Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Jhanna POV
Time Check
4:30 pm
*SPLASH*
Walangya! Saang gyera naman ba sumabak ang isang to, pagkadumi dumi eh! Metro Manila naman dito, bakit naman punong puno ng putik ang gulong ng isang toh?
*Jhanna's Working Schedule*
Mon-Wens = Gasoline 4:00pm to 12 am
Thu-Sat = Car Wash 4:00pm to 7:00pm
Kaya nga wala na rin akong masyadong oras sa ibang bagay pero titigil na rin naman ako pagnakagradute si Kuya.
*Sigh*
Nakakapagod /(- 3-)/ Why Life,why are you so unfair to me? Why only me? Why not my Engleserong setmet? why? Oh dba engles nahahawa lang ako sa setmet ko na engleserong Maalat ang Apog.
Hahaha naalala ko tuloy ang mukha niya kahapon pigil na pigil sumugod eh pero swerte naman ako at hindi siya nananakit ng babae kahit naman sabihin natin na may angas ako eh eh kapag labanan na talaga may posibilidad din akong matalo dahil babae pa din ako tapos gwapo pa pupuntirya sayo edi mauuna pa akong mangisay hehehe.
Shhh wag kayong maingay ah pero grabe talaga mga dude pagkayo nasa kalagayan ko at nasasaksihan nyo ang mukha ni Kimchi face to face, ay nakow! Pagkagwapo gwapong lalake eh! hahaha ansama nga lang ugali 'nun akala mo pinaglihi ng nanay niya sa galit at pighati eh.
~Bob the builder! we can fix it,Bob the builder here we go!~ hahaha Nasa bahay na kaya si Jinna?
*Beep Beep*
"Ay butiki!!" Ano ba yang sasakyan na yan! (=...................=)
"Oh look who's here, The Sadist Megaphone *insert ngiting aso*" Oh si Ewan ko kung Sino, at wala akong pake ~(> 3<)~ Taray talaga nito dinudugo na naman ilong ko.
"Oh look who's here too, Si Engleserong Seatmate tsk tsk anung sinumpang hangin naman ang tumangay sayo dito aber?" Nakapamewang kong tanong ang angas ng datingan eh nakashades pa tch paniguradong naghahakot lang toh ng chicks tsk tsk mga lalaki nga naman.
"Don't be stupid,This is a Car Wash and my car needs to be clean bilisan mo"
(=___=)
(—Π–) Ano siya hari? Utot ng lelang niya.
"Can you stop talking cuz its really like Omygosh nasa pilipinas ka magtagalog ka naman dude, at isa pa maghintay ka dyan dahil may nililinis pa ako" 'Kala mo kung sino ibuhos ko kaya tong timba sa nagkikintaban mong black shoes tch.
"Tch. K" Hmp! suplado talaga hahahaha parang bakla daming arte. Inayos ko nalang ang sumbrero ko at patuloy sa paglilinis Sinilip silip ko namn sya at ayun nakatayo lang at nakatitig sakin. Totoo, nakatitig talaga sakin hahaha.