PL 2

4 0 0
                                    

Samantha's PoV

Marami-rami na rin ang mga ka-klase kong nagsisipasukan. Napapansin kong tingin sila ng tingin sa akin. Well siguro bago lang ako sa paningin nila kaya ganon sila makatingin.

Dumating na ang teacher at nagsimula na ang klase. Pero ang ilang babae parang kiti-kiting hindi mapakali.

"Asan na sila?"
"Bakit hindi pa rin sila dumarating?"

Yan ang karamihan sa naririnig kong so called "bulungan nila".

Nasa kalagitnaan ng discussion ang teacher nang may dumating na ma-iingay na lalaki. May tatlong lalaking nagtatawanan na parang wala ng bukas psh. And then may isa naman na poker face lang ang mukha.

"Yo Ma'am! Sorry were late" sigaw nung lalaking may black pierce sa kanang tenga. Ano? Feeling nya magkabarkada lang sila ni Maam? Psh.

"It's ok. You may now take your seats." Eto namang teacher ko -_- psh. Favoritism lang ang peg?

"Hi Girls!" Bati naman nung lalaking may dimple.

Hindi magkamayaw sa kilig ang mga babae dito. Tilian dito, tilian doon. Kulang nalang mapa-ihi sila sa upuan nila sa sobrang kilig.

Tumingin na lang ako sa bintana at nanood sa mga naglalaro. Ang saya mag basketball. Hayy na-miss ko tuloy si kuya Kent.
Si Kent Jerald Park ang nag-iisang kuya ko. Sya ang kalaro ko lagi sa basketball. Dalawa lang kaming magkapatid pero nasa Korea sya ngayon para maghandle ng bussiness ni Papa dun kaya naiwan ako dito sa Pinas.

*Ehem* napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kong may nakatayong lalaki sa harap ko. Sya yung tahimik na lalaki kanina sa apat.
Napansin ko ding wala si Maam kaya pala umingay.

"Oh! Bat ka andyan?" Sino ba kasing may sabing tumayo sya sa harapan ko. Narinig kong nagtawanan ang mga ka-klase ko lalo na yung tatlong ugok.

"THAT. IS. MY. CHAIR." Kalmadong sabi nya pero lahat ng salita ay binigyang- diin nya.

"Chair mo to? If I'm not mistaken ako ang nauna dito." Kanina pa akong naka-upo dito tapos papa-alisin nya lang ako kasi sa kanya daw toh? No way!

Tiningnan nya lang ako ng masama.-,- Seriously? Pipi ba sya? Err..

"Hi Miss! Bago ka dito noh?" Tanong sakin ng lalaking singkit ang mata.

"Obvious ba?" Sarkastiko kong sabi.

"Haha kaya pala malakas ang loob Rex!" Sigaw nung lalaking may black pierce. Kanina pa sya sigaw ng sigaw ah. Nakakainis na errr..

"Seriously!? Taga-bundok ka ba? Kanina ka pa sigaw ng sigaw parang ang layo naman ng kausap mo! Psh" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumalabas na naman ang kamalditahan ko.

"Awwww" natahimik at nagtinginan ang mga ka klase namin dun sa lalaking naka black pierce na kakikitaan mo ng masamang aura.

"Anong sabi mo Miss?" Tanong nya habang papalapit sa akin. Psh. As if I'm threaten Mister! You wish pwe!

"Oh? Bat nabingi ka yata?" He smirked. Ngayon nasa harap ko na sya. Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Hindi ko inaatras ang mukha ko at bigla kong nilapit pa lalo sa kanya.

"Sinong tinakot mo?" I said in a seductive way. Nilayo nya ang mukha nya at napa-upo sa sahig sa sobrang pagkabigla. Takot pala to eh.

"Hahahahahahah" Napahawak ako sa tyan ko kakatawa. Pfft.  Nakitawa na rin ang iba sa akin.

"Umalis ka na dyan. Nangangalay na ako" Biglang nagsalita ang lalaking nakatayo sa harap ko. Walang nagbago sa ekspresyon nya.

"Sino ba kasing may sabing tumayo ka dyan?" Wala namang nag-utos sa kanya na maging estatwa dun psh. Nakita kong kinuyom nya ang kamao nya.

"Ah Hi Miss! Dito ka na lang sa tabi namin oh." Singit naman nung lalaking may dimples

"Oo nga Miss. Dyan kasi talaga sya naka-upo eh" pagsang-ayon nung lalaking singkit. Psh. Halata naman sa kanilang natatakot sila dito sa lalaking parang si baymax.

"Eh kung sabihin kong ayaw ko?" Mukhang nilamutak ang mukha nila sa naging sagot ko hahha

"Pero sige dahil mabait ako. Dyan na lang ako. Pakasaya ka dito ah MR. BAYMAX" tumayo na ako at kinuha ko na ang bag ko. Sinadya ko talagang bigyan ng diin ang salitang "MR.BAYMAX" tch parehas kasi talaga sila. Kahit anong sitwasyon iisa lang ang ekspresyon.

Naupo ako sa gitna nung lalaking may dimples at lalaking singkit. Tiningnan ko ulit si Baymax. Nakapatong ang ulo nya sa lamesa..mukhang natutulog.

"Ganyan talaga sya masanay ka na" sabi ng lalaking singkit. Napansin siguro nyang tinitingnan ko ang kaibigan nya.

"Ok." Yun na lang ang naisagot ko at tinuon ko na ang pansin ko sa kararating lang na teacher namin. At ang mga ka-klase ko makikita mong parang anghel na aakalain mong walang nangyari kanina. I'm starting to like it here ..

PLAYFUL LOVEWhere stories live. Discover now