Chapter X: The Day with My Alien

1 2 0
                                    

COHEN'S POV

"Hindi kapa ba tapos jan? Tara na!" yaya ko kay Alien.

Mag-aalas 8 na kasi kaya paniguradong malalate na kami nito.

Lumabas si Alien sa kwarto nya. Kaya umalis kami kaagad at pumuntang school.

Pagkapasok namin sa gate, as usual pinagtitinginan si Alien at karamihan ay lalaki.

Minsan nga may nagtanong sakin ng buong detalye ni Alien kaya nabeastmode ako nun at minsan naman may nagtanong kung pwede pa bang ligawan si Alien kaya ayun nasuntok ko. Punyeta

"Cohen okay kalang?" si alien.

Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Bakit naka pokerface ka na naman cohen? May nagawa ba akong kasalanan? May nagawa ba ak—eh?"

Hindi ko na sya pinatapos at tinitigan sya ng masama kaya napayuko nalang sya.

Ewan ko ba kung bakit nagagalit ako pagnaiisip ko yun tangina!

Wala ng may umimik sa amin kaya deretso kaming lumakad papuntang room.

Naabutan namin sina Jao na nag-uusap.

Hanggang sa upuan ay wala saming dalawa ang umimik.

"oyyy.. LQ ang mag-asawaaa hahahaha," si Jao.

Sinamaan ko lang ng tingin si Jao at hindi na sila pinansin.

"Hey Ming! Kumain kana?" tanong ni Jao sa kanya.

"Oo e. Kayo ba?" sagot naman nung alien.

Nanatili parin akong tahimik.

"Tara kain tayo? Aabsent daw yung teacher natin sa first per.," ani Jao

"Sig—"

"Hindi," ako na yung sumagot kay Jao. Ewan ko, sadyang lumabas lang yun sa bibig ko.

"May nagseselos oyyyy.. Hahahaha," This time si Goon naman ang kumutyaw.

Hindi ko nalang sila pinansin. Mga gago

Pero maya-maya lang may dumating na teacher na hindi namin alam kung sino. Pero nakauniform sya.

"Sabi walang teacher, ang talkshit naman," rinig ko pang sabi ni Jao.

Pinasadahan ko ng tingin yung lalaki. Matipuno ang pangangatawan at medyo may katandaan na. Siguro nasa mid 50.

"Ako si Mr. Coden Yu na nagmula sa The Eye Information Ins. O mas kilala sa tawag na The3Eye," pakilala nung lalaki.

Bigla naman nanlaki ang mata ko nung binanggit nya yung The3Eye. Actually gusto kong makapasok sa institusyong yan kasi sila yung pinaka kanang kamay ng NASA. They gather evidences, data, at discoveries. Pero hindi sila pampublikong gusali. They work very hard na naging rason kung bakit kinuha silang kanang kamay ng NASA. Tago sila sa publiko at iilan lang ang nakakakilala sa kanila dahil nasa ibang bansa ang institusyon nila o talagang wala lang akong alam?

"Cohen," tawag ni Goon ng pabulong

Napalingon naman ako sa kanya.

"Magkakapamilya kayo," aniya sabay nguso sa lalaki.

"Paano mo nasabi?" tanong ko sa kanya.

"Yu din apelyido nya,"

Napaisip ako. Oo nga nu? Sya si Coden Yu. Siguro magkalayong pamilya nina mama. Kay mama ko kasi nakuha ang apelyido na Yu dahil ayaw nyang manahin ko raw ang apelyido ng magaling kong ama.

"We discovered some species that are rares and sometimes we discover some fossils of some extraordinary specimen like mermaid and aliens," patuloy nya.

Ewan ko pero bigla akong kinilabutan nung binanggit nya yung alien. Kaya napabaling ako kay alien. Kampante lang syang nakaupo at nakikinig.

"I know some of you here heard the news last month," patuloy nung lalaki.

Napalunok ako. Hindi lang pala ako kasi pati sina Goon, Jao, at Beom.

"Sir, what news?" tanong ng isa kong kaklase.

Umupo yung lalaki at biglang napatingin sakin. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

"The news about the unknown object that will be landed here, in this city, in this place," aniya habang umiikot sya.

Pagkarinig ng mga kaklase ko sa sinabi nya ay nagbulong-bulungan na. At parang nawawalan nako ng tubig sa katawan ko. Halos wala na akong laway na ilulunok ptsa!

Paano kung alam nya yung tungkol kay Alien?

Paano kung...  Nandun din sya nung naglanding si alien?

Paano kung..

Paano kung...

Kunin nila si alien?

Ayokong mangyari yun...






***

MING'S POV

Umuwi kami kaagad pagkatapos nung klase namin ni Cohen. Gusto ko pa sanang pumuntang convenience store para bumili ng mga chichirya pero parang wala sa mood si Cohen.

Palagi naman eh -_-

Bubuksan sana namin yung bahay ng biglang gumitgit ito.

Nakabukas yung pinto!

Napatingin ako kay cohen at sakto ring tumingin sya sakin.

Alam kong pareho lang kami ng iniisip.

Pagtango nya ay alam ko na ang gagawin.

Pumasok kami ng dahan dahan sa loob upang dakpin ang kriminal.

Nasa ganoon kaming posisyon ng bigla kaming makarinig ng kalabog sa kusina.

"Nasa kusina," bulong ko kay Cohen.

"Alam ko," paasik na bulong nya sakin.

Kaya hinay hinay kaming lumakad papuntang kusina upang dakpin ang kriminal ng biglang—

"Anong ginagawa mo Cohen?" bungad nung babae nung makita kami.

Bigla naman napatingin sakin yung babae.

"Sino sya?" tanong ng babae kay Cohen.

"Asaw—" sasagot sana ako nung biglang takpan ni Cohen ang bibig ko.

"A-ano kasi ma... Pwede ba tayong mag-usap? Yung tayong dalawa lang?"

Hindi ako umimik at tinitigan lang silang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's My AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon