PL 4

1 0 0
                                    

Samantha's PoV

Kasama ko si Ena. Medyo naging close ko na din sya. Masaya syang kasama at nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay.

Pumasok kami sa Auditorium na nagtatawanan. Kung ano-ano kasing kinukwento nya tungkol kay Mr. Principal bago pa ito naging kalbo.

Agaw atensyon ang pag-pasok namin sa Auditorium. Nagsisimula na sila. Late na kami ni Ena ng 10 minutes dahil sa kwentuhan.

Tapos na silang mag-elect ng President, Vice, Secretary, Auditor, P.I.O, P.O.
Ang bilis naman yata nila.

Nakatayo ang mga new elected officer sa gitna kaya madali ko silang na-identify.
Si Mr. Baymax ang President. Si Baely naman ang bakla naming Classmate ang Vice Pres. Si Julia ang Secretary. Mr. Singkit naman ang Auditor. Si Claire ang P.I.O at Si Mr. Blackpierce naman ang P.O

"Ok class! Kailangan din natin ng tig-isang representative sa girls and boys para sa ating Muse and Escort. Any volunteer? Suggestion?" Pinapili ni Maam ang mga boys ng tatlong babae na pagpipilian at sa girls naman tatlong lalaki din. Kung sino ang may pinakamaraming boto yung ang gagawing Muse and Escort.

Nakapili na ang boys ng dalawang babae. Sina Mia at Janelle isa na lang ang kulang.

"Maam! Yung transferee po!" Napatingin naman lahat sa akin.

"Come in front Miss Park." Pumunta ako sa harap tulad ng inutos ni Maam. Nakita kong nagche-cheer ng mahina si Ena sa likuran. Nag thumbs up pa sya sa akin.

Nakapili na din ng girls ng tatlong lalaki. Si Kevin, James at si Mr. Dimples.

Nagsimula na ang botohan. Maya -maya pa ay hawak na ni Maam ang result. Hindi na rin ako umaasang mananalo ako dito kasi unang-una hindi ko hilig ang ganito.

"Our Escort will be Mr. Ryan Beunaventura" nagpalakpakan naman sila at pumunta si Mr. Dimples sa harap na confident na nakangiti halatang sanay na sya sa ganito. And oh! Ryan pala name nya. Not bad.

"And our Muse will be Janelle Maglaya" sabi naman sa inyo eh hindi ako mananalo dito.

Tumakbo si Julia sa harapan at may binulong kay Maam. Bakas sa mukha ni Maam ang pagkabigla.

"Ahmm students I'm sorry hindi si Janelle ang nanalo sa botohan maling papel lang ang nabunot ko kanina pasensya na. So as I was saying hindi si Janelle ang Muse. Its Ms. Samatha Park" Did I hear it right? Name ko yun diba? Waaahh ayoko nga netoooo eh. Nakita kong masaya ang lahat sa naging resulta kaya napilitan akong mag fake smile at pumunta sa harap.

Simula kindergarten lagi akong nae-elect bilang muse pero hindi ako sumisipot pag merong contest. Ewan ko ba.. Siguro kasi naiinggit lang ako sa mga contestant kasi may mag-aasikasong nanay sa kanila tapos ako yaya lang. Feeling ko nun dun pa lang talo na ako.

Natapos ang election at nag congratulate ang bawat isa except for Mr. Baymax he's on his usual Mood.

"Uy Sam! Bat para kang nalugi? Heyyy ikaw kaya ang nanalo" lumapit sakin si Ena. Ayaw ko namang sabihin sa kanya na ayaw ko ang posisyon ko kasi ayaw kong madisappoint ko sila. Nakita ko ang result at halos lahat ng ka-klase ko nasa akin ang boto.

"Masaya ako noh! Hindi pa lang talaga nagsi-sink in sa utak ko lahat" I lied. In fact natatakot ako. Natatakot ako na madisappoint ko ang mga taong nakapaligid sakin ngayon. Iba sila. Ibang-iba sila sa mga naging classmate ko sa mga dati kong school. 

I'll never be a disappointment to this section. I promise....

PLAYFUL LOVEWhere stories live. Discover now