Cohen's POV
"Ayaw mo magbreak?" tanong ni Jao sakin. Umiling lang ako bilang sagot at tinutukan ang kaharap ko.
"Hindi aalis yang laptop mo, halikana" yaya ni Goon.
"Ayoko sabi. Umalis na nga kayo! Tsk"
"Sabi mo eh,"
"Hoy! Jao! Libre moko ng burger! Talo ka nung nakaraang araw sa 1v1 ah!" sigaw ko kay Jao habang nakatutok sa laptop ko.
"Last week pa yun!"
"Gago! Puputulin ko wi-fi ko paghindi moko elibre!" narinig ko nalang na tumawa sila. Tssk. Kung saan kasi final na dun pa madaming pinapagawa! Letche!
"Cohen,"
Napalingon ako sa nagsalita. Ah! It's Jia.
"Wala dito si Jao," at hindi sya pinansin.
"Hindi naman si Jao pinunta ko dito eh," sabi nito at umupo sa tabi ko. Hays. Na naman? Tssk
"Busy ako,"
"Tulungan kita gusto mo?" alok nito.
"No, I'm okay," I insist.
"Nagugutom ka?"
Hays ang ingay.
"No," yamot kong sagot.
"Baka nagugu-"
Tumayo ako at doon ko lang napagtanto na naiwan pala si Beom. At ang gago kumakain na pala habang naglalaro.
"Oy beom!" sabay alog sa upuan nya. Pero ang gago tinitigan lang ako.
"Tara kain tayo," yaya ko sa kanya. Pero ang letche hindi ako pinansin.
"Hoy! Beom! Sabi ko kain tayo!" sigaw ko.
"Kumakain ako," tipid nyang sagot at hindi tumitingin sakin. Tangina pag ito kasama ko buong araw, naku! Magkukulong nalang ako sa kwarto. Panis na ata laway ng mukong nato eh tssk. Makaalis na nga.
"Coh-"
Napatigil ako sa paglalakad. Sinundan pala ako ni Jia.
"Cohen, ano-"
"Stop,"
"What?"
"I said stop," at hinarap sya.
"I don't under-"
Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng balikat nya.
"I SAID STOP NAGGING ME!" nakita kong biglang umiba yung reaksyon nya. Hays buhay. Pasalamat ako na walang masyadong tao sa parte nato kaya walang may makakarinig samin.
"I am so-"
"Hays Jia. Just stop okay? You don't deserve me and there's someone who deserves you," at umalis nako. Ayokong makasakit ng babae, lalo na kambal ni Jao yun, pero ayokong paasahin sya. Ginulo ko yung buhok ko. Buhay is Life. Tangina. Spelling palang ng Buhay at Life poproblemahin muna ang buhay mo pa kaya? Tssk.
"Jao!" sigaw ko nung Makita ko sila.
"Wala akong pera!"
"Gago! Baka suntukin moko bukas pagnalaman mo kung ano na naman ginawa ko sa kambal mo," sabay upo paharap sa kanila.
"Oh, bakit? Ano na naman nangyari?" si Goon. Napatingin ako kay Jao. Gago din kasi minsan to eh. Magugulat ka nalang na mapapahalik ka na sa kamao nya. Pero okay lang samin yun. Di na bago.
"Sinigawan ko sya," kampante kong sagot at kumuha ng ice tea kay Goon. Pagtingin ko kay Jao just like *Bogshhh!* Tangina. Sabi ko na ata eh. Kampante lang na kumakain si Goon. Di kasi bago sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's My Alien
Teen FictionIsang gabi ay merong balitang may lalanding na unknown object sa earth. Sa paglanding na yun ay merong lumabas na babae, na nakita ng isang nagngangalang Cohen. Ano kaya ang magiging buhay ng isang babaeng alien sa mundo ng mga tao at sa buhay ni Co...