at natawa. “Hindi, doon lang siya tumira dati.”

“Ahh, eh bakit siya lumipat?”

Nagkibit balikat lang ako. “Hindi ko po alam.”

Sinabi kong hindi ko alam kahit alam ko. Paano kapag nalaman ni mama na binu-bully rin ako gaya ni Julia dati? Ililipat rin kaya ako ni mama ng school? Noon gusto ko. Per ngayon? Ayaw ko na, sapat nang dahilan sa akin ang dalawang kaibigan para mag stay.

“Salamat sa load. Babayaran na lang kita bukas. J Pinayagan akong samahan ka bukas. Anong oras?” text ko sa kanya.

“Naku, hindi na. 10AM. =)”

“Ok. :D”

===

“Kung bakit ba kasi nagmadali kaming pumunta dito noon, ayan tuloy, nakakaasar!” sabi ni Julia.

Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng mga damit niya. Mabuti nga at pinayagan ako ni mama kagabi. Gusto ko sanang tanungin siya kung ilan budget niya, kaso ang pangit naman ng tanong na yun. Malamang madami siyang pera. Bibili din kasi ako ng damit ko, baka sa mga mamahalin kasi kami pumunta, edi hindi na ako makabili ng akin.

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon