Chapter 1 <The Chase>

52 3 1
                                    

Nandito ako ngayon sa sementeryo. Oo. Sementeryo. Sinindihan ko ng kandila ang puntod niya at nag alay ng mga bulaklak. Naiiyak ako. Hindi ko inaasahang ganun ang mangyayari sa kanya at sa akin. Siya ang nagbago ng buhay ko, nagpapasalamat ako. Gustuhin ko mang sundan siya, hindi maaari dahil masasayang lang ang kabutihang ginawa niya sa akin. Mas mabuti nang ganito na lang, mabuhay ako ng masaya dahil yun naman talaga ang gusto niya. Mabubuhay ako ng dala dala ang mga alaala. Mabubuhay ako ng may saysay para sa kanya.

 Ano nga ba talaga ang nangyari sa akin, sa amin? Tuwing inaalala ko, hindi ko mapigilang may mamuong luha sa mga mata ko. Pumatak na ang luha ko, pinunasan ko ito kaagad ang luha ko. At bigla, bumalik sa isipan ko kung paano kami nag umpisa. Kung paano ako… Nagkaroon muli ng pag-asa. Ang umpisa kung saan nagwakas ang lahat.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

4th year na ako. Second week na ng school year pero hindi parin ako pumapasok. Kung bakit? Natatakot ako. Hindi sa teachers, hindi sa assignments, hindi sa lessons, hindi dahil sa katamaran ko. Kundi, ito ay dahil sa mga tao sa campus, yung mga estudyante. Yung mga kaklase ko. Lahat sila. Binubully kasi ako.

“Elrie, papasok ka ba o hindi? Sabihin mo lang sa akin kung patitigilin na kita sa pag-aaral o hindi.”

“Ma, lilipat na lang ako ng school. Ayaw ko na doon!”

“Alam mo namang hindi pwede yan anak, ang dami dami na nating problema tapos idadagdag mo pa yan? Sabihin mo lang anak, may problema ka ba?”

Oo ma, may problema ako. Binu-bully ako. Sinasaktan nila ako. Kaso hindi mo pwedeng malaman.Hindi niya pwedeng malaman dahil mas ibu-bully pa nila ako.

Umiling iling lang ako. “Sige, maliligo na ako.” Nakita ko namang ngumiti si mama. Pero alam ko, sa likod ng ngiting iyon, may tinatago itong kalungkutan.

===

Pagpasok ko pa lang sa school, nagsitinginan na agad yung mga tao sa akin. Alam ko na ang iniisip nila. Nandyan na naman yung mga bulung-bulungan. Yung iba, tinatawanan ako kahit wala namang mali sa suot ko, wala naman talagang mali sa akin. Sila nga kung tutuusin ang may mali eh. Pero hindi ko lang pinapansin. Ang tagal na nilang ginagawa sa akin ito pero ewan ko kung bakit hindi ako nasasanay. Masakit kasi eh.

Kailan nga ba ako nag umpisang ma-bully? Simula noong nag away kami ng best friend ko noong 3rd year kami. Oo. Siya lang at yung boyfriend ko ng time na yun ang kakampi ko dati. Hindi pa naman ako binubully dati talaga. Kinaiinisan lang, puro lang pasalita ang pananakit na ginagawa nila, hindi physical.

Hindi ko din alam dati kung bakit ako kinaiinisan, pero may nagsabi sa akin noon na matatawag kong kaibigan na masyado daw akong mabait, mapagbigay, matalino, madaming talents at active sa mga activities. Dahil daw doon, naging “paepal” ang role ko sa buhay nila. Puro na lang daw ako. Ako. Ako. Ako. Ako. Ako. At wala nang iba kung hindi ako. Pero ang kaibigan kong nagsabi ng bagay na iyon, nagtransfer na, kaibigan ko siya noong first year pa. Pero pagtuntong namin ng 2nd year, lumipat siya ng paaralan.

Doon naman dumating sa buhay ko si Aiden, lagi niya akong pinagtatanggol sa mga nagmumumurang mga tao sa akin. Madali kaming naging close. Lagi na kaming magkasama. At syempre, hindi ko maiiwasang ma inlove sa kanya. Naging kami. Naging masaya kami. Sobra. Parang napakaperpekto ng relasyon namin.

Not until Izzy came. My ex-bestfriend. Noong nag 3rd year kami, na promote siya at napunta sa 1st section. Sinabi niya sa akin na matagal na daw niya akong gustong kaibiganin. She said a lot of sweet and honeyed words to me that made me think she’s a nice person. But no, habang tumatagal, napansin kong lumayo yung loob ni Aiden sa akin, so as Izzy. Then, nakita ko na lang sila one day sa bleachers ng school namin na naghahalikan sila. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama kay Izzy at Aiden kung paano nila ako naloko. Pero ito lang ang sinabi ni Aiden, “I never really loved you. I just thought of playing with you. But because you’re so boring and plain, I didn’t think I can enjoy playing the love game anymore ‘cause there’s no fun at all. I’m sorry Elrie. I’m in love with your best friend Izzy.”

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon