CHAPTER FOUR

4 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

  Nagising nalang siya sa yugyug ng kanyang ina. Nakakapagtaka kung bakit siya ginising nito.Ibinilin niya rito kagabi na huwag siyang gisingin ng maaga dahil gusto niyang bumawi sa lahat ng puyat na kanyang tinamo sa pag-aaral. Semestral break nila ngayon kaya okay lang kung matulog siya ng matulog buong araw. Nilingon niya ang alarm clock na nasa gilid ng kanyang kama. 7:10 in the morning pa lang naman

  "Ma, di ba sinabi ko po kagabi na huwag niyo po akong gisingin ng maaga."

"Hindi nga. Eh kaso maagang pumunta dito si Jake para sunduin ka. Kaya kung ako sa iyo ay bumangon ka na diyan. Nakakahiya naman doon sa tao kung paghihintayin mo pa." Pagkarinig sa pangalan ng lalaki ay dali dali siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na siya at hinarap ang lalaki. Nginitian niya ito.

"Jake, pasensiya ka na ha kung pinaghintay kita."

"It's okay Annie. Sa katunayan ako ang dapat humihingi ng pasensiya dahil naistorbo ko ang pagtulog mo."

"Wala yun Jake. Bakit ka nga pala naparito?."

"Iimbitahin sana kitang mag-lunch together with my family sa bahay. Kung okay lang sa'yo."

"Bakit naman hindi?.. Sige, game ako diyan," sagot niya at ngumiti ng pagkatamis tamis. "This is it Annie." she said silently. "Okay lang ba kung isama natin si Bella?" tanong niya.

"Sure Annie. No problem. Mas maganda nga yun eh. Para naman mas ma-enjoy ng kaibigan mo ang lugar natin. I've heard na bago lang siya dito kaya samahan na rin  nating maglibot."

"Alam mo, may point ka." pag-sang-ayon niya rito. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ina ay tinahak na nila ang daan patungo sa  bahay ng kaibigan niyan si Bella.

  Nakailang pindot na sila sa door bell ay hindi pa rin sila pinagbuksan ng pinto. Sigurado siyang natutulog pa ito sa mga oras na iyon. Naiintindihan niya ang kaibigan. Di hamak na mas marami ang pagod nito sa school kaysa sa kanya ngunit hindi niya rin maiwasang makaramdam ng hiya kay Jake. Siya pa naman ang nag-presenta na isama si Bella sa bahay nito. Lihim nalang siyang nagdarasal na sana ay magising na ang kaibigan. Dumaan ang ilang minuto ay dininig ng langit ang kanyang panalangin. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang babae. Halatang kagigising lang nito dahil nakapikit pa.

"Good morning," bati ni Jake sa kaibigan.

"Hi Bella. Good morning," bati niya rin dito.

"Oh kayo pala. Come in," anyaya nito sa kanila. "So what brought you here?" pagkaraay tanong sa kanila. Tumingin siya kay Jake at mukhang naintindihan naman siya nito kaya ito na ang nagsalita.

"We're here to invite you to have lunch in the house."

"Pumayag ka na Bella. Magtatampo talaga ako sa'yo kung tatanggihan mo si Jake. Paminsan-minsan lang naman 'to kaya pumayag ka na."

"I'm sorry Annie but I can't."

"Ano? Bakit?."bagsak ang braso niya sa sinabi ng dalaga.

"I have important things to do today that's why. I'm really sorry. Babawi nalang ako next time."

"Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas yan Bella?."

"No really, it's very important".

"Bella please," pagsusumamo niya.

"Pumayag ka na Bella. Tutulungan kita sa mga importanteng bagay na gagawin mo. Kaya sumama ka na." sabat ni Jake.

"Narinig mo iyon? Kaya sumama ka na Bella."

  Sa huli ay napapayag na rin nila ito. Sumimangot pa nga dahil pakiramdam nito ay pinagkaisahan nila ito. Kumain muna sila ng agahan bago magtungo sa Rancho Del Diosa. Pasado alas onse na sila nakarating sa tahanan ng mga Del Diosa. May katagalan din kasi sila sa bahay ng kaibigan. Pagpasok pa lang nila sa mansion ay halatang mamahalin lahat ng mga gamit at pati ang sahig ay gawa sa marmol. Lulang-lula siya sa lahat ng mga bagay na nakikita niya mapalabas man o mapaloob. Kalahati ng lupain sa bayan ng Esperanza ay pagmamay-ari ng mga Del Diosa. Napakalawak ng mga lupain nila dito at sa pagkakaalam niya ay may cooking oil factory ito sa bayan. Ganun kayaman ang pamilyang Del Diosa. Kung magiging asawa niya si Jake ay siguradong magbubuhay prinsesa siya. Hindi niya mapigilang matawa sa kanyang mga iniisip.Hindi niya tuloy napansin ang paglapit sa kanila ni ginang Del Diosa.

       "Annie, Mrs.Del Diosa is talking to you," bulong sa kanya ni Bella.

"Magandang araw po. Ako nga po pala si Annie Mendoza," pagpapakilala niya sa ina ng kanyang iniirog.

"Magandang araw din sa'yo Annie" ganting bati nito sa kanya na may ngiti. "Natutuwa ako at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon ija. Pero mas lubos akong natutuwa dahil isinama mo ang iyong napakagandang kaibigan. Salamat ija, Both of you are so lovely."

"Walang anuman po Mrs. Del Diosa."

"Naku Mama, ayaw pa sanang sumama ni Bella. Buti na nga lang at napilit namin," sabat ni Jake. Ibinaling ni Mrs.Del Diosa ang atensyon nito sa kanyang kaibigan.

"Really ijo?, porque?."

"May mga importante daw po siyang gagawin sa araw na ito Ma."

"Lo siento ija, naabala pa tuloy kita."

"Oh, you dont have to be sorry tita. It's really okay."

"¿Esta seguro?."

" Si Señora," narinig niyang sagot ni Bella sa ginang. Wala man lang siyang naintindihan sa pinag-usapan ng dalawa.

"Bueno, tumuloy na tayo sa hapag. I'm pretty sure that everyone is waiting for us."

    Nang makarating sa hapag kainan ay agad silang binati ni Don Rodolfo, ang padre de pamilia ng mga Del Diosa. Tumingin ito sa kanilang dalawa.

"¿Como estas señoritas?" wika nito sa kanila. Anong ibig sabihin nun? lihim niyang tanong sa kanyang sarili.

"Muy bien Señor." narinig niyang tugon ni Bella sa Don.

"Halata sa iyo ang dugong banyaga ija."

"Hindi nakakagulat yan Rodolfo. Kumain ka nalang diyan." sabat naman ng may bahay.

"Oh Bella, you're here." --pagpuna ni Edward na kakaupo palang sa hapag.

"Obviously"..-- Bella replied.

"Thanks a lot dahil sumama ka. That means i dont have to deal with the witch all day" Edward smirked while looking at me. I could'nt help myself but to glare at him. Edward Del Diosa was really such a cunt!!!!

"Edward stop, I didn't teach you to treat girls like that!." yelled the man who was sitting in the other side of the table. He got her attention.She was staring at him for a while, then she realized that Edward and these man were quite look a like, super look alike. He was tanned like Jake while Edward had a quite fair complexion.

"Oohps.. sorry Father"... Edward apologized without sincerity. I could not believe that he treated his father that way.What a jerk he was really. He was making me sick. But oohps.. was he really Edward's father? Wow.. He was so young and so hunky to be the jerk's father.

"I'm sorry young lady sa inasal ng anak ko." this time he was facing at me.

"Ok lang ho. Sanay na ho ako.".. sagot ko naman.

"By the way I'm Lazaro Del Diosa, Edward's father.." pagpapakilala nito sa kanila.

"Ako naman ho si Annie Mendoza at ito ho si Bella Hermosa ang matalik ko hong kaibigan."..

"Nice to meet you young ladies. You two are gorgeous."

"I agree that Bella is gorgeous pero ang isa diyan.. I doubt it." bulong ni Edward as if di namin siya narinig sabay pailing-iling ng kanyang ulo. Kumulo na naman ang dugo niya sa hinayupak na gonggong!

"At ano ang tingin mo sa sarili mo? Gwapo? I doubt it." pagtataray naman niya.

"Annie, Annie, Annie.. Alam naman nating lahat na maraming kababaihan ang nagkakandarapa sa aking KAGWAPOHAN. Aminin mo na kasi."..

"In your wild dreams." nagpapatuloy silang ganun hanggang sa napuna niya na ang lahat ay nanunuod lang sa kanilang nagbabangayan sa isa't isa. Hindi niya tuloy maiwasang mahiya. Tumihik na lamang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Tila naramdaman naman yun ni Edward kaya tumahimik na lang din siya.

THE MORE I HATE YOU, THE MORE I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon