Samantha's PoV
"Waaahhhh!! Late na ako!" Shete naman oh! Hindi ko namalayan yung oras huhuhu first day of school pa naman ngayon at take note bagong school pa to.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at nadatnan ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.
"Goodmorning Pa! Alis na po ako" Hindi na naman ako makakapag- almusal neto huhu >.<
"Aalis kana agad? Wait what time is it? Hindi ka na ba kakain?" Sunod-sunod na tanong sakin ni Papa.
"Ah eh hindi na po Pa. Aalis na ako late na po ako eh" pagpapaliwanag ko.
"Naku Sam! Next time matulog ka ng maaga para maaga ka magising. " Panenermon sa akin ni Papa. Tch. Kasalanan to nung k-drama eh ang tagal matapos huhu. Pero ok lang kyaaahhh gwapo naman yung bida eh.
"Opo Pa. Sige po mauna na ako"
"Sige mag-iingat ka."
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse.
"Goodmorning Kuya Edie!" Bati ko sa driver ng nakangiti. Sya si Kuya Edie, matagal na syang nagtatrabaho para sa pamilya namin kaya parang tatay na rin ang turing ko sa kanya.
"Goodmorning din Sam" bati rin nito.
Habang nasa byahe pa. Magpapakilala muna ako sa inyo.
I'm Samantha Chua. Sam for short. 16 years old. 4th year highschool. Mahilig akong kumain. Favorite food ko ang cheesecake. Black ang fav color ko. 7 ang fav number ko. Libra ang zodiac sign ko. Bestfriend? Wala hayst.. Palipat-lipat kasi ako ng school kasi marami akong estudyanteng hindi nakakasundo. Hindi naman ako warfreak. Ayaw ko lang talaga sa kanila at ganon din naman sila sakin. First day ko sa bago kong school ngayon. As usual, BAGO na naman. Hindi ko alam ang name ng school kasi si Papa ang pumili nito. Baka raw kasi dito ay magtitino na ako.Sa kadaldalan ng utak ko. Hindi ko namalayan na andito na pala ako sa BAGO kong school. Binigyang diin ko talaga yung salitang "BAGO" haha.
"O sya! Bumaba kana Sam at baka mahuli ka pa sa klase mo" Nginitian ko na lang si Kuya Edie at pumasok na ako.
"Woah" In fairness ah! Ang ganda ng BAGO kong school. Magaling pumili si Papa pero tingnan natin kung makakatagal din ako dito. Hayst wish ko lang talaga kasi graduating na din ako. Pasensya Samatha! Pasensya. Konting kembot na lang ga-graduate ka din ^.^ woohh! Positivity all around!
Heidenfield High School....
Napansin kong madaming estudyanteng nagkukumpulan sa gitna. Sigurado akong hindi pa nagu-umpisa ang klase. Pumunta ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan tsk. Akala ko kung ano na! Nagsasalita lang pala yung kalbo sa gitna. I think sya yung Principal dito. The way he speaks to the crowd.. Napansin ko agad yun kaya sigurado akong sya ang principal. Nagbibigay lang sya ng ilang reminders. Maya-maya ay natapos din at nagsialisan na ang ibang estudyante.
Pumunta ako sa harap ng bulletin board sa may SSG office para hanapin kung anong section ko.
"Oh my Goshy Girl! Classmate ko yung Rolex kyaaahhh!!"Nagtinginan lahat ng estudyante dun sa babaeng tumili. Pati rin ako.
"Waaahhh!! Talaga? Ang swerte moo!!" Tch. Ano big deal mga ate?
Narinig kong nagbulungan ang iba. Teka.. Bulong nga ba? Ang lalakas kasi eh psh. May mga narinig akong side comments na "Ang swerte nya", " Sana ako din"
Ah basta! Karamihan ganyan -,-
Ok ako na OP sa kapaligiran psh.Nakita ko na din ang section ko. Pumasok ako sa loob ng SSG office para kumuha ng slip ng schedule ko. Ok naman ang sched na nakuha ko hindi masyadong hassle.
Habang hinahanap ko ang room ko kanina ko pa naririnig ang salitang "ROLEX" seriously? Mahilig ba sila sa relo? Bat topic nila yun? Psh.
As I just know, Star section ang napuntahan ko. Kahit ayaw sa akin ng surroundings sa dati kong school matataas pa din naman ang nakukuha kong grade. Kaya hindi na ako magtataka ngayon kung dito ako mapupunta.
Pumasok ako sa loob ng room with full of confidence. Umupo ako sa likod sa tabi ng bintana. Gusto kong nakakalanghap ng fresh air kahit medyo polluted na at isa pa sigurado naman akong wala ako makaka-close dito kaya sa likod ako pumwesto.
Maya-maya ay nagsidatingan na din ang iba kong classmate. Nakatitig lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang paligid habang inaantay kong magsimula ang klase.
YOU ARE READING
PLAYFUL LOVE
Teen FictionSamantha Park, ang babaeng hindi alam ang tunay na pagkatao nya at kung ano ang posisyon nya sa sarili nyang pamilya na magtutulak sa kanya upang pumasok sa isang relasyon na hindi nya alam na puro laro at pagkukunwari lamang.Ngunit darating ang ara...