CHAPTER 26- HOME SWEET HOME

12.1K 176 42
                                    

AUTUMN’s POV

 

Sinara ko na ang maleta ko. i stand up from my bed and looked inside my room. Sa loob ng anim na taon, itong mga walls nato ang nakakita ng lahat lahat. Ang iyak, tawa, lungkot at lahat ng emosyon ko na hindi ko mailabas sa iba. Kung nakakapagsalita lang to, malamang nabunyag na lahat ng sikreto ko.

Binuksan ko ang side table drawer ko para kung may mga nakalimutan pa akong mga gamit. Bukas babalik na kami sa pilipinas. Halo halo ang nararamdaman kong emosyon. Excited, natutuwa, natatakot, naiilang. Hindi ko alam. MIXED EMOTIONS NGA EE >.<

Sinimulan kong buksan mula sa second drawer, then sa first drawer. Bigla kong napansin ang isang maliit na box sa first drawer. Hindi ko alam kung ano yun kaya kinuha ko. biglang may parang kumurot sa puso ko nung binuksan ko yun. Nandun ko pala nailagay ang kwintas na binigay ni kuya sa akin.

“nandito pala to.” Bigla kong nasabi sa sarili ko. ewan ko kung anong nangyayari sa akin.  Bigla na naman kasing pumasok sa isip ko si kuya at ang mga sinabi niya sa akin. INFINITY, FOREVER. Do these words really exist? Sabi nga diba sa isang kanta, ‘forever is just a word’. ISANG SALITA. MAHABA, PERO WALANG NAKAKAALAM KUNG NAG EEXIST BA TALAGA. Finlip ko patalikod ang pendant at nakita kong may nakaengrave doon.

‘PANGS <3 CHUB’ ang nakalagay tapos naka loop doon ang ‘chubs <3 pangs’ sa magkabilang gilid, nakalagay ang ‘4ever’ napailing nalang ako at binalik ang kwintas sa box. It’s time to give it back.

*TOK*

*TOK*

I heard a knock kaya lumingon ako sa likod ko at nakita kong sumilip si heaven. Sinenyasan ko siyang pumasok kaya nagtuloy tuloy siya. I felt him hugging me from  my back.

“babe, kain na daw tayo sa baba sabi ni tito russell mo.” Nilagay ko ang box sa side table ko at hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong niyakap niya rin ako.

“thank you.” Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. Nakita kong parang nagtataka ang mukha niya.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon