Chapter 3 <BFF>

27 2 0
                                    

“WE OWN THIS SCHOOL, SO YOU ARE ALWAYS SAFE WITH ME. DON'T YOU RUN AGAIN!”

Kaya naman nandito kami ngayon sa isang coffee shop, isang coffee shop na nagseserve din ng mga street foods. At ang shop na ito, ay pagmamay-ari din pala nila which is managed by Julia’s eldest brother. Ang yaman lang niya.

Kasama din namin ni Julia yung kapatid niyang nabangga ko kanina, si Kuya Harvey Jacob, pero mas prefer niya daw na Kuya Harvey na lang ang itawag ko sa kanya. 3rd year college na pala siya at Civil Engineering ang course niya.

“L, masarap ba yung kwek kwek? Kain lang ng kain. Kumakain ka ba nito o mas gusto mo ang fish ball? Meron ding kikiam, kalamares, at—”

“Kinakain ko yan lahat. Pero busog pa ako.”

“Ahh, okay. But… maybe you are thirsty? Meron kaming coffee shake, frappe, milk teas, meron ding juice—”

Pinitik naman ni kuya niya yung noo niya, “Arayy!!!”

“Ang ingay mo, kung ginamit mo kaya ‘yang kadaldalan mo sa labas para mag endorse no? Tss.”

“Aray naman, ang sakit!” sabi niya at tinignan ako tsaka tumawa. “Sorry, L. Haha. So, what do you wanna do?”

“I want to go home.”

“No, you can’t,” sabi niya. “Di ka makakaalis hanggang hindi mo ine explain yung mga sinabi mo kanina. Ano ba kasi yun?”

“Kailangan ko nang umuwi. Hinahanap na ako ng parents ko,” pagpipilit ko sa kanya.

“Ihahatid ka naman namin eh,” sabi niya. “Please?”

I just sighed. Wala naman yata akong kawala dito kay Julia eh. Masyado siyang mapilit. Bahala na.

“Binu-bully ako sa school, okay? At ayokong idamay ka nila. You see, kahit isa sa school,” napatigil ako. “I mean, iisa lang sa school ang kaibigan ko,” yun ay si Chase na nakilala ko lang noong isang araw. “Kasi walang gustong madamay sa pambubully ng mga tao sa akin, ayaw nilang magaya sa akin. Yun lang yun kaya bukas, wag mo na akong kausapin.”

Yumuko ako. Nakakahiya sa kuya niya yung mga sinabi ko. Pero mas nakakahiya kay Julia.

“Eh baliw ka pala eh!” sabi niya sa akin at tumayo pa. Ako naman, nagulat sa ginawa niya. “Paano ka magkakaroon ng tagapagtanggol mo sa mga pambubully ng mga tao sa’yo kung itinataboy mo yung mga taong lumalapit sa’yo?”

“Ikaw lang ang katangi tanging lumapit sa akin. At hindi ko sila itinataboy, sila ang nagtataboy sa akin.”

Napatingin ako kay kuya Harvey na naka head phone na pala at tumatango tango pa. Mukhang di naman niya naririnig mga sinasabi namin ni Julia eh. Napatingin din sa kanya sa Julia at tinggal yung head phones niya.

“Hoy, kuya, lumipat ka nga ng upuan mo. Asar eh.” Umupo naman si Julia at nagpunas ng pawis. Si Kuya Harvey naman, umalis na at lumipat sa malayong upuan sa may sulok ng walang emosyon.

Hinawakan ni Julia ang palad ko. “L, please, let me be your friend. Ikaw lang naman kasi ang matinong tao sa mga kaklase natin. Kapag ako, naging kaibigan mo, ipagtatanggol kita, wala nang mambubully sa’yo at gagawa ng mga stupid pranks. Ako ang magiging angel mo, maliwanag?”

Then, may lalakeng nagti tip toe papunta sa amin. Noong napansin niyang nakatingin ako sa kanya, sinenyasan niya akong ‘wag akong maingay. Di ko lang pinansin.

“Hoy, L, are you even listening to—hey! Sino ito?”

Piniringan siya ng lalakeng nagti tip toe kanina, tapos si Julia eh tumayo na naman tapos kiniliti yung lalakeng nagpiring sa kanya. “HAHAHAHAHA!!!”

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon