Chapter IX: Our Alien's Monthsary and Name

7 1 0
                                    

MING'S POV

Hellllllooooooo!!! I'm minggggg! Kumakain ako ng gatas ngayon at nanunuod ng Dora ^~^

"Ba't Dora na naman?!" nakasimangot na bungad ni Cohen sakin.

"Problema mo kay Dora?" tanong ko sa knya ng nakasimangot rin.

"Pambata yan. Sa ibang channel mo kasi ibaling!" aniya.

Actually, natuto akong magtagalog dahil sa kakanunuod ko ng tv. Andami kasi silang sinasabi kaya nakuha ko lahat ng data sa tv. At sa paglipas ng panahon ay namamaster kona magtagalog at minsan english.

Nakita kong pinatay ni Cohen yung tv kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Kakain na," aniya naman na ikinatuwa kooo.

"hmmmm... Hotdooggg.... Hmmmm... Hotdoogggg...hmmm-—"

Napahinto ako sa kakanta ko dahil tinabunan ni Cohen yung bibig ko.

Nagtitigan lang kaming dalawa.

(Cohen) -_-   ——>   -_- (ako)

Walang may umimik at sa huli si Cohen ang talo. Weeeeeeyyy! Haha

Napaupo ako sa upuan ko at kumuha ng hotdog ng biglang tapikin ni Cohen yung kamay ko.

"mashakit.." ngawa ko.

"Maghugas ka kasi muna ng kamay!" galit nyang sigaw.

Nakasimangot akong pumunta sa lababo. Ewan ko kung bakit parang laging galit sya sakin. Wala naman akong ginagawang masama e.

Eh?

Wala nga ba?

Iwinaksi ko yung nasa isipan ko at naghugas nalang ng kamay.

Sobrang saya ko dahil nakilala ko si Cohen. Nung una natakot talaga ako kasi pagkagising ko lumabas agad ako ng spaceship at pagkalabas ko ibang mundo na. Hinanap ko yung mga kasama ko pero ako nalang mag-isa. Nanlumo ako nun na may kasamang takot kasi pagkalabas ko may na ramdaman agad akong malakas na radiation. Luminga linga ako nun at halos kahit saan may mga system na umaandar kaso napakamicro lang. Sa amin kasi makakaramdam kalang ng mga micro o macro system voltage kapag nasa system section ka. Pero kapag nasa labas ka lang ay wala ka talagang mararamdaman kaya sobrang nanibago ako. Buti nalang mabait si cohen.

"Akala ko nalunod kana sa lababo,"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Cohen.

"hehe.." ngisi ko at tumakbo papuntang mesa.

Hindi ako gutom kaso lang hotdog yung ulam ee..



***



COHEN'S POV

Kumakain kami ng pizza ni Alien sa loob ng kwarto nya habang nakatunganga sa tv .

"Ang ganda ni Barbie! Tulad ko diba?" tanong niya.

Well, barbie yung pinapanood namin. Wala kasi nun sa planeta nila kaya hinayaan kona.

She's My AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon