CHAPTER 19- IM INLOVE WITH MY BROTHER

14.2K 193 49
                                    

sa dulo ang Author's note

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 19- IM INLOVE WITH MY BROTHER

 

AUTUMN’s POV

 

Pagkatapos ng isang nakapanlulumong balita, ginising ko na si kuya at pinakita sa kanya ang passport ko. napayakap nalang siya sa akin.

“kuya, sumama ka nalang kaya?” yung ang tanong ko sa kanya. Napahilamos siya sa mukha niya. Ayoko nang mawalay pa kay kuya. Hindi ko na kaya.

“kung pwede lang autumn. Kung pwede lang.” Hinawakan niya ang mukha ko.

“tandaan mo to chubs, mahal na mahal kita. Kahit na anong mangyari, ikaw lang ang laman nito.” Nilagay niya ang kanang kamay ko sa dibdib niya. Kahit na nakakapanlumo ang balitang bumungad sa amin ngayong umaga, hindi parin mawala ang pagpapakilig ni kuya sa akin.

“winter, autumn. Maligo na kayo. Magsisimba pa tayo.” Narinig namin si nanay na tumatawag mula sa labas.

“sabay tayo.” Narinig kong bulong ni kuya. Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo sa mukha ko. humarap ako sa kanya at napayuko. Suot suot na naman kasi niya ang napakapilya niyang ngiti.

“hahahahahahaha.... nakakatuwa ang itsura mo chubs... epic!!... hahahahaha... maligo ka na nga!!” bigla niyang binato sa mukha ko ang towel ko. nagpout ako sa harap niya. Bigla na naman niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko and give me a peck on my lips.

Pinagtulakan niya ako palabas ng pinto. Napatakbo ako papuntang banyo at naligo.

***

Maraming tao sa simbahan. Nakita rin namin si summer at heaven sa simbahan. Nagtabi tabi kaming sa upuan at nung ama namin na, ito na ang simpleng holding hands namin ni kuya. Pareho kaming napapangiti sa ginagawa namin.

“bat ka tumatawa babe?” napalingon ako kay heaven. Kelan pa naging babe ang tawagan namin?!

“babe ka diyan?? Kelan pa??” napakamot siya sa ulo niya.

“ahhh... ehhh di ko ba nasabi sayo... kasi anoo... babe ang tawag ko sayo kasi babe na ang tawag natin dun sa binigay ko sayong stuff toy.” Naramdaman ko ang pagsundot sundot ni kuya sa gilid ko. ang sama na naman ng tingin sa akin.

Pagkatapos ng misa, naglabasan na ang lahat. Nauna na ring umuwi si heaven at summer sa amin. Kaugalian na kasi namin na umattend ng last mass ng umaga at magkumpisal pagkatapos.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon