BONUS CHAPTER PART THREE

9.5K 117 9
                                    

DAHLIA’s POV

 

Ang boplaks naman nitong kanong pandak na ito. Paulit ulit nalang kami sa mga furnitures dito sa bahay hindi parin matandaan.

“oh ano to?” turo ko sa lababo. Pag ito hindi parin masasagot ng tama, dadagukan ko na to!! Aba!! Ang usapan lang namin 1000 per hour dalawang oras na ata kami dito.

“psh!! Sink!!” pigilan niyo ko!! pigilan niyo ko!! sabi kong kapag tagalog ang tanong tagalog ang sagot eh.

“oh alam ko sink yan, ano sa tagalog?” napaisip ang loko. Pigilan niyo ako... waaaaahhh!!!

“uhmmm... uhmmm... la-lababow?”

*DUGDUG*

*DUGDUG*

*DUGDUG*

Waaaahhh!! *gulp* bakit.. hindi joke lang yun, hindi ko iniisip na cute siya.. kasi eh!! Oo na alam ko nang gwapo siya wag na ipaalam sa akin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pumunta sa lamesa.

“haist... ang hirap mo turuan. Suko na ako sayo. Ok lang kahit hindi ka na bumalik sa susunod.” Nilahad ko yung kamay ko.

“what’s that?” tinignan ko siya. A cold, deadly stare.

“bayad mo. Ano sa tingin mo may libre pa sa mundo?” bigla siyang dumukot sa wallet niya.

“here.” Nanlaki ang mata ko sa inabot niya.. biruin niyo, 5k?!

“bakit 5k kaagad??” tinitigan lang niya ako.

“psh... two thousand for today, then the remaining is an advance payment for tomorrow.” Tapos iniwan na niya ak.. waaaahhh!!! Yes!!!! May pandagdag na ako sa pambayad ko dito sa bahay.. wahehehehe.. galante naman pala eh.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon