Chapter VII: My Alien's background

7 0 0
                                    

Cohen POV

 Dinala namin si Alien sa registrar office para ipa-enroll. Ang problema nga lang wala kaming birth certificate, card, form 138 o kahit na anong dokumento. Kaya pumunta nalang kami sa bahay ni Jao. At buti nalang hindi pumasok yung papa ni Jao. Kilala nyo ba yung papa ni Jao? Syempre hindi. Siya lang naman yung Head sa School namin kaya napuslit namin si Alien sa tulong nya.

Naglalakad kami ngayon papunta sa office kasama yung principal.

"Bakit nga pala wala syang mga dokumento?" tanong ng principal.

Hindi kami umimik nina Jao.

"Mahabang istorya Mrs. Frejo. Sa ibang bansa kasi sya lumaki at nag-aral kaya mahirap na bumalik," salo naman ng papa ni Jao.

Hindi talaga kami nagkamali sa pagpili ng taong mahihingan ng tulong hahaha.

Nang pumasok na kami sa office ay pinaupo kaagad si Alien sa isang upuan dun at ininterview habang sina Jao naman ay nagpaalam na.

"Pangalan?" panimula nung naginterview.

Hindi sya sinagot ni Alien bagkus tinitigan lang sya kaya siniko ko.

"Pangalan mo daw," pabulong ko sa kanya.

Hindi parin sya umimik at tinignan nya lang ako. Bali nagtitigan kaming tatlo: ako, si alien at ang nagiinterview.

"Ano na?" pabulong ko sa kanya ulit.

"Ano?" tanong nya pabalik.

Umupo ako paharap sa kanya kasi nanggigil nako. Sarap anakan!

"Pangalan mo. Ano pangalan mo?" tanong ko ulit sa kanya.

"Anong pangalan?"

Napahilamos ako wala sa oras. Gusto kong mainis pero hindi pwede, inosente sya.

"Yung tinatawag sayo. Kung ano yung tawag sayo ng mga tao," paliwanag ko naman.

Nakita kong sandali syang nag-isip kaya nakahinga ako ng maluwag. Nakita ko syang bumaling sa nagiinterview sa kanya at nagsalita ng ubod ng lakas.

"AKO SI COHEN!!! HEHEHE,"


Animal.


"Sht! Ahmm sorry hehe.." kinuha ko si Alien at lumabas ng office. Dinala ko sya sa canteen para makapag usap kami.




***




Kinuha ko yung binili namin sa canteen at umupo sa bakanteng mesa.

"Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya habang kinakagat nya yung hotdog nya.

"Wala," tipid nyang sagot. 

 "Anong wala?! Iniinis mo ba ako?!" nakakagigil to e. Sarap sakalin.


"Hindi," tipid nyang sagot habang kumagat kagat ng hotdog nya.

May naisip ako para mapasalita sya. Kinakailangan kasi ng buong pangalan, edad, lugar kung saan ipinanganak, birthday, address, at guardian para maiparegister ka.

Kinuha ko yung binili naming Nestle na gatas, na nasa harap nya, at halatang gulat na gulat sya.

"Bakit Cohen?" takang-taka nyang tanong.

"Hindi ka makakainom nito kung hindi mo sasabihin sakin ang totoo,"

"Anong totoo?" pagmamaktol nya.

Kumuha muna ako ng papel at ballpen sa bag at saka sya inumpisahang interviewhin.

"Pangalan?" unang tanong.

"Gatas kooo..." aniya habang nagpopout.

"Makakainom kalang pagsinagot mo ng tama ang tanong ko,"

Tinitigan nya ako na para bang nag-iisip.

"Pangalan?" tanong ko ulit.

"Pone," maikli nyang sagot.

Isinulat ko naman kaagad at nagtanong ulit.

"Buong pangalan. Ano yung kasunod ng Pone?"

"Pone Schweczechīa,"

"Ano?"

"Schweczechīa!" pasigaw nyang sagot.

Ano daw? Shedeya? Binigay ko nalang sa kanya yung ballpen at papel upang isulat nya pero sinabi nyang hindi daw sya marunong kaya pinaspell ko nalang. Mabuti nalang pala marunong syang mag-alphabet.

"S-c-h-w-e-c-z-e-c-h-ī-a,"


Napa tigil ako. Paano ba basahin to? Dahil nga hindi ko alam ay tumingin ako sa kanya. Nakuha nya siguro yung punto ko kaya sinabi nya ng dahan-dahan.

"Swe-de-sheya,"

Napa-ahhh nalang ako at tinitigan ulit yung pangalan nya.

"Paano yung Pone?"

Umiling sya.

"Hindi Poney. Fown,"

Bali ang pangalan nya pala ay Fown Swedesheya? Nice name. Nakakabulol.

"Edad?" ikalawang tanong ko.

"27,"

Isusulat ko na sana ng..


"WHAAAATTTTTT?!?"

Sht! Anak ng!?! Sa itsura nyang yan?!? 27?!? Anak ng butiki!

"Bakit?" tanong nya. Nagulat siguro sa reaksyon ko.

"S-sa itsura m-mong yan?! 27 kana?!" bulalas ko. Hindi mo kasi masasabi na 27. Mukha kasi syang 16 or 15.

"Sa deviluke kasi isang

isang taon dito dun times 1.66. Edad ko 26.56 pero ilang buwan na kaya 27 nako," So bali.... ... ... 16 palang sya ngayon? Hays buti naman. Ayokong mag-asawa ng gurang na. "Ahmm Birthday?" ikatatlong tanong ko. "Gatas muna?" aniya habang nakangisi. Binigay ko naman kaagad at tinanong sya. "Birthday?" "normal season, full moon.." kampante nyang sagot. At dahil wala akong alam sa pinagsasabi nya edi gumawa nalang ako ng birthday nya. Bali yung ginawa kong birthday nya eh yung araw kung kailan nakilala ko sya. Ang problema nalang ngayon e yung guardian. Kasi yung ilalagay ko sa address eh yung address ko. Sino kaya pwede maging guardian? Pero nagulat ako nung biglang magsalita si Alien. "Coo tawag moko ming hehe," Natigilan ako.




  Pta!Sht!




 Ming?!




 Ahhhhhggggghhh...  



  Sarap nyang kainin ng buhay! Mukha syang pusa na nakakagigil pta! Pinigilan ko yung sarili kong gigil baka ano magawa ko sa kaniya. At inubos nalang namin ang pagkain namin para maipa-enroll ko na sya.  

She's My AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon