Chapter # 3

30 3 3
                                    

  **Canteen **

Pagbaba namin marami naman na ang mga tao dito at halata mo talaga sa mga studyante na mayayaman sila sa  buhoy at mangangatawan pa lang lahat na eh. Tumingin naman ako sa babaeng nasa kanan ko walang iba kundi si rose nakakatawa talaga sya   di nya mapigilan ang pagngiti nya kasi kakain na naman sya. Tinignan ko naman si stefhane tahimik na naman sya lagi naman, pero pag may katuwaan na nagaganap di yan nagpapahuli sya pa ang pinaka maingay.

"Rose tumigil kana nga bibili na tayo ng pagkain eh para ka paring bata dyan" sabi ni stefhane

" Eh bakit ba inaano ka ba dyan?" Sabi ni rose na parang batang inaaway ng ate nya.

Agad akong bumili ng hamburger na paborito ni rose at inabot ko sa kanya.

"Oh yan na ang hamburger mo tumigil na kayo" pakunwareng galit na sabi ko pero di ko talaga mabigilang tumawa kasi  mas matulis pa ang nguso ni rose kaysa sa kusilyo .

"Doon tayo umupo dali baka maunahan pa tayo" sabi ni stefhane

"Hali ka na rose" aya ko kay rose

"Okay" sabi nya habang nakapout

"Itigil mo na nga yang kaartihan mo hali ka na" sabi ko sabay hatak sa kanya

"Lagi nyo na lang akong inaaway" patampong sabi ni rose

"Di ka naman namin iaaway pinapatigil ka lang namin" paliwanag ni stefhane

"Sorry na magandang rose" panunuyo ko kay rose

"Sge na nga bati na tayo" sabi ni rose sabay ngiti

"Hahaha ikaw talaga kahit kailan para kang bata" sabi ni stefhane

"Wow parang kayo hindi ah"sabi ni rose

"Tama na nga yan" sabi ko

Kahit kailan talaga  isip bata tong si rose pero kahit ganyan sya mahal namin sya.

Naupo na kami ni rose dahil bumibili pa si stefhane ng kakainin naman ng biglang may pumalo sa lamesa na kung saan kami nakapwesto nagulat ako sa bwesit na lalaking to.

"ANO BANG PROBLEMA MO HUH!?" sigaw ko sa lalaking pumalo sa lamesa namin.

"WAG MOKONG SISIGAWAN!, alam mo miss pwesto kasi namin to kaya umalis na kayo!" Sigaw nya sakin

"SINISIGAWAN MO RIN KAYA AKO!" gante ko doon sa lalake

"KAMI  KAYA NAUNA DITO" singit ni rose

Nagmamadali naman si stefhane na lumapit sa amin para mapagtanggol kami sa bwesit na lalaking to.

"Huy!  Ano bang trip nyo huh wala naman kaming ginagawa sa inyo!" sabi ni stefhane at ibinaba ang pagkain na dala nya.

"Wag ka nga makialam dito pwesto naman to kaya may karapatan kami na palisin kayo!"pagmamatigas nung lalaki

Nainis ako kasi sinisigawan nya ang mga kaibigan ko at pati nadin ako.

"Bwesit kang lalaki ang pangit mo na nga ang pangit pa ng ugali mo!"sigaw ko sa kanya

"Aba lalaban ka hah!?" Sabi nung lalaki

Sa subrang inis ng lalaki sakin sa tingin nya palang gusto nya nakong sampalin,itataas palang ng lalaki ang kamay nya ng bigla syang sinipa ni stefhane.

Stefhane's Pov

    Nakakainis na tong lalaking to kala mo naman mawawalan ng lamesa hay nako pati ba naman lamesa ipaglalaban nya pa. Nakita kong akmang sasampalin ng lalaki si amara kaya sinipa ko sya sa ulo ayun sapol sya hahah.

Tumingin sakin si amara dahil sa ginawa ko tinanguan ko sya at alam na nya ang ibigsabihin non.

"Amara!" Sigaw ko kaya naalerto si amara bigla na lang nya sinuntok yung lalaking susugod sa kanya

Tumakbo si rose doon sa isang lalaki at sinipa nya ito sa uhmm alam nyo na dinagdagan pa nya ng sampal sa mukha. Hahah  nakakatawa yung mukha nung lalaki. Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang may simigaw.

"BAILEY!" sigaw ng kuya ni Amara

Napasapo na lang ako sa ulo ko, nako lagot kami sa kuya ni amara.

Amara's Pov

   Nagulat ako kasi may sumigaw ng pangalan ko at lahat ng tao na nakapaligid sa amin ay napatingin din sa kanya.

"BAILEY!" sigaw ni kuya

Nako lagot ako nito kabago bago ko lang tapos ganto na ang nangyari.

"Anong yayari dito, bakit nyo inaaway yung kapatid ko!?" Tanong ni kuya sa mga lalaking naggulo samin

Di makapagsalita ang mga lalaking naggulo samin dahil iniinda pa nila ang sakit ng kanilang katawan.

"K-kuya.." mahinang sabi ko natatakot ako baka kung anong gawin ni kuya

"Bailey bakit ka nakikipagaway?" Tanong ni kuya sakin

"Eh kasi kuya nanggugulo sila, nakaupo lang kami dito ng bigla nila kaming guluhin" mahinang pagpapaliwanag ko

"Kayo umalis na kayo dito baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo!, at ikaw bailey maguusap tayo mamaya" sabi ni kuya

Agad agad nagsitayo at tumakbo yung mga lalaking nakakabwesit. Sila kasi eh yan tuloy mapapagalitan pako ni kuya lagot talaga ako nito.


*Salamat sa pagbabasa ng aking story,
Don't forget to vote and comment, yan na mga bessy may ud na nakabawi nako huh😂😂

                                               -Author 😘

ACCIDENTALLY Inlove with a BadBoy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon