Chapter 2 <Gotta Run Away From Her>

37 3 3
                                    

“Leah, Izzy, nakuha ko na pala yung lampara kahapon,” sabi ko habang kumakain sila dito sa cafeteria.

“So?” sabi ni Leah.

“Saan nakatago yung Math at History book ko?”

“Actually, hindi pa namin alam. Itatanong muna namin sa boys. Now, just leave us alone. We’re eating.”

Nag start na akong kabahan. Mamayang hapon na ang test namin. At ngayong tanghali na lang ang natitirang time ko para mag review. Dapat kasi hindi na ako nagtiwala pang ipapaalam nila sa akin kung nasaan ang libro ko.

“Pero may deal tayo! Sabi ko sa kanila.”

“Eh ikaw ba naman kasi itong uto-uto!” sigaw sa akin ni Izzy.

Naluluha na naman ako. Kaya bago pa tuluyang tumulo ang luha ko, umalis na ako sa cafeteria at tumakbo papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagtiwala sa kanila. Hindi na ako nasanay sa mga ugali nila. Lalo na si Izzy.Yung oras na dapat ay kumakain ako, nagpunta na lang ako sa isang lugar kung saan walang tao. At least, doon, walang manga away sa akin.

Pumasok ako sa lumang building. Since lunch time pa lang naman, dito muna ako mago-stay. Pumunta ako sa 2nd floor. Ang pakiramdam noong una akong pumunta dito, ganun parin ang nararamdaman ko. Malamig, kakaiba ang simoy ng hangin. Kakaiba ang aura.

Hindi ko alam pero simula kahapon, para bang may nagsasabi sa akin na bumalik ako dito. Ano nga ba ang dahilan? Siguro iyon ay dahil sa napakamisteryoso niya. Oo, siya nga, si Chase. Gusto ko pa siyang kilalanin ng lubusan. Bukod sa tinulungan niya ako kahapon, parang may kakaiba sa kanyang hindi ko maipaliwanag. Siya lang kasi yung katangi-tanging taong hindi nagdalawang isip na tulungan ako. Hindi niya ako pinagkatuwaan, parang hindi niya nga din ako kilala eh. Well, hindi naman talaga. Pero sikat kasi ako diba? Sikat dahil sa pambubully ng mga tao sa akin.

Lumakad ako sa corridor. Ang daming agiw, ang daming basura sa gilid. Tila natatakot din ang mga janitor na maglinis dito kaya ganito. Habang naglalakad ako, may napansin akong bukas na pintuan. Bakit may bukas na pintuan dito? Wala namang pumupuntang estudyante o teachers dito diba? Kaya naman sumilip ako, at napansin kong library pala ito. Pumasok ako at pumunta sa shelves. May mga libro dito. Actually, madami. Pero lahat luma na, halata naman dahil napaka brittle na ng mga pages at nag fade na ang kulay. Halos lahat kulay brown na.

Sakto! Nawawala pala ang mga libro ko. Kaya agad agad akong humanap ng librong kakailanganin ko para makapagreview na ako kaagad. Dito na rin ako magrereview dahil tahimik naman at walang gugulo sa akin.

Habang naghahanap ako ng mga libro, biglang may nagsilaglagang mga books kaya naman agad ko itong pinulot. Nakapagtataka, hindi ko naman ito ginalaw pero… bigla na algn nahulog. Ibabalik ko na sana ang mga libro. Pero noong ibabalik ko na ito, bigla kong nakita ang mukha ng isang lalake mula sa pinanggalingan ng mga libro. Mukhang siya din ay nagulat.

“Chase?”

Nginitian niya lang ako at umalis mula doon. Umikot siya at pumunta sa tabi ko. “Ako ang nakahulog ng mga librong iyan. Anong ginagawa mo dito?”

“A-Ano… naghahanap lang ako ng mga librong pwede kong I review para sa test namin mamaya.”

“May bago namang library ha?”

“H-Ha? A-Ano kasi, actually, dinala lang ako ng paa ko dito. May tinatakasan lang. Tapos nakita kong bukas itong pintuan ng kwartong ito tapos library pala ito. Kaya humanap ako ng mga libro ng Math at History para magreview. Itinago kasi ng mga kaklase ko yung libro ko.”

Tumango tango lang siya at pumunta ulit sa shelf. Bumalik siyang may dala dalang libro. Binigay niya ito sa akin.

“Oh, eto,” sabi niya at inabot ito sa akin.

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon