Cohen POVPasalamat ako kasi wala kaming pasok ngayon at maalagaan ko'tong alien nato .-.
Habang kumakain sya ay tinitigan ko lang sya.
Actually ....
//Flashback//
Tinitigan ko sya habang nakatingin din sya sa pagkain.
Siguro mga almost a minute na yung titigan naming tatlo. Bakit tatlo? Syempre ako, si alien at syempre ang pagkain ._.
"Hee, kain na,"
Pero hindi nya ako sinagot at tinitigan lang. Nakita ko pa yung paglunok nya ng laway ._. Ganito ba talaga yung alien?
Sa sobrang inis at dahil nagugutom nako ay kumuha ako ng tinidor at kumuha ng isang hotdog at nilagay sa pinggan nya.
"Kain na,"
Pero parang wala syang narinig at tanging tinitigan nya lang yung hotdog.
Kinuha ko yung hotdog at itinutok sa kanya.
"Aahhh?" Ani ko sabay buka ng bibig ko para makaintindi sya at salamat naman at nakuha nya.
Binuka nya yung bibig nya at sinubo ko sa kanya pero hindi nya kinakagat =_= wtf?
Nag-acting ako na kumakagat at kumagat naman sya at syempre nag-acting din akong ngumuya at lumunok dahil paghindi ikukulong nya lang dun sa bibig nya yung kinagatan nyang hotdog -_-
Nangnilunok nya ay bakit parang umiba yung kulay ng balat nya.
Kulay pula...
Eh?
Kulay pula?!?
"Hoy, okay ka lang?"
Hindi parin sya sumasagot kaya binigyan ko sya ng tubig.
Ininom nya naman kaagad at bumalik na yung kulay nya.
"Magandaa.." Pabulong na sabi nya.
Maganda?.
"Ah oo. Maganda talaga lasa nyan,"
//end of Flashback//
At yun yung dahilan kung bakit nawalan ako ng hotdog ._.
BINABASA MO ANG
She's My Alien
Teen FictionIsang gabi ay merong balitang may lalanding na unknown object sa earth. Sa paglanding na yun ay merong lumabas na babae, na nakita ng isang nagngangalang Cohen. Ano kaya ang magiging buhay ng isang babaeng alien sa mundo ng mga tao at sa buhay ni Co...