CHAPTER 11- MY SECRET CRUSH

13.9K 253 47
                                    

waaahhh!! dahil tuwang tuwa ako sa inyo.. here's your update. alam ko hindi niyo nagustuhan ang last update ko kaya babawi ako sa inyo ngayon XD... ITO NA PO :)) comments please :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 11- MY SECRET CRUSH

AUTUMN’S POV

 

Pagkadating namin sa bahay, walang tao. Nagkatinginan kami ni kuya. Dahil halos maghahapunan na ay wala pa sila. Ang alam namin, si aling ising nasa kamag anak niya ngayon dahil may sakit daw ang pamangkin niya.

“akyat muna ako sa kwarto autumn.” Pumanik na si kuya sa kwarto. Malamang matutulog yun kasi puyat na puyat. Kanina pa nga naghihihikab habang pauwi  kami eh.

Nakita kong may note na iniwan sila nanay sa ref. Binasa ko ito.

Mga anak,

Gabi na kami makakauwi ng tatay niyo. May pinuntahan lang kami para business natin. Kayo na ang bahala diyan dalawang araw din kami dito.

 

Nanay

“KU-“ sisigaw sana ako pero naalala ko na baka nagpapahinga yun. Dahan dahan akong pumanik sa hagdan at sinilip siya sa kwarto. Napangiti ako sa nakita ko. tama nga ako...

My kuya is sleeping like an innocent angel. Pagod na pagod na siya at hindi na niya nagawang magbihis pa. Unti unti pa akong lumapit sa kanya at napatitig sa mukha niya. Nakadapa siya at medyo nakatingin sa side ko. umupo ako at hinawakan ang mukha niya. I trace his nose line. Then i touched his eyelashes na napakahaba. Suddenly napatingin ako sa mapupula niyang labi. Bigla tuloy pumasok sa isip ko kung nahalikan na ba ni summer ang labi ni kuya.

Medyo sumakit at kumirot ang puso ko sa naisip ko. napabuntong hininga nalang ako. Kinuha ko ang kumot at kinumutan siya. Bago ako umalis, tinignan ko ulit siya.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita kong malapit na pala mag six. Im sure, gutom si kuya pagkagising niya. So nakaisip si magandang autumn madison tolentino ramirez ng isang brilliant idea.

Pumunta ako ng kusina at nagstart na magluto.

WINTER’S POV

Sobrang pagod na ako. Puyat ako sa nakaraang new years ball at nagprepare pa ako para sa birthday gift ng girlfriend ko. nahiga na ako sa kama nang hindi nagpapalit.

Then.... i had a dream

 

Nakatayo ako sa dulo ng aisle. Im the groom. I was waiting for my bride. Natapos na ang lahat ng primary sponsors pati na ang mga abay. My bride is walking down the aisle. Nakita kong masama ang tingin ni nanay at tatay sa akin. Nakaupo sila first pew at hindi talaga maipinta ang mukha nila. Ako naman, para bang alam ko kung ano ang kinasasama ng loob nila. I feel guilt inside me. Tapos napansin kong naglalagad na sa aisle ang bride ko.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon