Chapter 4 <Angel>

35 2 2
                                    

Pagpasok ko pa lang sa aming room, nadatnan ko kaagad yung mga kaklase kong sina Tricia, Stacy at Mark na tila may inaabuso na namang tao.

“I.WILL.NOT.STAY.AWAY.FROM.HER. Instead, I will protect her from all of you!” narinig kong sinabi ni Julia. My God!

Agad  agad akong tumakbo at nilapitan si Julia noong na realize kong siya pala ang dinedemonyo nila. Napansin ko ring nakakalat sa baba lahat ng gamit niya. Are they starting to bully her?

Tinaasan lang ako ni Stacy at Tricia ng kamay. Yung iba kong mga kaklase, nakapalibot sa amin. Lahat sila, magkakakampi. Lahat sila, aawayin kami. Kasalanan ko ito eh, nadadamay tuloy si Julia ngayon.

“Anong meron dito?” narinig kong sinabi ni Izzy. Kakapasok niya lang yata.

“As usual,” sabi ni Tricia at lahat ng mga kaklase namin, tumawa.

Nakisingit na din si Brittany. “Woah, will you—” napatingin sa akin si Brittany. “continue this. I’m wtching.”

Si Brittany, siya rin ang aming class president. Noong hindi ko pa siya nalamangan sa huling test namin sa Math at History, pinapatahimik niya pa lahat at pinipigilan niya pa ang lahat sa pag aaway. Ginagampanan niya ng maayos noon ang pagiging presidente niya sa klase. Pero ngayon, ewan ko ba. Panig na siya sa pambubully sa akin. Hindi naman sa sinasabi kong naging friends kami, isa lang siya sa mga taong hindi ako pinapansin noon.

Ngumisi naman si Leah dahil sa nagaganap na nandito na rin pala. Alam niya na nagbago ang pananaw sa akin ni Brittany. Tinabihan ni Leah si Izzy. Naaalala ko tuloy noong kami pa ni Izzy ang laging magkasama noon.

But I have nothing to worry about, ‘cause I already have Julia with me. Ang ikinababahala ko lang, ay baka magaya siya sa akin.

“You still have time to change your mind, Julia. You know, that girl is definitely NOT worth to be with you,” sabi ni Tricia.

“Tara na Julia,” bulong ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan.

“Are you guys pathetic?” nilapitan ni Julia si Tricia ng naka cross arms, at paglapit niya, umayos siya ng tayo niya at hinila ni Julia ang kamay ni Tricia at hinawakan ito ng mahigpit. “REMEMBER THIS, I’m L’s BFF, don’t lay a finger on her or else, I’ll make all your lives a living hell and I’ll punish you more than what Satan can do!”

“Ouch! Bitawan mo nga ako!” sigaw ni Tricia pero mas hinigpitan pa ni Julia ang hawak niya dito. “Isusumbong kita sa tita kong terror teacher!”

Tumawa si Julia. “HAHAHAHA! Sige, isumbong mo ako. Anong magagawa ng tita mo? Tatakutin ako? Sumbungera ka lang eh,” sabi ni Julia na hindi parin binibitawan ang hawak kay Tricia.

Lumapit naman si Izzy at hinawakan din ang left hand ni Julia, “Bitawan mo ang kamay ng kaibigan ko.”

Nilapitan ko naman si Izzy at sinabing, “Bitawan mo ang kamay ng PINAKAMATALIK KONG KAIBIGAN. ‘Wag kang maki alam.”

Tila nagulat ang lahat si sinabi ko. Oo, tahimik akong tao pero kinikimkim ko parin ang sakit na ginawa niya sa akin. It’s been a year but the pain still didn’t vanish. It’s not that easy.

Tinitigan lang din ako ni Izzy, ako naman, tinignan siya ng masama at tinanggal ang pagkakahawak niya kay Julia.

“Julia, bitawan mo na si Tricia,” sabi ko.

“Tss.”

Binitawan naman kaagad ni Julia ang kamay ni Tricia. Si Tricia naman, hinawakan yung braso niya, alam kong nasaktan siya.

“Hoy ikaw,” sabi ni Julia kay Stacy. “Pulutin mo itong kalat mo.”

“What? I won’t, why should I?”

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon